Add parallel Print Page Options

Awit ng Pagpaparangal sa Jerusalem

Isang Awit na katha ng angkan ni Korah.

87 Sa Bundok ng Zion, itinayo ng Diyos ang banal na lunsod,
ang lunsod na ito'y
    higit niyang mahal sa alinmang bayan ng angkan ni Jacob.
Kaya't iyong dinggin
    ang ulat sa iyong mabubuting bagay, O lunsod ng Diyos: (Selah)[a]

“Kapag isinulat ko at ang mga bansang sa iyo'y sasama,
    aking ibibilang ang bansang Egipto at ang Babilonia;
ibibilang ko rin bansang Filistia, Tiro at Etiopia.”[b]
At tungkol sa Zion,
    sasabihin nila, “Ang lahat ng bansa ay masasakupan,
    siya'y palalakasin at patatatagin ng Kataas-taasan.”
Si Yahweh ay gagawa,
    ng isang talaan ng lahat ng taong doo'y mamamayan, (Selah)[c]
sila ay aawit, sila ay sasayaw, at sila'y sabay-sabay na magsasabing,
    “Ang aking mga pagpapala'y ang Zion ang bukal.”

Footnotes

  1. Mga Awit 87:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
  2. Mga Awit 87:4 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.
  3. Mga Awit 87:6 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.

锡安民之福源

87 可拉后裔的诗歌。

耶和华所立的根基在圣山上。
他爱锡安的门,胜于爱雅各一切的住处。
神的城啊,有荣耀的事乃指着你说的。(细拉)
我要提起拉哈伯巴比伦人,是在认识我之中的;看哪,非利士推罗古实人,个个生在那里。
论到锡安,必说:“这一个那一个都生在其中。”而且至高者必亲自坚立这城。
当耶和华记录万民的时候,他要点出:“这一个生在那里。”(细拉)
歌唱的、跳舞的都要说:“我的泉源都在你里面!”