Add parallel Print Page Options

Narito, aking sinusugo ang aking sugo, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Nguni't sino ang makatatahan sa araw ng kaniyang pagparito? at sino ang tatayo pagka siya'y pakikita? sapagka't siya'y parang apoy ng mangdadalisay, at parang sabon ng mga tagapagpaputi:

At siya'y mauupong gaya ng mangingintab at mangdadalisay ng pilak, at kaniyang dadalisayin ang mga anak ni Levi, at kaniyang pakikinising parang ginto at pilak; at sila'y mangaghahandog sa Panginoon ng mga handog sa katuwiran.

Kung magkagayo'y ang handog ng Juda at ng Jerusalem ay magiging kalugodlugod sa Panginoon, gaya ng mga araw nang una, at gaya ng mga taon nang una.

At aking lalapitan kayo sa kahatulan; at ako'y magiging maliksing saksi laban sa mga manghuhula, at laban sa mga mangangalunya, at laban sa mga sinungaling na manunumpa, at laban doon sa nagsisipighati sa mangaaraw sa kaniyang mga kaupahan, sa babaing bao, at sa ulila, at sa nagliligaw sa taga ibang lupa mula sa kaniyang matuwid, at hindi natatakot sa akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.

Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. Manumbalik kayo sa akin, at ako'y manunumbalik sa inyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano kami manunumbalik?

Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma'y ninanakaw ninyo ako. Nguni't inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.

Kayo'y nangagsumpa ng sumpa sapagka't inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga'y nitong buong bansa.

10 Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan.

11 At aking sasawayin ang mananakmal dahil sa inyo, at hindi niya sisirain ang mga bunga sa inyong lupa; ni malalagasan man ng bunga sa di panahon ang inyong puno ng ubas sa parang, sabi ng Panginoon ng mga hukbo,

12 At tatawagin kayo ng lahat na bansa na mapalad: sapagka't kayo'y magiging maligayang lupain, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

13 Ang inyong mga salita ay naging lapastangan laban sa akin, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano kami nangagsalita ng laban sa iyo?

14 Inyong sinabi, Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios; at anong kapakinabangan nito na ating iningatan ang kanyang bilin, at tayo'y nagsilakad na may pananangis sa harap ng Panginoon ng mga hukbo?

15 At ngayo'y ating tinatawag ang palalo na mapalad, oo, silang nagsisigawa ng kasamaan ay nangagtayo; oo, kanilang tinutukso ang Dios, at tumatakas.

16 Nang magkagayo'y silang nangatatakot sa Panginoon ay nagsangusapan: at pinakinggan ng Panginoon, at dininig, at isang aklat ng alaala ay nasulat sa harap niya, para sa kanila na nangatakot sa Panginoon, at gumunita ng kaniyang pangalan.

17 At sila'y magiging akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, sa araw na aking gawin, sa makatuwid baga'y isang tanging kayamanan; at akin silang kaaawaan, na gaya ng isang tao na naaawa sa kaniyang anak na naglilingkod sa kaniya.

18 Kung magkagayo'y manunumbalik kayo at makikilala ninyo ang matuwid at ang masama, yaong naglilingkod sa Dios at yaong hindi naglilingkod sa kaniya.

“I will send my messenger,(A) who will prepare the way before me.(B) Then suddenly the Lord(C) you are seeking will come to his temple; the messenger of the covenant,(D) whom you desire,(E) will come,” says the Lord Almighty.

But who can endure(F) the day of his coming?(G) Who can stand(H) when he appears? For he will be like a refiner’s fire(I) or a launderer’s soap.(J) He will sit as a refiner and purifier of silver;(K) he will purify(L) the Levites and refine them like gold and silver.(M) Then the Lord will have men who will bring offerings in righteousness,(N) and the offerings(O) of Judah and Jerusalem will be acceptable to the Lord, as in days gone by, as in former years.(P)

“So I will come to put you on trial. I will be quick to testify against sorcerers,(Q) adulterers(R) and perjurers,(S) against those who defraud laborers of their wages,(T) who oppress the widows(U) and the fatherless, and deprive the foreigners(V) among you of justice, but do not fear(W) me,” says the Lord Almighty.

Breaking Covenant by Withholding Tithes

“I the Lord do not change.(X) So you, the descendants of Jacob, are not destroyed.(Y) Ever since the time of your ancestors you have turned away(Z) from my decrees and have not kept them. Return(AA) to me, and I will return to you,”(AB) says the Lord Almighty.

“But you ask,(AC) ‘How are we to return?’

“Will a mere mortal rob(AD) God? Yet you rob me.

“But you ask, ‘How are we robbing you?’

“In tithes(AE) and offerings. You are under a curse(AF)—your whole nation—because you are robbing me. 10 Bring the whole tithe(AG) into the storehouse,(AH) that there may be food in my house. Test me in this,” says the Lord Almighty, “and see if I will not throw open the floodgates(AI) of heaven and pour out(AJ) so much blessing(AK) that there will not be room enough to store it.(AL) 11 I will prevent pests from devouring(AM) your crops, and the vines in your fields will not drop their fruit before it is ripe,(AN)” says the Lord Almighty. 12 “Then all the nations will call you blessed,(AO) for yours will be a delightful land,”(AP) says the Lord Almighty.(AQ)

Israel Speaks Arrogantly Against God

13 “You have spoken arrogantly(AR) against me,” says the Lord.

“Yet you ask,(AS) ‘What have we said against you?’

14 “You have said, ‘It is futile(AT) to serve(AU) God. What do we gain by carrying out his requirements(AV) and going about like mourners(AW) before the Lord Almighty? 15 But now we call the arrogant(AX) blessed. Certainly evildoers(AY) prosper,(AZ) and even when they put God to the test, they get away with it.’”

The Faithful Remnant

16 Then those who feared the Lord talked with each other, and the Lord listened and heard.(BA) A scroll(BB) of remembrance was written in his presence concerning those who feared(BC) the Lord and honored his name.

17 “On the day when I act,” says the Lord Almighty, “they will be my(BD) treasured possession.(BE) I will spare(BF) them, just as a father has compassion and spares his son(BG) who serves him. 18 And you will again see the distinction between the righteous(BH) and the wicked, between those who serve God and those who do not.(BI)