Add parallel Print Page Options

Pinagaling ni Jesus ang Isang Paralitiko(A)

1-2 Pagkalipas ng ilang araw, bumalik si Jesus sa Capernaum. Agad namang kumalat ang balitang naroon siya. Kaya napakaraming tao ang nagtipon doon sa tinutuluyan niya hanggang sa wala nang lugar kahit sa labas ng pintuan. At ipinangaral niya sa kanila ang salita ng Dios. Habang siya ay nangangaral, may mga taong dumating kasama ang isang paralitikong nasa higaan na buhat-buhat ng apat na lalaki. Dahil sa dami ng tao, hindi sila makalapit kay Jesus. Kaya binutasan nila ang bubong sa tapat ni Jesus at saka ibinaba ang paralitikong nakahiga sa kanyang higaan. Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko, “Anak, pinatawad na ang iyong mga kasalanan.” Narinig ito ng ilang mga tagapagturo ng Kautusan na nakaupo roon. Sinabi nila sa kanilang sarili, “Bakit siya nagsasalita ng ganyan? Nilalapastangan niya ang Dios! Walang makakapagpatawad ng kasalanan kundi ang Dios lang!” Nalaman agad ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo nag-iisip ng ganyan? Alin ba ang mas madaling sabihin sa paralitiko: ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ‘Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad’? 10 Ngayon, papatunayan ko sa inyo sa pamamagitan ng pagpapagaling sa taong ito na ako na Anak ng Tao ay may kapangyarihan dito sa lupa na magpatawad ng kasalanan.” At sinabi niya sa paralitiko, 11 “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at umuwi!” 12 Tumayo nga ang paralitiko, agad na binuhat ang kanyang higaan at lumabas habang nakatingin ang lahat. Namangha ang lahat at pinuri nila ang Dios. Sinabi nila, “Ngayon lang kami nakakita ng ganito.”

Tinawag ni Jesus si Levi(B)

13 Muling pumunta si Jesus sa tabi ng lawa ng Galilea. Maraming tao ang pumunta roon sa kanya, at tinuruan niya ang mga ito. 14 Habang naglalakad siya, nakita niya ang maniningil ng buwis na si Levi na anak ni Alfeus. Nakaupo siya sa lugar na pinagbabayaran ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman si Levi at sumunod kay Jesus.

15 Habang kumakain si Jesus at ang mga tagasunod niya sa bahay ni Levi, maraming maniningil ng buwis at iba pang mga itinuturing na makasalanan ang kasama nilang kumakain, dahil marami sa kanila ang sumusunod kay Jesus. 16 May mga Pariseong tagapagturo ng Kautusan na naroon. Nang makita nilang kumakain si Jesus kasama ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang mga itinuturing nilang makasalanan, sinabi nila sa mga tagasunod niya, “Bakit kumakain siyang kasama ng mga taong iyan?” 17 Narinig iyon ni Jesus, kaya sinagot niya ang mga ito, “Ang mga taong walang sakit ay hindi nangangailangan ng doktor, kundi ang mga may sakit. Naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid sa kanilang sariling paningin, kundi ang mga makasalanan.”

Ang Tanong tungkol sa Pag-aayuno(C)

18 Nang minsang nag-aayuno ang mga tagasunod ni Juan na tagapagbautismo at ang mga Pariseo, lumapit ang ilang mga tao kay Jesus at nagtanong, “Bakit po nag-aayuno ang mga tagasunod ni Juan at ang mga Pariseo pero ang mga tagasunod nʼyo ay hindi?” 19 Sumagot si Jesus, “Maaari bang hindi kumain ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking ikakasal? Siyempre, hindi! 20 Ngunit darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking ikakasal, at saka sila mag-aayuno.”

21 Sinabi pa ni Jesus, “Walang nagtatagpi ng bagong tela sa lumang damit, dahil uurong[a] ang bagong tela kapag nilabhan at lalo pang lalaki ang punit. 22 Wala ring naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat, dahil puputok ang sisidlan at matatapon ang alak, at pareho itong hindi na mapapakinabangan. Sa halip, inilalagay ang bagong alak sa bagong sisidlang-balat.”[b]

Ang Tanong tungkol sa Araw ng Pamamahinga(D)

23 Isang Araw ng Pamamahinga, habang dumadaan sina Jesus sa triguhan, nagsimulang mamitas ng trigo ang mga tagasunod niya. 24 Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Tingnan mo ang mga tagasunod mo! Bakit nila ginagawa ang ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?” 25 Sinagot sila ni Jesus, “Hindi nʼyo ba nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David at ng mga kasama niya nang magutom sila at walang makain? 26 Pumasok si David sa bahay ng Dios noong si Abiatar ang punong pari. Kinain ni David ang tinapay na inihandog sa Dios, at binigyan pa niya ang mga kasamahan niya, kahit na ayon sa Kautusan, ang mga pari lang ang may karapatang kumain nito.” 27 At sinabi pa ni Jesus sa kanila, “Ginawa ang Araw ng Pamamahinga para sa ikabubuti ng tao. Hindi ginawa ang tao para sa ikabubuti ng Araw ng Pamamahinga. 28 Kaya ako na Anak ng Tao ang makapagsasabi kung ano ang nararapat gawin sa Araw ng Pamamahinga.”

