Mga Awit 46
Magandang Balita Biblia
Ang Diyos ay Sumasaatin
Katha ng angkan ni Korah upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Alamot[a]
46 Ang Diyos ang ating lakas at kanlungan,
at handang saklolo kung may kaguluhan.
2 Di dapat matakot, mundo'y mayanig man,
kahit na sa dagat ang bundok matangay;
3 kahit na magngalit yaong karagatan,
at ang mga burol mayanig, magimbal. (Selah)[b]
4 May ilog ng galak sa bayan ng Diyos,
sa banal na templo'y ligaya ang dulot.
5 Ang tahanang-lunsod ay di masisira;
ito ang tahanan ng Diyos na Dakila,
mula sa umaga ay kanyang alaga.
6 Nangingilabot din bansa't kaharian,
sa tinig ng Diyos lupa'y napaparam.
7 Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan,
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)[c]
8 Anuman ang kanyang ginawa sa lupa,
sapat nang pagmasdan at ika'y hahanga!
9 Maging pagbabaka ay napatitigil,
sibat at palaso'y madaling sirain;
baluting sanggalang ay kayang tupukin!
10 Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman,
kataas-taasan sa lahat ng bansa,
sa buong sanlibuta'y pinakadakila.”
11 Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan;
ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan! (Selah)[d]
Footnotes
- Mga Awit 46:1 ALAMOT: Maaaring ang kahulugan ng salitang ito'y “ayon sa tinig ng babae” o kaya'y “mataas na tono”.
- Mga Awit 46:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
- Mga Awit 46:7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
- Mga Awit 46:11 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
诗篇 46
Chinese New Version (Traditional)
神同在是最好的保障
可拉子孫的歌,交給詩班長,用女高調。
46 神是我們的避難所,是我們的力量,
是我們在患難中隨時都可得到的幫助。
2 因此,地雖然震動,
群山雖然崩塌入海洋的深處,
我們也不害怕。
3 雖然海浪翻騰澎湃,
雖然山嶽因波濤洶湧搖動,
我們也不害怕。(細拉)
4 有一條河,它眾多的支流使 神的城充滿快樂;
這城就是至高者居住的聖所。
5 神在城中,城必不動搖;
天一亮, 神必幫助它。
6 列邦喧嚷,萬國動搖;
神一發聲,地就融化。
7 萬軍之耶和華與我們同在;
雅各的 神是我們的保障。(細拉)
8 你們都來,看耶和華的作為,
看他怎樣使地荒涼。
9 他使戰爭止息,直到地極;
他把弓折毀,把矛砍斷,
把戰車用火焚燒。
10 你們要住手,要知道我是 神;
我要在列國中被尊崇,我要在全地上被尊崇。
11 萬軍之耶和華與我們同在;
雅各的 神是我們的保障。(細拉)
歌頌 神是全地的王
可拉子孫的詩,交給詩班長。
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.

