Mga Awit 140
Magandang Balita Biblia
Panalangin Upang Ingatan ng Diyos
Isang Awit na katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.
140 Sa mga masama ako ay iligtas,
iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas;
2 sila'y nagpaplano at kanilang hangad
palaging mag-away, magkagulo lahat.
3 Mabagsik(A) ang dila na tulad ng ahas,
tulad ng ulupong, taglay na kamandag. (Selah)[a]
4 Sa mga masama ako ay iligtas;
iligtas mo, Yahweh, sa mga marahas,
na ang nilalayon ako ay ibagsak.
5 Taong mga hambog, ang gusto sa akin,
ako ay masilo, sa bitag hulihin,
sa bitag na umang sa aking landasin. (Selah)[b]
6 Sabi ko kay Yahweh, “Ikaw ang aking Diyos.”
Kaya ako'y dinggin sa aking pagdulog.
7 Panginoong Yahweh, na Tagapagligtas,
nang ako'y lusubin, ikaw ang nag-ingat.
8 Taong masasama, sa kanilang hangad
ay iyong hadlangan, biguin mo agad. (Selah)[c]
9 Ang mga kaaway, huwag pagtagumpayin,
pagdusahin sila sa banta sa akin.
10 Bagsakan mo sila ng apoy na baga,
itapon sa hukay nang di makaalsa.
11 At ang mga taong gawai'y mangutya, huwag pagtagumpayin sa kanilang nasa;
ang marahas nama'y bayaang mapuksa.
12 Batid ko, O Yahweh, iyong papanigan ang mga mahirap, upang isanggalang,
at pananatilihin ang katarungan.
13 Ang mga matuwid magpupuring tunay,
ika'y pupurihi't sa iyo mananahan!
Footnotes
- Mga Awit 140:3 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
- Mga Awit 140:5 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
- Mga Awit 140:8 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
Awit 140
Ang Dating Biblia (1905)
140 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa masamang tao; ingatan mo ako sa marahas na tao:
2 Na nagaakala ng kasamaan sa kanilang puso: laging nagpipipisan sila sa pagdidigma.
3 Kanilang inihasa ang kanilang dila na parang ahas; kamandag ng mga ahas ay nasa kanilang mga labi. (Selah)
4 Ingatan mo ako, Oh Panginoon, sa mga kamay ng masama; ingatan mo ako sa marahas na tao: na nagakalang iligaw ang aking mga hakbang.
5 Ipinagkubli ako ng palalo ng silo, at ng mga panali; kanilang ipinaglagay ako ng bating sa tabi ng daan; sila'y naglagay ng mga silo na ukol sa akin. (Selah)
6 Aking sinabi sa Panginoon. Ikaw ay Dios ko: Pakinggan mo ang tinig ng aking mga dalangin, Oh Panginoon.
7 Oh Dios na Panginoon, na kalakasan ng aking kaligtasan, iyong tinakpan ang ulo ko sa kaarawan ng pagbabaka.
8 Huwag mong ipagkaloob, Oh Panginoon, ang mga nasa ng masama; huwag mong papangyarihin ang kaniyang masamang haka; baka sila'y mangagmalaki. (Selah)
9 Tungkol sa ulo niyaong nagsisikubkob sa aking palibot, takpan sila ng kasamaan ng kanilang sariling mga labi.
10 Mahulog sa kanila ang mga bagang nagniningas: mangahagis sila sa apoy; sa mga malalim na hukay, upang huwag na silang mangakabangon uli.
11 Ang mapagsalita ng masama ay hindi matatatag sa lupa: huhulihin ng kasamaan ang marahas na lalake upang ibuwal siya.
12 Nalalaman ko na aalalayan ng Panginoon ang usap ng nagdadalamhati, at ang matuwid ng mapagkailangan.
13 Walang pagsalang ang matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan: ang matuwid ay tatahan sa iyong harapan.
Psalm 140
King James Version
140 Deliver me, O Lord, from the evil man: preserve me from the violent man;
2 Which imagine mischiefs in their heart; continually are they gathered together for war.
3 They have sharpened their tongues like a serpent; adders' poison is under their lips. Selah.
4 Keep me, O Lord, from the hands of the wicked; preserve me from the violent man; who have purposed to overthrow my goings.
5 The proud have hid a snare for me, and cords; they have spread a net by the wayside; they have set gins for me. Selah.
6 I said unto the Lord, Thou art my God: hear the voice of my supplications, O Lord.
7 O God the Lord, the strength of my salvation, thou hast covered my head in the day of battle.
8 Grant not, O Lord, the desires of the wicked: further not his wicked device; lest they exalt themselves. Selah.
9 As for the head of those that compass me about, let the mischief of their own lips cover them.
10 Let burning coals fall upon them: let them be cast into the fire; into deep pits, that they rise not up again.
11 Let not an evil speaker be established in the earth: evil shall hunt the violent man to overthrow him.
12 I know that the Lord will maintain the cause of the afflicted, and the right of the poor.
13 Surely the righteous shall give thanks unto thy name: the upright shall dwell in thy presence.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
