Add parallel Print Page Options

Panalangin sa Umaga

Awit(A) ni David nang siya'y tumatakas mula kay Absalom.

O Yahweh, napakarami pong kaaway,
    na sa akin ay kumakalaban!
Ang lagi nilang pinag-uusapan,
    ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah)[a]

Ngunit ikaw, Yahweh, ang aking sanggalang,
    binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.
Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong,
    sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah)[b]

Ako'y nakakatulog at nagigising,
    buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin.
Sa maraming kalaba'y di ako matatakot,
    magsipag-abang man sila sa aking palibot.

Yahweh na aking Diyos, iligtas mo ako!
Parusahang lahat, mga kaaway ko,
    kapangyarihan nila'y iyong igupo.
Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay;
    pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)[c]

Footnotes

  1. Mga Awit 3:2 SELAH: Ang kahulugan ng salitang ito'y hindi tiyak, subalit sa tekstong Hebreo, ito'y maaaring ginamit bilang isang simbolong pangmusika na nagbibigay ng hudyat sa pag-awit o pagtugtog.
  2. Mga Awit 3:4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
  3. Mga Awit 3:8 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.

求助的早祷

大卫逃避儿子押沙龙时作的诗。

耶和华啊,我的敌人何其多!
反对我的人何其多!
他们都说上帝不会来救我。(细拉)[a]

可是,耶和华啊!
你是四面保护我的盾牌,
你赐我荣耀,使我昂首而立。
我向耶和华呼求,
祂就从祂的圣山上回应我。(细拉)
我躺下,我睡觉,我醒来,
都蒙耶和华看顾。
我虽被千万仇敌围困,
也不会惧怕。
耶和华啊,求你起来!
我的上帝啊,求你救我!
求你掴我一切仇敌的脸,
打碎恶人的牙齿。
耶和华啊,你是拯救者,
愿你赐福你的子民!(细拉)

Footnotes

  1. 3:2 细拉”语意不明,常在诗篇中出现,可能是一种音乐术语。