Mateo 12
Ang Dating Biblia (1905)
12 Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.
2 Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath.
3 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya'y nagutom, at ang mga kasamahan niya;
4 Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, kundi ng mga saserdote lamang?
5 O hindi baga ninyo nabasa sa kautusan, kung papaanong sa mga araw ng sabbath ay niwawalang galang ng mga saserdote sa templo ang sabbath, at hindi nangagkakasala?
6 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo.
7 Datapuwa't kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan.
8 Sapagka't ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath.
9 At siya'y umalis doon at pumasok sa sinagoga nila:
10 At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y itinanong nila, na sinasabi, Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong.
11 At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin?
12 Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.
13 Nang magkagayo'y sinabi niya sa lalake, Iunat mo ang iyong kamay. At iniunat niya; at napauling walang sakit, na gaya ng isa.
14 Datapuwa't nagsialis ang mga Fariseo, at nangagpulong laban sa kaniya, kung papaanong siya'y maipapupuksa nila.
15 At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon: at siya'y sinundan ng marami; at kaniyang pinagaling silang lahat,
16 At ipinagbilin niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ihayag:
17 Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
18 Narito, ang lingkod ko na aking hinirang; At minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa: Isasakaniya ko ang aking Espiritu, At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil.
19 Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw; Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan.
20 Hindi niya babaliin ang tambong gapok, At hindi papatayin ang timsim na umuusok, Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom.
21 At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil.
22 Nang magkagayo'y dinala sa kaniya ang isang inaalihan ng demonio, bulag at pipi, at kaniyang pinagaling, ano pa't ang pipi ay nagsalita at nakakita.
23 At ang buong karamihan ay nangagtaka, at nangagsabi, Ito kaya ang Anak ni David?
24 Datapuwa't nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang taong ito'y hindi nagpapalabas ng mga demonio, kundi sa pamamagitan ni Beelzebub na prinsipe ng mga demonio.
25 At pagkaalam niya ng mga iniisip nila, ay sinabi niya sa kanila, Ang bawa't kahariang nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay mawawasak; ang bawa't bayan o bahay na nagkakabahabahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi mananatili.
26 At kung pinalalabas ni Satanas si Satanas, siya nababahagi laban sa kaniyang sarili; papaano ngang mananatili ang kaniyang kaharian?
27 At kung sa pamamagitan ni Beelzebub ay nagpapalabas ako ng mga demonio, ang inyong mga anak sa kaninong pamamagitan sila'y pinalalabas? kaya nga sila ang inyong magiging mga hukom.
28 Nguni't kung sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios nagpapalabas ako ng mga demonio, ay dumating nga sa inyo ang kaharian ng Dios.
29 O papaano bagang makapapasok ang sinoman sa bahay ng malakas, at samsamin ang kaniyang mga pag-aari, kung hindi muna gapusin ang malakas? at kung magkagayo'y masasamsaman niya ang kaniyang bahay.
30 Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat.
31 Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.
32 At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating.
33 O pabutihin ninyo ang punong kahoy, at mabuti ang bunga niyaon; o pasamain ninyo ang punong kahoy, at masama ang bunga niyaon: sapagka't ang punong kahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga.
34 Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.
35 Ang mabuting tao sa kaniyang mabuting kayamanan ay kumukuha ng mabubuting bagay: at ang masamang tao sa kaniyang masamang kayamanan ay kumukuha ng masasamang bagay.
36 At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.
37 Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.
38 Nang magkagayo'y nagsisagot sa kaniya ang ilan sa mga eskriba at sa mga Fariseo, na nangagsasabi, Guro, ibig namin makakita ng isang tanda sa iyo.
39 Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi sa kanila, Isang lahing masama at mapangalunya ay humahanap ng isang tanda; at hindi siya bibigyan ng anomang tanda kundi ng tanda ng propeta Jonas:
40 Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.
41 Magsisitayo sa paghuhukom ang mga tao sa Nineve na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't sila'y nagsipagsisi sa pangangaral ni Jonas; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Jonas.
42 Magbabangon sa paghuhukom ang reina ng timugan na kasama ng lahing ito, at ito'y hahatulan: sapagka't siya'y nanggaling sa mga wakas ng lupa upang pakinggan ang karunungan ni Salomon; at narito, dito'y may isang lalong dakila kay sa kay Salomon.
43 Datapuwa't ang karumaldumal na espiritu, kung siya'y lumabas sa tao, ay lumalakad sa mga dakong walang tubig na humahanap ng kapahingahan, at hindi makasumpong.
44 Kung magkagayo'y sinasabi niya, Babalik ako sa aking bahay na nilabasan ko; at pagdating niya, ay nasusumpungan niyang walang laman, walis na, at nagagayakan.
45 Kung magkagayo'y yumayaon siya, at nagsasama ng pito pang espiritu na lalong masasama kay sa kaniya, at sila'y nagsisipasok at nagsisitahan doon: at nagiging lalo pang masama ang huling kalagayan ng taong yaon kay sa una. Gayon din ang mangyayari sa masamang lahing ito.
46 Samantalang siya'y nagsasalita pa sa mga karamihan, narito, ang kaniyang ina at ang kaniyang mga kapatid ay nangakatayo sa labas, at ibig nilang siya'y makausap.
47 At may nagsabi sa kaniya, Narito, ang iyong ina at ang iyong mga kapatid ay nangakatayo sa labas, na ibig nilang makausap ka.
48 Nguni't siya'y sumagot at sinabi sa nagsabi sa kaniya, Sino ang aking ina? at sino-sino ang aking mga kapatid?
49 At iniunat niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mga alagad, at sinabi, Narito, ang aking ina at ang aking mga kapatid!
