Marcos 10
Ang Salita ng Diyos
Pagpapalayas ng Lalaki sa Asawang Babae
10 Si Jesus ay umalis doon. Dumaan siya sa kabilang ibayo ng Jordan, at pumunta sa mga nasasakupan ng Judea. Muling dumating ang napakaraming tao sa kaniya at tulad ng kinaugalian niya, sila ay tinuruan niyang muli.
2 Ang mga Fariseo, na lumapit kay Jesus, ay nagtanong upang subukin siya: Matuwid ba sa lalaki na palayasin ang kaniyang asawa?
3 Sumagot si Jesus na sinasabi sa kanila: Ano ang iniutos sa inyo ni Moises?
4 Sumagot sila: Ipinahintulot ni Moises na sumulat ng katibayan ng paghihiwalay at palayasin siya.
5 Sa pagsagot ni Jesus, sinabi niya sa kanila: Dahil sa katigasan ng inyong puso sinulat niya para sa inyo ang utos na ito. 6 Ngunit buhat pa sa pasimula ng paglalang, ginawa sila ng Diyos na lalaki at babae.
7 Dahil dito iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina at siya ay makikipag-isa sa kaniyang asawa. 8 Ang dalawa ay magiging isang laman
kaya hindi na sila dalawa kundi isang laman.
9 Kaya nga, ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.
10 Sa bahay, siya ay muling tinanong ng kaniyang mga alagad patungkol sa bagay na ito. 11 Sinabi niya sa kanila: Ang sinumang lalaking magpalayas sa kaniyang asawa at mag-asawa ng iba ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa kaniyang asawa. 12 Gayundin kapag pinalayas ng babae ang kaniyang asawa at nag-asawa ng iba, siya ay nangangalunya rin.
Si Jesus at ang Maliliit na Bata
13 Dinala nila kay Jesus ang maliliit na bata upang mahipo niya, ngunit sinaway ng mga alagad ang nagdala sa mga bata.
14 Subalit lubhang nagalit si Jesus nang makita ito. Sinabi niya sa kanila: Pahintulutan ninyong lumapit sa akin ang mga bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos. 15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang sinumang hindi tumanggap sa paghahari ng Diyos nang tulad sa isang maliit na bata ay hindi makakapasok doon sa anumang paraan. 16 Nang makalong ni Jesus at maipatong ang kaniyang mga kamay sa mga bata, pinagpala niya sila.
Ang Mayamang Pinuno
17 Nang papaalis na si Jesus, may isang lalaking patakbong lumapit sa kaniya. Ang lalaki ay lumuhod sa harapan niya at tinanong siya: Mabuting guro, ano ang gagawin ko upang magmana ng buhay na walang hanggan?
18 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Bakit mo ako tinawag na mabuti? Walang mabuti kundi isa lang, ang Diyos. 19 Alam mo ang mga utos: Huwag kang mangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnakaw, huwag kang sumaksi sa kasinungalingan, huwag kang mandaya. Igalang mo ang iyong ama at ina.
20 Sinabi ng lalaki sa kaniya: Guro, ang lahat ng mga bagay na ito ay aking sinunod mula sa aking kabataan.
21 Tiningnan siya ni Jesus at inibig siya. Sinabi niya sa kaniya: Isang bagay ang kulang sa iyo. Humayo ka at ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik. Ibigay mo ang salapi sa mga dukha at magkakaroon ka ng nakaimbak na kayamanan sa langit. Pagkatapos pumarito ka, pasanin mo ang krus at sumunod ka sa akin.
22 Ang lalaki ay nalungkot sa salitang ito at siya ay umalis na namimighati sapagkat marami siyang pag-aari.
23 Sa pagtingin sa palibot, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: Napakahirap para sa mga mayroong kayamanan ang pumasok sa paghahari ng Diyos.
24 Namangha ang mga alagad sa kaniyang mga salita. Muling sumagot si Jesus at sinabi sa kanila: Mga anak, napakahirap makapasok sa paghahari ng Diyos ang mga nagtitiwala sa kanilang kayamanan. 25 Madali pang dumaan ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa pumasok ang isang mayaman sa paghahari ng Diyos.
26 Sila ay lubhang nanggilalas at nagtanungan sa isa’t isa: Sino kaya ang maaaring maligtas?
27 Ngunit tiningnan sila ni Jesus at sinabi: Ang mga ito ay hindi maaaring magawa ng mga tao subalit hindi gayon sa Diyos sapagkat ang lahat ng mga bagay ay maaaring magawa ng Diyos.
28 Pagkatapos, si Pedro ay nagsimulang magsabi sa kaniya: Narito, iniwan namin ang lahat at sumunod sa iyo.
29 Sumagot si Jesus at sinabi: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: May mga taong nag-iwan ng bahay, o mga kapatid na lalaki, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o asawang babae, o mga anak o mga bukid dahil sa akin at dahil sa ebanghelyo. 30 Ang sinumang nag-iwan ng mga ito ay tatanggap ngayon sa panahong ito ng tig-iisangdaang dami ng gayon. Tatanggap siya ng mga bahay, mga kapatid na lalaki at babae, mga ina, mga anak at mga lupain. Tatanggapin niya ang mga ito na may pag-uusig ngunit sa darating na kapanahunan, siya ay tatanggap ng buhay na walang hanggan. 31 Subalit maraming nauna na mahuhuli. Gayundin ang nahuli ay mauuna.
