Font Size
Mga Bilang 3:46-51
Magandang Balita Biblia
Mga Bilang 3:46-51
Magandang Balita Biblia
46 Sapagkat mas marami ng 273 ang panganay ng mga Israelita kaysa mga lalaking Levita, ipatutubos mo 47 ng limang pirasong pilak bawat isa, ayon sa opisyal na timbangan ng santuwaryo (ang isang pirasong pilak ay katumbas ng labindalawang gramo). 48 Lahat ng salaping malilikom ay ibibigay mo kay Aaron at sa kanyang mga anak.” 49 Kinuha nga ni Moises ang pantubos sa mga panganay ng mga Israelita na humigit sa bilang ng mga Levita. 50 Ang kabuuang nalikom ay umabot sa 1,365 pirasong pilak. 51 Ang lahat ng ito'y ibinigay ni Moises kay Aaron at sa mga anak nito bilang pagsunod sa utos ni Yahweh.
Read full chapter
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.