Font Size
Mangangaral 4:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
Mangangaral 4:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
4 Nang magkagayo'y pumihit ako, at aking nakita ang lahat na kapighatian na nagawa sa ilalim ng araw: at, narito, ang mga luha ng mga yaon, na napipighati, at wala silang mangaaliw: at sa siping ng mga mamimighati sa kanila ay may kapangyarihan, nguni't wala silang mangaaliw.
2 Kaya't aking pinuri ang patay na namatay na, ng higit kay sa may buhay na nabubuhay pa;
3 Oo, maigi kay sa kanila kapuwa ang hindi ipinanganganak, na hindi nakakita ng masamang gawa na nagawa sa ilalim ng araw.
Read full chapter
Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905)