Font Size
                  
                
              
            
Mga Awit 65:3-5
Magandang Balita Biblia
Mga Awit 65:3-5
Magandang Balita Biblia
3     Bunga nitong pagkukulang, kaya kami nalulupig,
    gayon pa man, patawad mo'y amin pa ring nakakamit.
4 Silang mga hinirang mo, upang sa templo manahan,
    silang mga pinili mo'y mapalad na tuturingan!
Magagalak kaming lubos sa loob ng templong banal,
    dahilan sa dulot nitong pagpapala sa nilalang.
5 Kami'y iyong dinirinig, Tagapagligtas naming Diyos,
    sa kahanga-hangang gawa, kami'y iyong tinutubos.
Kahit sino sa daigdig, sa ibayong karagatan,
    may tiwala silang lahat sa taglay mong kabutihan.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG) 
    Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
