Mga Awit 92:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Aking nasaksihan
yaong pagkalupig ng mga kaaway,
pati pananaghoy
ng mga masama'y aking napakinggan.
12 Tulad ng palmera,
ang taong matuwid tatatag ang buhay,
sedar ang kagaya,
kahoy sa Lebanon, lalagong malabay.
13 Mga punong natanim
sa tahanan ni Yahweh,
sa Templo ng ating Diyos
bunga nila'y darami.
Mga Awit 92:11-13
Ang Biblia, 2001
11 Nakita ng aking mata ang pagbagsak ng aking mga kaaway,
narinig ng aking mga tainga ang kapahamakan ng tumitindig laban sa akin.
12 Ang matuwid ay umuunlad na parang puno ng palma,
at lumalagong gaya ng sedro sa Lebanon.
13 Sila'y nakatanim sa bahay ng Panginoon,
sila'y lumalago sa mga bulwagan ng aming Diyos.
Mga Awit 92:11-13
Ang Biblia (1978)
11 (A)Nakita naman ng aking mata ang nasa ko sa aking mga kaaway,
Narinig ng aking pakinig ang nasa ko sa mga manggagawa ng kasamaan na nagsisibangon laban sa akin.
12 (B)Ang matuwid ay giginhawa na parang puno ng palma.
Siya'y tutubo na parang (C)cedro sa Libano.
13 (D)Sila'y nangatatag sa bahay ng Panginoon;
Sila'y giginhawa sa mga looban ng aming Dios.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
