Add parallel Print Page Options

Kaluwalhatian ng Diyos at Dignidad ng Tao

Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng Gittith.[a]

O Yahweh, na aming Panginoon,
    sa buong mundo'y tunay kang dakila!
Iyong papuri'y abot sa langit!
    Pinupuri(A) ka ng mga bata't bagong silang,
ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan,
    kaya't natahimik ang lahat ng iyong kaaway.
Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay,
    pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.
Ano(B) ba ang tao upang iyong pahalagahan;
    o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?

Nilikha(C) mo siyang mababa sa iyo[b] nang kaunti,
    pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.
Ginawa(D) mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha,
    sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala:
    mga tupa at kawan pati na ang mababangis,
    lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan,
    at lahat ng nilikhang nasa karagatan.

O Yahweh, na aming Panginoon,
    sa buong mundo'y tunay kang dakila!

Footnotes

  1. Mga Awit 8:1 GITTITH: Ang kahulugan ng salitang ito'y maaaring tumutukoy sa isang uri ng instrumento o sa isang uri ng tono.
  2. Mga Awit 8:5 iyo: o kaya'y mga anghel .

上帝的榮耀與人的尊貴

大衛的詩,交給樂長,迦特樂器伴奏。

我們的主耶和華啊,
你的名在地上何其尊貴!
你的榮耀充滿諸天。
你使孩童和嬰兒的口發出頌讚,
好叫你的仇敵啞口無言。
我觀看你指頭創造的穹蒼和你擺列的月亮星辰,
人算什麼,你竟顧念他!
世人算什麼,你竟眷顧他!
你叫他比天使低微一點,
賜他榮耀和尊貴作冠冕。
你派他管理你親手造的萬物,
使萬物降服在他腳下:
牛羊、田野的獸、
空中的鳥、海裡的魚及其他水族。
我們的主耶和華啊,
你的名在地上何其尊貴!