Add parallel Print Page Options

And he entered into a ship, and passed over, and came into his own city.

And, behold, they brought to him a man sick of the palsy, lying on a bed: and Jesus seeing their faith said unto the sick of the palsy; Son, be of good cheer; thy sins be forgiven thee.

And, behold, certain of the scribes said within themselves, This man blasphemeth.

And Jesus knowing their thoughts said, Wherefore think ye evil in your hearts?

For whether is easier, to say, Thy sins be forgiven thee; or to say, Arise, and walk?

But that ye may know that the Son of man hath power on earth to forgive sins, (then saith he to the sick of the palsy,) Arise, take up thy bed, and go unto thine house.

And he arose, and departed to his house.

But when the multitudes saw it, they marvelled, and glorified God, which had given such power unto men.

And as Jesus passed forth from thence, he saw a man, named Matthew, sitting at the receipt of custom: and he saith unto him, Follow me. And he arose, and followed him.

10 And it came to pass, as Jesus sat at meat in the house, behold, many publicans and sinners came and sat down with him and his disciples.

11 And when the Pharisees saw it, they said unto his disciples, Why eateth your Master with publicans and sinners?

12 But when Jesus heard that, he said unto them, They that be whole need not a physician, but they that are sick.

13 But go ye and learn what that meaneth, I will have mercy, and not sacrifice: for I am not come to call the righteous, but sinners to repentance.

14 Then came to him the disciples of John, saying, Why do we and the Pharisees fast oft, but thy disciples fast not?

15 And Jesus said unto them, Can the children of the bridechamber mourn, as long as the bridegroom is with them? but the days will come, when the bridegroom shall be taken from them, and then shall they fast.

16 No man putteth a piece of new cloth unto an old garment, for that which is put in to fill it up taketh from the garment, and the rent is made worse.

17 Neither do men put new wine into old bottles: else the bottles break, and the wine runneth out, and the bottles perish: but they put new wine into new bottles, and both are preserved.

18 While he spake these things unto them, behold, there came a certain ruler, and worshipped him, saying, My daughter is even now dead: but come and lay thy hand upon her, and she shall live.

19 And Jesus arose, and followed him, and so did his disciples.

20 And, behold, a woman, which was diseased with an issue of blood twelve years, came behind him, and touched the hem of his garment:

21 For she said within herself, If I may but touch his garment, I shall be whole.

22 But Jesus turned him about, and when he saw her, he said, Daughter, be of good comfort; thy faith hath made thee whole. And the woman was made whole from that hour.

23 And when Jesus came into the ruler’s house, and saw the minstrels and the people making a noise,

24 He said unto them, Give place: for the maid is not dead, but sleepeth. And they laughed him to scorn.

25 But when the people were put forth, he went in, and took her by the hand, and the maid arose.

26 And the fame hereof went abroad into all that land.

27 And when Jesus departed thence, two blind men followed him, crying, and saying, Thou Son of David, have mercy on us.

28 And when he was come into the house, the blind men came to him: and Jesus saith unto them, Believe ye that I am able to do this? They said unto him, Yea, Lord.

29 Then touched he their eyes, saying, According to your faith be it unto you.

30 And their eyes were opened; and Jesus straitly charged them, saying, See that no man know it.

31 But they, when they were departed, spread abroad his fame in all that country.

32 As they went out, behold, they brought to him a dumb man possessed with a devil.

33 And when the devil was cast out, the dumb spake: and the multitudes marvelled, saying, It was never so seen in Israel.

34 But the Pharisees said, He casteth out devils through the prince of the devils.

35 And Jesus went about all the cities and villages, teaching in their synagogues, and preaching the gospel of the kingdom, and healing every sickness and every disease among the people.

36 But when he saw the multitudes, he was moved with compassion on them, because they fainted, and were scattered abroad, as sheep having no shepherd.

37 Then saith he unto his disciples, The harvest truly is plenteous, but the labourers are few;

38 Pray ye therefore the Lord of the harvest, that he will send forth labourers into his harvest.

Pinagaling ni Jesus ang Paralitiko

Sumakay siya sa isang bangka. Tumawid siya sa ibayo at dumating sa kaniyang sariling lungsod.

Narito, dinala nila sa kaniya ang isang lalaking paralitiko na nakahiga sa isang higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko: Anak, lakasan mo ang iyong loob. Pinatawad na ang lahat mong kasalanan.

Narito, may ilan sa mga guro ng kautusan ang nagsabi sa kanilang sarili: Namumusong ang taong ito.

Si Jesus na nakakaalam ng kanilang mga iniisip ay nagsabi: Bakit kayo nag-iisip ng masama sa inyong mga puso? Ito ay sapagkat alin ba ang higit na madali, ang sabihin: Ang kasalanan mo ay pinatawad na, o ang sabihin: Bumangon ka at lumakad? Ginawa ko ito upang inyong malaman na ako, ang Anak ng Tao ay may kapamahalaang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa. At sasabihin ko sa kaniya: Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan. Umuwi ka na sa bahay ninyo. Siya ay bumangon at umalis pauwi sa bahay niya.

