Mga Awit 113-118
Ang Biblia (1978)
Ang Panginoon ay pinuri dahil sa pagpuri sa nagpapakababa.
113 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
2 (A)Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
3 (B)Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
4 Ang Panginoon ay (C)mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay (D)sa itaas ng mga langit.
5 (E)Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
6 (F)Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
7 (G)Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
8 Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga'y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
9 (H)Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang pagliligtas ng Panginoon sa Israel mula sa Egipto.
114 Nang (I)lumabas ang Israel sa Egipto,
Ang sangbahayan ni Jacob (J)mula sa bayang may ibang wika;
2 (K)Ang Juda ay naging kaniyang santuario,
(L)Ang Israel ay kaniyang sakop.
3 Nakita (M)ng dagat, at tumakas;
Ang Jordan ay napaurong.
4 (N)Ang mga bundok ay nagsiluksong parang mga lalaking tupa,
Ang mga munting gulod na parang mga batang tupa.
5 (O)Anong ipakikialam ko sa iyo, Oh dagat, na ikaw ay tumatakas?
Sa iyo Jordan, na ikaw ay umuurong?
6 Sa inyo mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong parang mga lalaking tupa;
Sa inyong mga munting gulod, na parang mga batang tupa?
7 Mayanig ka, ikaw na lupa, sa harapan ng Panginoon,
Sa harapan ng Dios ni Jacob;
8 (P)Na pinapagiging tipunan ng tubig ang malaking bato.
Na bukal ng tubig ang pingkiang bato.
Ang ibang mga Dios ay ipinaris sa Panginoon.
115 Huwag (Q)sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay (R)magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
2 Bakit sasabihin ng mga bansa,
(S)Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
3 Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
4 (T)Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
(U)Yari ng mga kamay ng mga tao.
5 Sila'y may mga bibig, (V)nguni't sila'y hindi nangagsasalita;
Mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakakita;
6 Sila'y may mga tainga, nguni't hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, nguni't hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni't hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8 (W)Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa't tumitiwala sa kanila.
9 (X)Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at (Y)kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya'y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang (Z)sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 (AA)Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15 Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 (AB)Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni't ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17 Ang patay ay (AC)hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 (AD)Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Pagpapasalamat sa pagliligtas mula sa kamatayan.
116 Aking iniibig (AE)ang Panginoon, sapagka't (AF)kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2 Sapagka't kaniyang (AG)ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya't ako'y tatawag sa kaniya habang ako'y nabubuhay.
3 Ang tali ng kamatayan ay (AH)pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4 (AI)Nang magkagayo'y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5 (AJ)Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
6 Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
(AK)Ako'y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, (AL)Oh kaluluwa ko;
Sapagka't ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8 (AM)Sapagka't iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9 Ako'y lalakad sa harap ng Panginoon,
(AN)Sa lupain ng mga buháy.
10 (AO)Ako'y sumasampalataya, sapagka't ako'y magsasalita:
Ako'y lubhang nagdalamhati:
11 (AP)Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang (AQ)saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 (AR)Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 (AS)Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako'y iyong lingkod;
Ako'y iyong lingkod, na (AT)anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang (AU)hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko (AV)sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Awit ng Pagpapasalamat.
117 (AW)Oh purihin ninyo ang Panginoon, ninyong lahat na mga bansa:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bayan.
2 Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay dakila sa atin;
At (AX)ang katotohanan ng Panginoon ay magpakailan man.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.
118 Oh mangagpasalamat kayo (AY)sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 (AZ)Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3 Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4 Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 (BA)Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako (BB)sa maluwag na dako.
6 (BC)Ang Panginoon ay kakampi ko; (BD)hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
7 (BE)Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
(BF)Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
8 (BG)Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
9 Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10 Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11 Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12 Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y (BH)nangamatay na parang (BI)apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13 Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14 Ang Panginoon ay (BJ)aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15 Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 (BK)Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 (BL)Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At (BM)magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 (BN)Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 (BO)Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20 Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
(BP)Papasukan ng matuwid.
