Add parallel Print Page Options

26 Ang papuri'y di angkop sa taong mangmang, parang ulan ng yelo sa tag-araw o panahon ng anihan.

Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad.

Ang latigo'y para sa kabayo, ang bokado'y para sa asno, ang pamalo naman ay sa mangmang na tao.

Huwag mong papatulan ang isang mangmang at baka lumabas na higit ka pang mangmang.

Sagutin mo ang mangmang ayon sa kanyang kahangalan, upang hindi niya isipin na siya'y may katuwiran.

Ang magpadala ng balita sa mangmang ay napakadelikado, para mo na ring tinaga ang mga paa mo.

Kung ang paang pilay ay walang kabuluhan, ganoon din ang kawikaan sa bibig ng mangmang.

Ang isang papuring sa mangmang iniukol ay parang batong nakatali sa balat ng tirador.

Ang isang kawikaan sa bibig ng mangmang, ay tulad ng tinik sa kamay ng lasing.

10 Tulad ng isang namamana ng kahit na sino ang isang taong umupa ng mangmang o lasenggo.

11 Ang(A) taong nananatili sa kanyang kahangalan ay tulad ng aso, ang sariling suka ay binabalikan nito.

12 Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito.

13 Ano ang idinadahilan ng taong batugan? “May leon sa daan, may leon sa lansangan.”

14 Kung paano lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan naman ay sa kanyang kama.

15 Ang kamay ng tamad ay nadidikit sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran.

16 Ang palagay ng tamad, siya ay mas marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon.

17 Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso.

18-19 Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay.

20 Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.

21 Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag-ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo.

22 Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin.

23 Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga.

24 Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. 25 Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. 26 Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.

27 Ang(B) nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.

28 Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba.

26 Like snow in summer or rain(A) in harvest,
    honor is not fitting for a fool.(B)
Like a fluttering sparrow or a darting swallow,
    an undeserved curse does not come to rest.(C)
A whip for the horse, a bridle for the donkey,(D)
    and a rod for the backs of fools!(E)
Do not answer a fool according to his folly,
    or you yourself will be just like him.(F)
Answer a fool according to his folly,
    or he will be wise in his own eyes.(G)
Sending a message by the hands of a fool(H)
    is like cutting off one’s feet or drinking poison.
Like the useless legs of one who is lame
    is a proverb in the mouth of a fool.(I)
Like tying a stone in a sling
    is the giving of honor to a fool.(J)
Like a thornbush in a drunkard’s hand
    is a proverb in the mouth of a fool.(K)
10 Like an archer who wounds at random
    is one who hires a fool or any passer-by.
11 As a dog returns to its vomit,(L)
    so fools repeat their folly.(M)
12 Do you see a person wise in their own eyes?(N)
    There is more hope for a fool than for them.(O)

13 A sluggard says,(P) “There’s a lion in the road,
    a fierce lion roaming the streets!”(Q)
14 As a door turns on its hinges,
    so a sluggard turns on his bed.(R)
15 A sluggard buries his hand in the dish;
    he is too lazy to bring it back to his mouth.(S)
16 A sluggard is wiser in his own eyes
    than seven people who answer discreetly.

17 Like one who grabs a stray dog by the ears
    is someone who rushes into a quarrel not their own.

18 Like a maniac shooting
    flaming arrows of death
19 is one who deceives their neighbor
    and says, “I was only joking!”

20 Without wood a fire goes out;
    without a gossip a quarrel dies down.(T)
21 As charcoal to embers and as wood to fire,
    so is a quarrelsome person for kindling strife.(U)
22 The words of a gossip are like choice morsels;
    they go down to the inmost parts.(V)

23 Like a coating of silver dross on earthenware
    are fervent[a] lips with an evil heart.
24 Enemies disguise themselves with their lips,(W)
    but in their hearts they harbor deceit.(X)
25 Though their speech is charming,(Y) do not believe them,
    for seven abominations fill their hearts.(Z)
26 Their malice may be concealed by deception,
    but their wickedness will be exposed in the assembly.
27 Whoever digs a pit(AA) will fall into it;(AB)
    if someone rolls a stone, it will roll back on them.(AC)
28 A lying tongue hates those it hurts,
    and a flattering mouth(AD) works ruin.

Footnotes

  1. Proverbs 26:23 Hebrew; Septuagint smooth