Binanggit Muli ni Jesus ang Kaniyang Kamatayan
32 Nang sila ay nasa daan paahon sa Jerusalem, nagtaka sila na si Jesus ay nasa unahan na nila. At sa kanilang pagsunod kay Jesus, sila ay natakot. Tinipon niyang muli ang labindalawang alagad at sinimulang sabihin sa kanila ang patungkol sa mga bagay na mangyayari na sa kaniya.
33 Sinabi ni Jesus: Narito, aahon tayo sa Jerusalem. Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga pinunong-saserdote at sa mga guro ng kautusan. Siya ay kanilang hahatulan ng kamatayan at ibibigay sa mga Gentil. 34 Siya ay kanilang kukutyain, hahagupitin, luluraan at papatayin. At sa ikatlong araw, siya ay mabubuhay muli.
Ang Kahilingan ng Isang Ina
35 Lumapit kay Jesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sinabi nila: Guro, nais naming gawin mo sa amin ang anumang aming hingin sa iyo.
36 Sinabi ni Jesus sa kanila: Ano ang ibig ninyong gawin ko para sa inyo?
37 Sinabi nila sa kaniya: Ipagkaloob mo sa amin na makaupo kami sa tabi mo sa iyong kaluwalhatian, ang isa ay sa kanan at ang isa ay sa kaliwa.
38 Sinabi sa kanila ni Jesus: Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Kaya ba ninyong inuman ang sarong aking iinuman? Kaya ba ninyong magpabawtismo ng bawtismong ibinawtismo sa akin?
39 Sinabi nila kay Jesus: Kaya namin.
Subalit sinabi ni Jesus sa kanila: Ang saro na aking iinuman ay tunay na iinuman ninyo. Ang bawtismo na ibinawtismo sa akin ay ibabawtismo sa inyo.
40 Ngunit ang umupo sa aking kanan at sa aking kaliwa ay hindi ako ang magkakaloob. Ito ay ipagkakaloob sa kanila na pinaghandaan nito.
41 Nang marinig ito ng sampu, sila ay lubhang nagalit kina Santiago at Juan. 42 Tinawag sila ni Jesus at sinabi: Nalalaman ninyo na ang mga kinikilalang namumuno sa mga Gentil ay namumuno na may pagkapanginoon sa kanila. Ang mga dakila sa kanila ay gumagamit ng kapamahalaan sa kanila. 43 Huwag maging gayon sa inyo. Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging dakila ay magiging tagapaglingkod ninyo. 44 Ang sinuman sa inyo ang magnanais na maging una ay magiging alipin ng lahat. 45 Ito ay sapagkat maging ang Anak ng Tao ay pumarito hindi upang paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos sa marami.
Nakakita ang Bulag
46 Sila ay dumating sa Jerico. Habang si Jesus na kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao ay papalabas sa Jerico, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.
47 Nang marinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ang naroon, nagsimula siyang sumigaw. Sinabi niya: O anak ni David, Jesus, mahabag ka sa akin.
48 Sinaway siya ng napakaraming tao upang tumahimik. Ngunit lalo siyang sumigaw: Anak ni David, mahabag kasa akin.
49 Huminto si Jesus at ipinatawag siya.
Tinawag nila ang bulag na sinasabi: Lakasan mo ang iyong loob, tumindig ka, tinatawag ka ni Jesus.
50 Itinapon niya ang kaniyang balabal, tumindig at lumapit kay Jesus.
51 Sinabi sa kaniya ni Jesus: Ano ang nais mong gawin ko sa iyo?
Sumagot ang bulag at sinabi: Guro, nais kong matanggap ang aking paningin.
52 Sinabi ni Jesus: Humayo ka. Pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Kaagad tinanggap ng bulag ang kaniyang paningin. Siya ay sumunod kay Jesus sa daan.
Mark 10
New International Version
Divorce(A)
10 Jesus then left that place and went into the region of Judea and across the Jordan.(B) Again crowds of people came to him, and as was his custom, he taught them.(C)
2 Some Pharisees(D) came and tested him by asking, “Is it lawful for a man to divorce his wife?”
3 “What did Moses command you?” he replied.
4 They said, “Moses permitted a man to write a certificate of divorce and send her away.”(E)
5 “It was because your hearts were hard(F) that Moses wrote you this law,” Jesus replied. 6 “But at the beginning of creation God ‘made them male and female.’[a](G) 7 ‘For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife,[b] 8 and the two will become one flesh.’[c](H) So they are no longer two, but one flesh. 9 Therefore what God has joined together, let no one separate.”
