Mga Awit 76
Ang Biblia, 2001
Sa Punong Mang-aawit: sa instrumentong may kuwerdas. Salmo ni Asaf. Isang Awit.
76 Sa Juda ang Diyos ay kilala,
    ang kanyang pangalan sa Israel ay dakila.
2 Natatag sa Salem ang kanyang tahanan,
    sa Zion ang kanyang dakong tirahan.
3 Doo'y binali niya ang humahagibis na mga palaso,
    ang kalasag, ang tabak, at mga sandata sa pakikidigma. (Selah)
4 Ikaw ay maluwalhati, higit na marangal,
    kaysa mga bundok na walang hanggan.
5 Ang matatapang ay inalisan ng kanilang samsam,
    sila'y lumubog sa pagkakatulog,
at wala sa mga mandirigma
    ang makagamit ng kanilang mga kamay.
6 Sa iyong saway, O Diyos ni Jacob,
    ang mangangabayo at ang kabayo ay nahandusay sa mahimbing na pagkakatulog.
7 Ngunit ikaw, ikaw ay kakilakilabot!
    Sinong makakatayo sa iyong harapan,
    kapag minsang ang galit ay napukaw?
8 Mula sa langit ang hatol ay iyong ipinarinig,
    ang lupa ay natakot, at tumahimik,
9 nang ang Diyos ay bumangon sa paghatol,
    upang iligtas ang lahat ng naaapi sa sandaigdigan. (Selah)
10 Tunay na pupurihin ka ng poot ng tao;
    ang nalabi sa poot ay ibibigkis mo sa iyo.
11 Mamanata ka sa Panginoon mong Diyos, at tuparin mo ang mga iyon,
    magdala nawa ng mga kaloob ang lahat ng nasa kanyang palibot,
    sa kanya na nararapat pag-ukulan ng takot,
12 siyang pumuputol ng espiritu ng mga pinuno,
    na kinatatakutan ng mga hari sa mundo.
Salmo 76
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Sa Dios ang Tagumpay
76 Kilalang-kilala ang Dios sa Juda,
    at sa Israel ay dakila siya.
2 Nakatira siya sa bundok ng Zion sa Jerusalem[a]
3 Doon, sinira niya ang mga nagniningas na palaso ng kaaway,
    ang kanilang mga pananggalang, espada at iba pang kagamitang pandigma.
4 O Dios, makapangyarihan kayo at higit na dakila habang bumababa kayo sa bundok na kung saan pinatay nʼyo ang inyong mga kaaway.[b]
5 Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.
Silang lahat ay namatay na;
    wala nang makakapagbuhat pa ng kamay sa amin.
6 O Dios ni Jacob, sa inyong sigaw,[c] ang mga kawal[d] at ang kanilang mga kabayo ay namatay.
7 Kaya dapat kayong katakutan.
    Sinong makakatagal sa inyong harapan kapag kayoʼy nagalit?
8 Mula sa langit ay humatol kayo.
    Ang mga tao sa mundo ay natakot at tumahimik
9 nang humatol kayo, O Dios,
    upang iligtas ang lahat ng inaapi sa daigdig.
10 Tiyak na ang galit nʼyo sa mga tao[e] ay magbibigay ng karangalan sa inyo,
    ngunit hindi nʼyo pa lubusang ibinubuhos ang inyong galit.
11 Mangako kayo sa Panginoon na inyong Dios at tuparin ito.
    Lahat kayong mga bansang nasa paligid, magdala kayo ng mga regalo sa Dios na siyang karapat-dapat katakutan.
12 Ibinababa niya ang mapagmataas na mga pinuno;
    kinatatakutan siya ng mga hari rito sa mundo.
Psaumes 76
La Bible du Semeur
Dieu est vainqueur
76 Au chef de chœur. Un psaume d’Asaph[a]. A chanter avec accompagnement d’instruments à cordes.
2 Dieu s’est fait connaître en Juda,
son nom est grand en Israël.
3 Sa résidence est à Salem[b],
et sa demeure est en Sion.
4 C’est là qu’il a brisé ╵les flèches fulgurantes,
les boucliers, les glaives, ╵toutes armes de guerre.
            Pause
5 Tu es resplendissant, ╵plus éclatant
que les monts éternels[c].
6 Tous les vaillants guerriers ╵ont été dépouillés,
ils se sont endormis ╵de leur dernier sommeil.
Tous ces valeureux hommes ╵n’ont pas su retrouver ╵la vigueur de leurs mains.
7 Dieu de Jacob, à ta menace
les chars et les chevaux ╵se sont figés sur place.
8 Que tu es redoutable !
Qui tiendrait devant toi ╵quand ta colère éclate ?
9 Du ciel, tu fais entendre ton verdict,
et la terre, effrayée, ╵se tient dans le silence
10 quand toi, ô Dieu, tu interviens ╵pour exercer le jugement
et pour apporter le salut ╵à tous les humbles de la terre.
            Pause
11 Car même la fureur des hommes ╵tournera à ta gloire
et tu t’attacheras ╵les rescapés de ta colère[d].
12 Vous tous qui entourez ╵l’Eternel votre Dieu,
faites des vœux ╵et accomplissez-les !
Apportez vos présents ╵à ce Dieu redoutable.
13 Il brise l’esprit résolu des princes,
il se rend redoutable ╵pour les rois de la terre.
Footnotes
- 76.1 Voir note 50.1. La version grecque ajoute : contre l’Assyrien.
- 76.3 Ancien nom de Jérusalem (Gn 14.18) choisi ici peut-être à cause de son assonance avec shalom, « paix ».
- 76.5 D’après l’ancienne version grecque. Texte hébreu traditionnel : les montagnes de butin.
- 76.11 Hébreu de sens incertain. Autre traduction : et tu te pareras des restes de (leur ?) fureur.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
La Bible Du Semeur (The Bible of the Sower) Copyright © 1992, 1999 by Biblica, Inc.®
 
      Used by permission. All rights reserved worldwide.
