Font Size
Marcos 6:2-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Marcos 6:2-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagturo sa sinagoga. Maraming tao ang nakarinig sa kanya at sa kanilang pagkamangha'y nagtanungan sila, “Saan niya natutunan ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakakagawa ng mga himala? 3 Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria,[a] at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Tagarito rin ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?” Kaya hindi sila naniwala sa kanya.
Read full chapterFootnotes
- 3 ang karpinterong anak ni Maria: Sa ibang manuskrito'y ang anak ng karpintero at ni Maria .