10 When they were in the house again, the disciples asked Jesus about this. 11 He answered, “Anyone who divorces his wife and marries another woman commits adultery against her.(I) 12 And if she divorces her husband and marries another man, she commits adultery.”(J)
The Little Children and Jesus(K)
13 People were bringing little children to Jesus for him to place his hands on them, but the disciples rebuked them. 14 When Jesus saw this, he was indignant. He said to them, “Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of God belongs to such as these.(L) 15 Truly I tell you, anyone who will not receive the kingdom of God like a little child will never enter it.”(M) 16 And he took the children in his arms,(N) placed his hands on them and blessed them.
The Rich and the Kingdom of God(O)
17 As Jesus started on his way, a man ran up to him and fell on his knees(P) before him. “Good teacher,” he asked, “what must I do to inherit eternal life?”(Q)
18 “Why do you call me good?” Jesus answered. “No one is good—except God alone. 19 You know the commandments: ‘You shall not murder, you shall not commit adultery, you shall not steal, you shall not give false testimony, you shall not defraud, honor your father and mother.’[d]”(R)
20 “Teacher,” he declared, “all these I have kept since I was a boy.”
21 Jesus looked at him and loved him. “One thing you lack,” he said. “Go, sell everything you have and give to the poor,(S) and you will have treasure in heaven.(T) Then come, follow me.”(U)
22 At this the man’s face fell. He went away sad, because he had great wealth.
23 Jesus looked around and said to his disciples, “How hard it is for the rich(V) to enter the kingdom of God!”
24 The disciples were amazed at his words. But Jesus said again, “Children, how hard it is[e] to enter the kingdom of God!(W) 25 It is easier for a camel to go through the eye of a needle than for someone who is rich to enter the kingdom of God.”(X)
26 The disciples were even more amazed, and said to each other, “Who then can be saved?”
27 Jesus looked at them and said, “With man this is impossible, but not with God; all things are possible with God.”(Y)
28 Then Peter spoke up, “We have left everything to follow you!”(Z)
29 “Truly I tell you,” Jesus replied, “no one who has left home or brothers or sisters or mother or father or children or fields for me and the gospel 30 will fail to receive a hundred times as much(AA) in this present age: homes, brothers, sisters, mothers, children and fields—along with persecutions—and in the age to come(AB) eternal life.(AC) 31 But many who are first will be last, and the last first.”(AD)
Jesus Predicts His Death a Third Time(AE)
32 They were on their way up to Jerusalem, with Jesus leading the way, and the disciples were astonished, while those who followed were afraid. Again he took the Twelve(AF) aside and told them what was going to happen to him. 33 “We are going up to Jerusalem,”(AG) he said, “and the Son of Man(AH) will be delivered over to the chief priests and the teachers of the law.(AI) They will condemn him to death and will hand him over to the Gentiles, 34 who will mock him and spit on him, flog him(AJ) and kill him.(AK) Three days later(AL) he will rise.”(AM)
The Request of James and John(AN)
35 Then James and John, the sons of Zebedee, came to him. “Teacher,” they said, “we want you to do for us whatever we ask.”
36 “What do you want me to do for you?” he asked.
37 They replied, “Let one of us sit at your right and the other at your left in your glory.”(AO)
38 “You don’t know what you are asking,”(AP) Jesus said. “Can you drink the cup(AQ) I drink or be baptized with the baptism I am baptized with?”(AR)
39 “We can,” they answered.
Jesus said to them, “You will drink the cup I drink and be baptized with the baptism I am baptized with,(AS) 40 but to sit at my right or left is not for me to grant. These places belong to those for whom they have been prepared.”
41 When the ten heard about this, they became indignant with James and John. 42 Jesus called them together and said, “You know that those who are regarded as rulers of the Gentiles lord it over them, and their high officials exercise authority over them. 43 Not so with you. Instead, whoever wants to become great among you must be your servant,(AT) 44 and whoever wants to be first must be slave of all. 45 For even the Son of Man did not come to be served, but to serve,(AU) and to give his life as a ransom for many.”(AV)
Blind Bartimaeus Receives His Sight(AW)
46 Then they came to Jericho. As Jesus and his disciples, together with a large crowd, were leaving the city, a blind man, Bartimaeus (which means “son of Timaeus”), was sitting by the roadside begging. 47 When he heard that it was Jesus of Nazareth,(AX) he began to shout, “Jesus, Son of David,(AY) have mercy on me!”
48 Many rebuked him and told him to be quiet, but he shouted all the more, “Son of David, have mercy on me!”
49 Jesus stopped and said, “Call him.”
So they called to the blind man, “Cheer up! On your feet! He’s calling you.” 50 Throwing his cloak aside, he jumped to his feet and came to Jesus.
51 “What do you want me to do for you?” Jesus asked him.
The blind man said, “Rabbi,(AZ) I want to see.”
52 “Go,” said Jesus, “your faith has healed you.”(BA) Immediately he received his sight and followed(BB) Jesus along the road.
Footnotes
- Mark 10:6 Gen. 1:27
- Mark 10:7 Some early manuscripts do not have and be united to his wife.
- Mark 10:8 Gen. 2:24
- Mark 10:19 Exodus 20:12-16; Deut. 5:16-20
- Mark 10:24 Some manuscripts is for those who trust in riches
Copyright © 1998 by Bibles International
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.