21 Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 (BQ)Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23 Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24 Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25 Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 (BR)Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27 Ang Panginoon ay Dios, at (BS)binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila (BT)sungay ng dambana.
28 Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 (BU)Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
Psalm 113-118
New International Version
Psalm 113
Praise the Lord, you his servants;(B)
praise the name of the Lord.
2 Let the name of the Lord be praised,(C)
both now and forevermore.(D)
3 From the rising of the sun(E) to the place where it sets,
the name of the Lord is to be praised.
4 The Lord is exalted(F) over all the nations,
his glory above the heavens.(G)
5 Who is like the Lord our God,(H)
the One who sits enthroned(I) on high,(J)
6 who stoops down to look(K)
on the heavens and the earth?
7 He raises the poor(L) from the dust
and lifts the needy(M) from the ash heap;
8 he seats them(N) with princes,
with the princes of his people.
9 He settles the childless(O) woman in her home
as a happy mother of children.
Praise the Lord.
Psalm 114
1 When Israel came out of Egypt,(P)
Jacob from a people of foreign tongue,
2 Judah(Q) became God’s sanctuary,(R)
Israel his dominion.
3 The sea looked and fled,(S)
the Jordan turned back;(T)
4 the mountains leaped(U) like rams,
the hills like lambs.
5 Why was it, sea, that you fled?(V)
Why, Jordan, did you turn back?
6 Why, mountains, did you leap like rams,
you hills, like lambs?
7 Tremble, earth,(W) at the presence of the Lord,
at the presence of the God of Jacob,
8 who turned the rock into a pool,
the hard rock into springs of water.(X)
Psalm 115(Y)
1 Not to us, Lord, not to us
but to your name be the glory,(Z)
because of your love and faithfulness.(AA)
2 Why do the nations say,
“Where is their God?”(AB)
3 Our God is in heaven;(AC)
he does whatever pleases him.(AD)
4 But their idols are silver and gold,(AE)
made by human hands.(AF)
5 They have mouths, but cannot speak,(AG)
eyes, but cannot see.
6 They have ears, but cannot hear,
noses, but cannot smell.
7 They have hands, but cannot feel,
feet, but cannot walk,
nor can they utter a sound with their throats.
8 Those who make them will be like them,
and so will all who trust in them.
9 All you Israelites, trust(AH) in the Lord—
he is their help and shield.
10 House of Aaron,(AI) trust in the Lord—
he is their help and shield.
11 You who fear him,(AJ) trust in the Lord—
he is their help and shield.
12 The Lord remembers(AK) us and will bless us:(AL)
He will bless his people Israel,
he will bless the house of Aaron,
13 he will bless those who fear(AM) the Lord—
small and great alike.
14 May the Lord cause you to flourish,(AN)
both you and your children.
15 May you be blessed by the Lord,
the Maker of heaven(AO) and earth.
16 The highest heavens belong to the Lord,(AP)
but the earth he has given(AQ) to mankind.
17 It is not the dead(AR) who praise the Lord,
those who go down to the place of silence;
18 it is we who extol the Lord,(AS)
both now and forevermore.(AT)
Psalm 116
1 I love the Lord,(AV) for he heard my voice;
he heard my cry(AW) for mercy.(AX)
2 Because he turned his ear(AY) to me,
I will call on him as long as I live.
3 The cords of death(AZ) entangled me,
the anguish of the grave came over me;
I was overcome by distress and sorrow.
4 Then I called on the name(BA) of the Lord:
“Lord, save me!(BB)”
5 The Lord is gracious and righteous;(BC)
our God is full of compassion.(BD)
6 The Lord protects the unwary;
when I was brought low,(BE) he saved me.(BF)
8 For you, Lord, have delivered me(BI) from death,
my eyes from tears,
my feet from stumbling,
9 that I may walk before the Lord(BJ)
in the land of the living.(BK)
10 I trusted(BL) in the Lord when I said,
“I am greatly afflicted”;(BM)
11 in my alarm I said,
“Everyone is a liar.”(BN)
12 What shall I return to the Lord
for all his goodness(BO) to me?
