Lucas 2:46-52
Ang Biblia (1978)
46 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa templo, na nakaupo sa gitna ng mga (A)guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong:
47 At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.
48 At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis.
49 At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng (B)aking Ama.
50 At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila'y sinabi.
51 At lumusong siyang kasama nila, at napasa (C)Nazaret; at napasakop sa kanila: at (D)iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito.
52 At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at (E)sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978