Add parallel Print Page Options

Panalangin Upang Tulungan ng Diyos

Katha ni David.

35 Ang mga salungat at laban sa akin, O Yahweh, sila ay iyo ngang digmain!
Ang iyong kalasag at sandatang laan,
    kunin mo at ako po ay iyong tulungan.
Dalhin mo ang iyong palakol at sibat,
    at sila'y tugisin hanggang sa mautas.
Sabihin mong ikaw ang Tagapagligtas ng abang lingkod mo, O Diyos na marilag!

Silang nagnanasang ako ay patayin
    ay iyong igupo at iyong hiyain;
at ang nagtatangkang lumaban sa akin,
    hadlangan mo sila at iyong lituhin.
Gawing parang ipa na tangay ng hangin,
    habang tinutugis ng sinugong anghel.
Hayaang magdilim, dumulas ang landas,
    ang anghel ni Yahweh, sa kanila'y wawasak.
Ni walang dahilan, ang hangad sa akin
    ako ay ihulog sa balong malalim, na ginawa nila upang ako'y dakpin.
Hindi nila alam sila'y mawawasak,
    sila'y mahuhulog sa sariling bitag;
    sa hinukay nilang balon, sila'y lalagpak.

Dahilan kay Yahweh, ako'y magagalak;
    sa habag sa akin ako'y iniligtas.
10 Buhat sa puso ko'y aking ihahayag,
    “Tunay ikaw, Yahweh, ay walang katulad!
    Iniingatan mo laban sa malakas, ang mga mahihina't taong mahihirap,
    at sa nang-aapi, sila'y ililigtas.”

11 Ang mga masama'y nagpapatotoo,
    at nagpaparatang ng hindi totoo, sa pagkakasalang walang malay ako.
12 Sa gawang mabuti, ganti ay masama;
    nag-aabang sa akin at nagbabanta.
13 Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko,
    nagdaramit-luksa at nag-aayuno;
at nananalangin na yuko ang ulo.
14     Para bang ang aking idinadalangin ay isang kapatid na mahal sa akin;
Lumalakad ako na ang pakiramdam,
    wari'y inulila ng ina kong mahal.

15 Nagagalak sila kapag ako'y may dusa;
    sa aking paligid nagtatawanan pa.
Binubugbog ako ng di kakilala,
    halos walang tigil na pagpaparusa.
16 Natutuwa silang ako'y maghinagpis;
    sa galit sa akin, ngipi'y nagngangalit.

17 Hanggang kailan pa kaya, O Yahweh, maghihintay ako sa mahal mong tulong?
    Iligtas mo ako sa ganid na leon;
    sa paglusob nila't mga pagdaluhong.
18 At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan;
    pupurihin kita sa harap ng bayan.

19 Huwag(A) mong tutulutang ang mga kaaway,
    magtawanan sa aking mga kabiguan;
gayon din ang may poot nang walang dahilan,
    magalak sa aking mga kalumbayan.

20 Sila, kung magwika'y totoong mabagsik,
    kasinungalingan ang bigkas ng bibig,
    at ang ginigipit, taong matahimik.
21 Ang paratang nila na isinisigaw:
    “Ang iyong ginawa ay aming namasdan!”
22 Ngunit ikaw, Yahweh, ang nakababatid,
    kaya, Panginoon, huwag kang manahimik;
    ako'y huwag mong iiwan sa paghihinagpis!
23 Ikaw ay gumising, ako'y ipagtanggol,
    iyong ipaglaban ako, Panginoon.
24 O Yahweh, aking Diyos, sadyang matuwid ka, kaya ihayag mong ako'y walang sala;
    huwag mong ipahintulot sa mga kaaway, na sila'y magtawa kung ako'y mamasdan.
25 Huwag mong pabayaang mag-usap-usapan,
    at sabihing: “Aba! Gusto nami'y ganyan!”
Huwag mong itutulot na sabihin nilang:
    “Siya ay nagapi namin sa labanan!”

26 Silang nagagalak sa paghihirap ko,
    lubos mong gapii't bayaang malito;
silang nagpapanggap namang mas mabuti,
    hiyain mo sila't siraan ng puri.
27 Ang nangagsasaya, sa aking paglaya
    bayaang palaging sumigaw sa tuwa;
“Dakila si Yahweh, tunay na dakila;
    sa aking tagumpay, siya'y natutuwa.”