Nang makita ito ng napakaraming tao ay namangha sila. Niluwalhati nila ang Diyos na nagbigay ng gayong kapama­halaan sa mga tao.

Tinawag ni Jesus si Mateo

Sa patuloy na paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaki na nakaupo sa paningilan ng buwis na ang pangalan ay Mateo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin. Tumindig siya at sumunod sa kaniya.

10 Nangyari, na nang si Jesus ay nakaupo sa hapag-kainan ng bahay, narito, dumating ang maraming maniningil ng buwis at mga makasalanan. Sila ay umupo upang kumaing kasama niya at ang kaniyang mga alagad. 11 Nang makita ito ng mga Fariseo, sinabi nila sa kaniyang mga alagad: Bakit ang guro ninyo ay kumakaing kasalo ang mga maniningil ng buwis at ang mga makasalanan?

12 Ngunit nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit. 13 Humayo kayo at pag-aralan ninyo ang kahulugan nito. Habag ang ibig ko at hindi hain sapagkat naparito ako, hindi upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang magsisi.

Tinanong ng mga Alagad ni Juan si Jesus Patungkol sa Pag-aayuno

14 Nang magkagayon, lumapit sa kaniya ang mga alagad ni Juan na nagsasabi: Bakit kami at ang mga Fariseo ay madalas mag-ayuno ngunit ang iyong mga alagad ay hindi nag-aayuno?

15 Sinabi ni Jesus sa kanila: Maaari bang mamighati ang mga abay sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay aalisin sa kanila. Kung magkagayon, mag-aayuno na sila.

16 Walang taong nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit sapagkat ang tagpi ay bumabatak sa damit at lalong lumalaki ang punit. 17 Hindi rin isinasalin ng sinumang tao ang bagong alak sa mga lumang sisidlang-balat. Kung magkakagayon, puputok ang mga sisidlang-balat. Ngunit isinasalin nila ang bagong alak sa mga bagong sisidlang-balat at kapwa silang tatagal.

Ang Babaeng Maysakit at Batang Babaeng Patay

18 Samantalang sinasabi niya ang mga bagay na iyon sa kanila, narito, dumating ang isang pinuno. Sinamba siya at kaniyang sinabi: Kamamatay pa lamang ng aking anak na babae. Ngunit sumama ka sa akin at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya at mabubuhay siya.

19 Tumindig si Jesus at sumama sa kaniya at gayundin ang kaniyang mga alagad.

20 At narito, isang babaeng may labindalawang taon nang dinudugo ang lumapit sa kaniyang likuran. Hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus. 21 Ito ay sapagkat iniisip ng babae: Kung mahihipo ko lamang ang kaniyang damit, gagaling na ako.

22 Ngunit lumingon si Jesus at pagkakita niya sa kaniya, sinabi niya: Anak, lakasan mo ang iyong loob. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. At ang babae ay gumaling mula sa oras na iyon.

23 Nang dumating si Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga tumutugtog ng plawta at ang maraming tao na nagkakagulo. 24 Sinabi niya sa kanila: Lumabas na kayo sapagkat ang batang babae ay hindi patay kundi natutulog lamang. At pinagtawanan nila siya. 25 Nang mapalabas na niya ang mga tao, pumasok siya. Hinawakan niya ang kamay ng batang babae at siya ay bumangon. 26 At napabalita ang pangyayaring ito sa buong lupaing iyon.

Pinagaling ni Jesus ang Bulag at Pipi

27 Nang lisanin ni Jesus ang dakong iyon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sila ay sumisigaw na sinasabi: Ikaw na Anak ni David, mahabag ka sa amin.

28 Pagpasok niya sa bahay, lumapit ang dalawang lalaki sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila: Sumasampalataya ba kayong magagawa ko ito?

Sinabi nila sa kaniya:Oo, Panginoon.

29 Nang magkagayon, hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi: Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya. 30 Namulat ang kanilang mga mata. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na sinasabi: Huwag ninyong sabihin ito kahit na kanino. 31 Ngunit nang makaalis na sila, ikinalat nila ang nangyari sa buong lupaing iyon.

32 Nang sila ay papaalis na, narito, may mga taong nagdala sa kaniya ng isang lalaking pipi na inaalihan ng demonyo. 33 Nang mapalayas na niya ang demonyo, nagsalita ang pipi. Ang napakaraming tao ay namangha na sinasabi: Kailanman ay hindi pa nasaksihan sa Israel ang ganito.

34 Ngunit sinabi ng mga Fariseo: Nagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng pinuno ng mga demonyo.

Kakaunti ang mga Manggagawa

35 Nilibot ni Jesus ang lahat ng lungsod at nayon. Siya ay nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at nangangaral ng ebanghelyo ng paghahari. Siya ay nagpagaling ng lahat ng uri ng mga sakit at karamdaman.

36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila sapagkat nanlulu­paypay sila at nangalat katulad ng mga tupang walang pastol. 37 Nang magkagayon, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Totoong marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa. 38 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng anihan na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan.