Marcos 13
Ang Salita ng Diyos
Ang Tanda ng Huling Panahon
13 Habang si Jesus ay papalabas na sa templo, isa sa kaniyang mga alagad ay nagsabi sa kaniya: Guro, narito, anong ganda ng mga bato at anong ganda ng mga gusali.
2 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya: Nakikita mo ba ang malalaking gusaling ito? Walang matitirang bato sa ibabaw ng isang bato na hindi babagsak.
3 Si Jesus ay umupo sa bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo. Tinanong siya ng lihim nina Pedro, Santiago, Juan at Andres. 4 Sinabi nila: Sabihin mo sa amin: Kailan mangyayari ang mga bagay na ito? Ano ang tanda na ang ang lahat mga bagay na ito ay mangyayari na.
5 Sa pagsagot ni Jesus sa kanila, nagsimula siyang magsabi: Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman. 6 Ito ay sapagkat marami ang darating sa aking pangalan. Sila ay magsasabi: Ako siya. At ililigaw nila ang marami. 7 Kapag marinig ninyo ang mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan, huwag kayong mangamba. Ito ay sapagkat kailangang mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas. 8 Ito ay sapagkat may mga bansa na babangon laban sa bansa at mga paghahari laban sa paghahari. Magkakaroon ng mga lindol sa iba’t ibang dako. Magkakaroon ng mga taggutom at mga kaguluhan. Ang mga ito ang simula ng kahirapang tulad ng mga nararamdamang sakit ng babaeng manganganak.
9 Datapuwat ingatan ninyo ang inyong sarili sapagkat: Ibibigay nila kayo sa mga sanggunian at sa mga sinagoga. Kayo ay kanilang hahagupitin at dadalhin sa harapan ng mga gobernador at mga hari dahil sa akin. Dahil sa mga bagay na ito, kayo ay magiging patotoo sa kanila. 10 Kinakailangang ipangaral muna sa lahat ng mga bansa ang ebanghelyo. 11 Kapag kayo ay hulihin at dalhin sa hukuman, huwag kayong mabalisa kung ano ang inyong sasabihin. Huwag din ninyong pakaisipin kung ano ang inyong sasabihin. Subalit kung ano ang ipagkaloob sa inyo sa sandaling iyon, iyon ang inyong sabihin sapagkat hindi kayo ang magsasalita sa kanila kundi ang Banal na Espiritu.
12 Ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, ibibigay ng ama ang kaniyang anak. At ang mga anak ay maghihimagsik sa mga magulang at kanila silang ipapapatay. 13 Kayo ay kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan. Subalit siya na magtitiis hanggang wakas ay maliligtas.
14 Makikita ninyo ang kasuklam-suklam na tao na maninira, na nakatayo doon sa hindi niya dapat kalagyan. Isinulat ni Daniel na propeta ang patungkol sa kaniya. Unawain ito ng bumabasa. Kapag nakita ninyo ito, ang nasa Judea ay magmadaling tumakbo sa bundok. 15 Ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba sa bahay. Huwag na rin siyang pumasok upang maglabas ng anuman sa kaniyang bahay. 16 Ang nasa bukid ay huwag nang bumalik upang kumuha ng kaniyang kasuotan. 17 Sa aba ng mga nagdadalangtao at sa mga nagpapasuso sa mga araw na iyon. 18 Manalangin kayo na huwag mangyari sa taglamig ang inyong pagtakas. 19 Ito ay sapagkat sa mga araw na iyon ay magkakaroon ng kahirapan. Ang mga ganito ay hindi pa nangyayari mula pa sa unang nilalang na nilikha ng Diyos hanggang ngayon at ito ay hindi mangyayari kailanman. 20 Kung hindi babawasan ng Panginoon ang bilang ng mga araw na iyon ay walang taong makakaligtas. Subalit dahil sa hirang na kaniyang pinili, babawasan niya ang mga araw na iyon.
Ang Pagdating ng Paghahari ng Diyos
21 Kaya kung may magsabi sa inyo: Narito, ang Mesiyas ay narito na. O narito, ang Mesiyas ay naroon. Huwag ninyo itong paniwalaan.
22 Ito ay sapagkat mayroong lilitaw na mga bulaang Mesiyas at mga bulaang propeta. Magpapakita sila ng mga tanda at mga kamangha-manghang gawa. Gagawin nila ito upang dayain kung maaari kahit ang hinirang. 23 Subalit mag-ingat kayo. Narito, sinabi ko na sa inyo noong una ang lahat ng mga bagay.
24 Ngunit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng kahirapang iyon,
ang araw ay magdidilim. Ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag.
25 Ang mga bituin ng langit ay malalaglag. Ang mga kapangyarihan na nasa mga langit ay mayayanig.
26 Sa oras ding iyon, makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating, na nasa mga ulap, na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27 Sa oras ding iyon, susuguin niya ang mga anghel. Titipunin niya ang kaniyang mga pinili mula sa apat na sulok ng daigdig. Titipunin niya sila mula sa dulo ng daigdig hanggang sa dulo ng langit.
28 Pag-aralan ninyo ang talinghaga ng puno ng igos. Kapag ang sanga nito ay nananariwa na at umuusbong na ang mga dahon, alam ninyo na malapit na ang tag-init. 29 Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyong nangyayari ang mgabagay na ito, alam ninyo na malapit na, nasa mga pintuan na. 30 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi lilipas ang lahing ito hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito. 31 Ang langit at ang lupa ay lilipas subalit ang aking mga salita ay hindi lilipas kailanman.