13 I will lift up the cup of salvation
and call on the name(BP) of the Lord.
14 I will fulfill my vows(BQ) to the Lord
in the presence of all his people.
15 Precious in the sight(BR) of the Lord
is the death of his faithful servants.(BS)
16 Truly I am your servant, Lord;(BT)
I serve you just as my mother did;(BU)
you have freed me from my chains.(BV)
17 I will sacrifice a thank offering(BW) to you
and call on the name of the Lord.
18 I will fulfill my vows(BX) to the Lord
in the presence of all his people,
19 in the courts(BY) of the house of the Lord—
in your midst, Jerusalem.(BZ)
Praise the Lord.[c]
Psalm 117
1 Praise the Lord,(CA) all you nations;(CB)
extol him, all you peoples.
2 For great is his love(CC) toward us,
and the faithfulness of the Lord(CD) endures forever.
Praise the Lord.[d]
Psalm 118
2 Let Israel say:(CH)
“His love endures forever.”(CI)
3 Let the house of Aaron say:(CJ)
“His love endures forever.”
4 Let those who fear the Lord(CK) say:
“His love endures forever.”
5 When hard pressed,(CL) I cried to the Lord;
he brought me into a spacious place.(CM)
6 The Lord is with me;(CN) I will not be afraid.
What can mere mortals do to me?(CO)
7 The Lord is with me; he is my helper.(CP)
I look in triumph on my enemies.(CQ)
8 It is better to take refuge in the Lord(CR)
than to trust in humans.(CS)
9 It is better to take refuge in the Lord
than to trust in princes.(CT)
10 All the nations surrounded me,
but in the name of the Lord I cut them down.(CU)
11 They surrounded me(CV) on every side,(CW)
but in the name of the Lord I cut them down.
12 They swarmed around me like bees,(CX)
but they were consumed as quickly as burning thorns;(CY)
in the name of the Lord I cut them down.(CZ)
13 I was pushed back and about to fall,
but the Lord helped me.(DA)
14 The Lord is my strength(DB) and my defense[e];
he has become my salvation.(DC)
15 Shouts of joy(DD) and victory
resound in the tents of the righteous:
“The Lord’s right hand(DE) has done mighty things!(DF)
16 The Lord’s right hand is lifted high;
the Lord’s right hand has done mighty things!”
17 I will not die(DG) but live,
and will proclaim(DH) what the Lord has done.
18 The Lord has chastened(DI) me severely,
but he has not given me over to death.(DJ)
19 Open for me the gates(DK) of the righteous;
I will enter(DL) and give thanks to the Lord.
20 This is the gate of the Lord(DM)
through which the righteous may enter.(DN)
21 I will give you thanks, for you answered me;(DO)
you have become my salvation.(DP)
22 The stone(DQ) the builders rejected
has become the cornerstone;(DR)
23 the Lord has done this,
and it is marvelous(DS) in our eyes.
24 The Lord has done it this very day;
let us rejoice today and be glad.(DT)
25 Lord, save us!(DU)
Lord, grant us success!
26 Blessed is he who comes(DV) in the name of the Lord.
From the house of the Lord we bless you.[f](DW)
27 The Lord is God,(DX)
and he has made his light shine(DY) on us.
With boughs in hand,(DZ) join in the festal procession
up[g] to the horns of the altar.(EA)
29 Give thanks to the Lord, for he is good;
his love endures forever.
Footnotes
- Psalm 113:1 Hebrew Hallelu Yah; also in verse 9
- Psalm 115:18 Hebrew Hallelu Yah
- Psalm 116:19 Hebrew Hallelu Yah
- Psalm 117:2 Hebrew Hallelu Yah
- Psalm 118:14 Or song
- Psalm 118:26 The Hebrew is plural.
- Psalm 118:27 Or Bind the festal sacrifice with ropes / and take it
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.