28 Aking ihahayag ang iyong katuwiran,
    sa buong maghapon ay papupurihan!

35 Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin: lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.

Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin.

Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin: sabihin mo sa aking kaluluwa, Ako'y iyong kaligtasan.

Mangahiya nawa sila, at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa: mangapabalik sila, at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.

Maging gaya nawa sila ng ipa sa unahan ng hangin, at itaboy sila ng anghel ng Panginoon.

Maging madilim nawa, at madulas ang kanilang daan, at habulin sila ng anghel ng Panginoon.

Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay, walang kadahilanan ay nagsihukay sila para sa aking kaluluwa.

Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli: mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.

At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon: magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.

10 Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?

11 Mga saksing masasama ay nagsisitayo; sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.

12 Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.

13 Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.

14 Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid: ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.

15 Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipisan: ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;

16 Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan, kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.

17 Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon.

18 Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.

19 Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.

20 Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.

21 Oo, kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata.

22 Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin.

23 Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.

24 Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; at huwag mo silang pagalakin sa akin.

25 Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya.

26 Mangapahiya nawa sila, at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.

27 Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.

28 At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw.

35 Av David. Gå till rätta, HERRE, med dem som gå till rätta med mig; strid mot dem som strida mot mig.

Fatta sköld och skärm, och stå upp till min hjälp;

drag fram spjutet, och spärra vägen för mina förföljare. Säg till min själ: »Jag är din frälsning.»

Må de komma på skam och blygas, som stå efter mitt liv; må de vika tillbaka och varda utskämda, som hava ont i sinnet mot mig.

Må de bliva såsom agnar för vinden, och HERRENS ängel drive dem bort.

Deras väg blive mörk och slipprig, och HERRENS ängel drive dem bort.

Ty utan sak hava de försåtligen tillrett sin nätgrop för mig, utan sak hava de grävt en grav för mitt liv.

Fördärv komme över den mannen oförtänkt, det nät han har utlagt må fånga honom; ja, till sitt fördärv falle han själv däri.

Men min själ skall fröjda sig i HERREN och vara glad över hans frälsning.

10 Alla ben i min kropp skola säga: »HERRE, vem är dig lik, du som räddar den betryckte från den som är honom för stark, den betryckte och fattige ifrån den som plundrar honom?»

11 Orättfärdiga vittnen träda fram; de utfråga mig om det jag icke vet.

12 De löna mig med ont för gott; övergiven är min själ.

13 Jag åter bar sorgdräkt, när de voro sjuka, jag späkte min själ med fasta, jag bad med nedsänkt huvud;

14 såsom gällde det min vän, min broder, så skickade jag mig; lik den som sörjer sin moder gick jag sorgklädd och lutande.

15 Men de glädja sig över mitt fall och rota sig samman; ja, eländiga människor, som jag icke känner, rota sig samman mot mig, de smäda mig utan uppehåll.

16 Dessa gudlösa, som driva gyckel för en kaka bröd, bita ihop tänderna mot mig.

17 Herre, huru länge skall du se härpå? Ryck min själ undan det fördärv de bereda, och mitt liv undan lejonen.

18 Då skall jag tacka dig i den stora församlingen, och bland mycket folk skall jag lova dig.

19 Låt icke dem få glädja sig över mig, som utan skäl äro mina fiender; låt icke dem som utan sak hata mig få blinka med ögonen.

20 Ty det är icke frid som de tala; nej, svekets ord tänka de ut mot de stilla i landet.

21 De spärra upp munnen mot mig; de säga: »Rätt så, rätt så, nu se vi det med egna ögon!»

22 Du, HERRE, ser det; tig icke. Herre, var icke långt ifrån mig.

23 Vakna och stå upp för att skaffa mig rätt, för att utföra min sak, du min Gud och Herre.

24 Skaffa mig rätt efter din rättfärdighet, HERRE, min Gud, och låt dem icke få glädja sig över mig.

25 Låt dem icke säga i sina hjärtan: »Rätt så, det gick såsom vi ville!» Låt dem icke säga: »Vi hava fördärvat honom.»

26 Må alla komma på skam och blygas, som glädja sig över min ofärd. Med skam och blygd må de varda klädda, som förhäva sig över mig.

27 Men må de jubla och glädja sig, som unna mig min rätt, och må de alltid kunna säga: »Lovad vare HERREN, han som unnar sin tjänare gott!»

28 Då skall min tunga förkunna din rättfärdighet och hela dagen ditt lov.