Walang Nakakaalam sa Araw at Oras
32 Ngunit patungkol sa araw o oras na iyon walang nakakaalam, kahit na ang mga anghel sa langit, kahit na ang Anak kundi ang Ama lamang ang nakakaalam.
33 Kayo ay mag-ingat, magpuyat at manalangin, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang panahon. 34 Ito ay tulad ng isang taong naglakbay at lumabas sa lupain. Iniwan niya ang kaniyang bahay at ibinigay ang kapamahalaan sa kaniyang mga alipin. Binigyan niya ang bawat isa ng sariling gawain. Inutusan din niya ang tanod-pinto na magbantay.
35 Magbantay kayo sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang panginoon ng bahay. Maaari siyang dumating sa gabi, o sa hatinggabi, o sa pagtilaok ng manok, o sa umaga. 36 Maaaring sa bigla niyang pagdating ay masumpungan kang natutulog. 37 Ang sinasabi ko sa inyo ay sinasabi ko sa lahat. Magbantay kayo.
Mark 13
New International Version
The Destruction of the Temple and Signs of the End Times(A)
13 As Jesus was leaving the temple, one of his disciples said to him, “Look, Teacher! What massive stones! What magnificent buildings!”
2 “Do you see all these great buildings?” replied Jesus. “Not one stone here will be left on another; every one will be thrown down.”(B)
3 As Jesus was sitting on the Mount of Olives(C) opposite the temple, Peter, James, John(D) and Andrew asked him privately, 4 “Tell us, when will these things happen? And what will be the sign that they are all about to be fulfilled?”
5 Jesus said to them: “Watch out that no one deceives you.(E) 6 Many will come in my name, claiming, ‘I am he,’ and will deceive many. 7 When you hear of wars and rumors of wars, do not be alarmed. Such things must happen, but the end is still to come. 8 Nation will rise against nation, and kingdom against kingdom. There will be earthquakes in various places, and famines. These are the beginning of birth pains.
9 “You must be on your guard. You will be handed over to the local councils and flogged in the synagogues.(F) On account of me you will stand before governors and kings as witnesses to them. 10 And the gospel must first be preached to all nations. 11 Whenever you are arrested and brought to trial, do not worry beforehand about what to say. Just say whatever is given you at the time, for it is not you speaking, but the Holy Spirit.(G)
12 “Brother will betray brother to death, and a father his child. Children will rebel against their parents and have them put to death.(H) 13 Everyone will hate you because of me,(I) but the one who stands firm to the end will be saved.(J)
14 “When you see ‘the abomination that causes desolation’[a](K) standing where it[b] does not belong—let the reader understand—then let those who are in Judea flee to the mountains. 15 Let no one on the housetop go down or enter the house to take anything out. 16 Let no one in the field go back to get their cloak. 17 How dreadful it will be in those days for pregnant women and nursing mothers!(L) 18 Pray that this will not take place in winter, 19 because those will be days of distress unequaled from the beginning, when God created the world,(M) until now—and never to be equaled again.(N)
20 “If the Lord had not cut short those days, no one would survive. But for the sake of the elect, whom he has chosen, he has shortened them. 21 At that time if anyone says to you, ‘Look, here is the Messiah!’ or, ‘Look, there he is!’ do not believe it.(O) 22 For false messiahs and false prophets(P) will appear and perform signs and wonders(Q) to deceive, if possible, even the elect. 23 So be on your guard;(R) I have told you everything ahead of time.
24 “But in those days, following that distress,
“‘the sun will be darkened,
and the moon will not give its light;
25 the stars will fall from the sky,
and the heavenly bodies will be shaken.’[c](S)
26 “At that time people will see the Son of Man coming in clouds(T) with great power and glory. 27 And he will send his angels and gather his elect from the four winds, from the ends of the earth to the ends of the heavens.(U)
28 “Now learn this lesson from the fig tree: As soon as its twigs get tender and its leaves come out, you know that summer is near. 29 Even so, when you see these things happening, you know that it[d] is near, right at the door. 30 Truly I tell you, this generation(V) will certainly not pass away until all these things have happened.(W) 31 Heaven and earth will pass away, but my words will never pass away.(X)
The Day and Hour Unknown
32 “But about that day or hour no one knows, not even the angels in heaven, nor the Son, but only the Father.(Y) 33 Be on guard! Be alert[e]!(Z) You do not know when that time will come. 34 It’s like a man going away: He leaves his house and puts his servants(AA) in charge, each with their assigned task, and tells the one at the door to keep watch.
35 “Therefore keep watch because you do not know when the owner of the house will come back—whether in the evening, or at midnight, or when the rooster crows, or at dawn. 36 If he comes suddenly, do not let him find you sleeping. 37 What I say to you, I say to everyone: ‘Watch!’”(AB)
Footnotes
- Mark 13:14 Daniel 9:27; 11:31; 12:11
- Mark 13:14 Or he
- Mark 13:25 Isaiah 13:10; 34:4
- Mark 13:29 Or he
- Mark 13:33 Some manuscripts alert and pray
Copyright © 1998 by Bibles International
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.