50 Sapagka't sinomang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit, ay siyang aking kapatid na lalake at aking kapatid na babae, at ina.
马太福音 12
Chinese New Version (Simplified)
安息日的主(A)
12 安息日那天,耶稣从麦田经过;他的门徒饿了,就摘了些麦穗来吃。 2 法利赛人看见了,就对他说:“你看,你的门徒作了安息日不可作的事。” 3 耶稣对他们说:“大卫和跟他在一起的人,在饥饿的时候所作的,你们没有念过吗? 4 他不是进了 神的殿,吃了他和跟他在一起的人不可以吃,只有祭司才可以吃的陈设饼吗? 5 律法书上记着:安息日,祭司在殿里供职,触犯了安息日,也不算有罪;你们也没有念过吗? 6 我告诉你们,这里有一位是比圣殿更大的。 7 如果你们明白‘我喜爱怜悯,不喜爱祭祀’这句话的意思,就不会把无罪的定罪了。 8 因为人子是安息日的主。”
治好手枯的人(B)
9 耶稣离开那里,来到他们的会堂。 10 会堂里有一个人,他的一只手枯干了。有人问耶稣:“在安息日治病,可以吗?”目的是要控告耶稣。 11 耶稣回答:“你们当中有哪一个,他仅有的一只羊在安息日跌进坑里,会不把羊抓住拉上来呢? 12 人比羊贵重得多了!所以,在安息日行善是可以的。” 13 于是对那人说:“伸出手来!”他把手一伸,就复原了,好象另一只手一样。 14 法利赛人出去,商议怎样对付耶稣,好杀掉他。
神拣选的仆人
15 耶稣知道了,就离开那里。有很多人跟随他,他医好他们所有的病人, 16 又嘱咐他们不可替他张扬。 17 这就应验了以赛亚先知所说的:
18 “看哪!我所拣选的仆人,
我所爱,心里所喜悦的;
我要把我的灵赐给他,
他必向万国宣扬公理。
19 他不争吵,也不喧嚷,
人在街上听不见他的声音。
20 压伤的芦苇,他不折断,
将残的灯火,他不吹灭;
直到他施行公理,使公理得胜。
21 万民都要寄望于他的名。”
耶稣靠 神的灵赶鬼(C)
22 有人带了一个被鬼附着、又瞎又哑的人到耶稣那里。耶稣医好了他,那哑巴就能说话,也能看见了。 23 群众都很惊奇,说:“难道他就是大卫的子孙?” 24 法利赛人听见了,说:“这个人赶鬼,只不过是靠鬼王别西卜罢了。” 25 耶稣知道他们的心思,就对他们说:“如果一个国家自相纷争,就必定荒凉;一城一家自相纷争,必站立不住。 26 如果撒但赶逐撒但,就会自相纷争。那么,他的国怎能站立得住呢? 27 我若靠别西卜赶鬼,你们的子孙又靠谁赶鬼呢?这样,他们就要断定你们的不是。 28 我若靠 神的灵赶鬼, 神的国就已经临到你们了。 29 如果不先把壮汉绑起来,怎能进到他的家里,抢夺财物呢?如果绑起来了,就可以抢劫他的家了。 30 不站在我这一边的就是反对我的,不跟我一起收聚的,就是分散的。 31 因此,我告诉你们,人的一切罪和亵渎的话,都可以赦免;可是,亵渎圣灵就得不着赦免。 32 无论谁说话得罪了人子,还可以赦免;但说话得罪了圣灵的,今生来世都得不着赦免。
种好树结好果子(D)
33 “你们种好树就结好果子,种坏树就结坏果子;凭着果子就能认出树来。 34 毒蛇所生的啊,你们既然是邪恶的,怎能说出良善的话?因为心中所充满的,口里就说出来。 35 良善的人从他良善的心(“心”原文作“库房”)发出良善,邪恶的人从他邪恶的心(“心”原文作“库房”)发出邪恶。 36 我告诉你们,人所说的闲话,在审判的日子,句句都要供出来, 37 因为你要照你的话被称为义,或定为有罪。”
约拿的神迹(E)
38 当时,有一些经学家和法利赛人对耶稣说:“老师,我们想请你显个神迹看看。” 39 但耶稣说:“邪恶和淫乱的世代寻求神迹,除了约拿先知的神迹以外,再没有神迹给你们了。 40 约拿怎样三日三夜在大鱼的腹中,人子也要照样三日三夜在地里。 41 审判的时候,尼尼微人要和这个世代一同起来,定这个世代的罪,因为他们听了约拿所传的就悔改了。你看,这里有一位是比约拿更大的。 42 审判的时候,南方的女王要和这个世代一同起来,定这个世代的罪,因为她从地极来到,要听所罗门智慧的话。你看,这里有一位是比所罗门更大的。
污灵去而复返的教训(F)
43 “有一个污灵离开了一个人,走遍干旱之地,寻找栖身的地方,却没有找到。 44 他就说:‘我要回到我从前离开了的那房子。’到了之后,看见里面空着,已经打扫干净,粉饰好了, 45 他就去带了另外七个比自己更恶的污灵来,一齐进去住在那里;那人后来的情况,比以前更坏了。这邪恶的世代也会这样。”
谁是耶稣的母亲和弟兄(G)
46 耶稣还在对群众讲话的时候,他的母亲和弟弟站在外面,要找他讲话。 47 有人告诉耶稣:“你的母亲和弟弟站在外面,有话要跟你说。” 48 他回答那人:“谁是我的母亲?谁是我的弟兄?” 49 他伸手指着门徒说:“你看,我的母亲,我的弟兄! 50 凡是遵行我天父旨意的,就是我的弟兄、姊妹和母亲了。”
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.