Footnotes

  1. 2:21 uurong: sa Ingles, “shrink.”
  2. 2:22 Sinabi ni Jesus ang mga paghahambing na ito upang ituro sa kanila na hindi maaaring paghaluin ang mga itinuturo niya at ang mga lumang katuruan ng mga Judio.

Several days later he returned to Capernaum, and the news of his arrival spread quickly through the city. Soon the house where he was staying was so packed with visitors that there wasn’t room for a single person more, not even outside the door. And he preached the Word to them. Four men arrived carrying a paralyzed man on a stretcher. They couldn’t get to Jesus through the crowd, so they dug through the clay roof above his head and lowered the sick man on his stretcher, right down in front of Jesus.[a]

When Jesus saw how strongly they believed that he would help, Jesus said to the sick man, “Son, your sins are forgiven!”

But some of the Jewish religious leaders[b] said to themselves as they sat there, “What? This is blasphemy! Does he think he is God? For only God can forgive sins.”

Jesus could read their minds and said to them at once, “Why does this bother you? 9-11 I, the Messiah,[c] have the authority on earth to forgive sins. But talk is cheap—anybody could say that. So I’ll prove it to you by healing this man.” Then, turning to the paralyzed man, he commanded, “Pick up your stretcher and go on home, for you are healed!”

12 The man jumped up, took the stretcher, and pushed his way through the stunned onlookers! Then how they praised God. “We’ve never seen anything like this before!” they all exclaimed.

13 Then Jesus went out to the seashore again and preached to the crowds that gathered around him. 14 As he was walking up the beach he saw Levi, the son of Alphaeus, sitting at his tax collection booth. “Come with me,” Jesus told him. “Come be my disciple.”

And Levi jumped to his feet and went along.

15 That night Levi invited his fellow tax collectors and many other notorious sinners to be his dinner guests so that they could meet Jesus and his disciples. (There were many men of this type among the crowds that followed him.) 16 But when some of the Jewish religious leaders[d] saw him eating with these men of ill repute, they said to his disciples, “How can he stand it, to eat with such scum?”

17 When Jesus heard what they were saying, he told them, “Sick people need the doctor, not healthy ones! I haven’t come to tell good people to repent, but the bad ones.”

18 John’s disciples and the Jewish leaders sometimes fasted, that is, went without food as part of their religion. One day some people came to Jesus and asked why his disciples didn’t do this too.

19 Jesus replied, “Do friends of the bridegroom refuse to eat at the wedding feast? Should they be sad while he is with them? 20 But some day he will be taken away from them, and then they will mourn. 21 Besides, going without food is part of the old way of doing things.[e] It is like patching an old garment with unshrunk cloth! What happens? The patch pulls away and leaves the hole worse than before. 22 You know better than to put new wine into old wineskins. They would burst. The wine would be spilled out and the wineskins ruined. New wine needs fresh wineskins.”

23 Another time, on a Sabbath day as Jesus and his disciples were walking through the fields, the disciples were breaking off heads of wheat and eating the grain.[f]

24 Some of the Jewish religious leaders said to Jesus, “They shouldn’t be doing that! It’s against our laws to work by harvesting grain on the Sabbath.”

25-26 But Jesus replied, “Didn’t you ever hear about the time King David and his companions were hungry, and he went into the house of God—Abiathar was high priest then—and they ate the special bread[g] only priests were allowed to eat? That was against the law too. 27 But the Sabbath was made to benefit man, and not man to benefit the Sabbath. 28 And I, the Messiah,[h] have authority even to decide what men can do on Sabbath days!”

Footnotes

  1. Mark 2:4 right down in front of Jesus, implied.
  2. Mark 2:6 religious leaders, literally, “scribes.”
  3. Mark 2:9 the Messiah, literally, “the Son of Man.”
  4. Mark 2:16 the Jewish religious leaders, literally, “the scribes of the Pharisees.”
  5. Mark 2:21 way of doing things, implied.
  6. Mark 2:23 eating the grain, implied.
  7. Mark 2:25 special bread, literally “shewbread.”
  8. Mark 2:28 the Messiah, literally, “the Son of Man.”