Lucas 8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Mga Babaeng Tumutulong kay Jesus
8 Pagkatapos, nilibot ni Jesus ang mga bayan at mga nayon ng Galilea. Nangaral siya ng Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Dios. Kasama niya ang 12 apostol 2 at ilang babaeng pinagaling niya sa sakit o pinalaya sa masasamang espiritu. Kabilang dito si Maria na taga-Magdala[a] na pinalaya niya mula sa pitong masasamang espiritu, 3 si Juana na asawa ni Cuza na katiwala ni Herodes, si Susana, at marami pang iba. Ang mga babaeng ito ay tumutulong sa mga pangangailangan nina Jesus mula sa mga ari-arian nila.
Ang Talinghaga tungkol sa Manghahasik(A)
4 Isang araw, nagdatingan ang maraming tao mula sa ibaʼt ibang bayan at lumapit kay Jesus. Ikinuwento niya sa kanila ang talinghaga na ito:
5 “May isang magsasakang naghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may mga binhing nahulog sa tabi ng daan, natapakan ito ng mga dumadaan at tinuka ng mga ibon. 6 May mga binhi namang nahulog sa mabatong lugar. Tumubo ang mga ito, pero madaling nalanta dahil sa kawalan ng tubig. 7 May mga binhi namang nahulog sa lupang may matitinik na damo. Sabay na tumubo ang mga binhi at mga damo, pero sa bandang huli ay natakpan ng mga damo ang mga tumubong binhi. 8 Ang iba namaʼy nahulog sa mabuting lupa. Tumubo ang mga ito at namunga nang napakarami.”[b] Pagkatapos, sinabi ni Jesus, “Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan!”[c]
Ang Layunin ng mga Talinghaga(B)
9 Tinanong si Jesus ng mga tagasunod niya kung ano ang kahulugan ng talinghaga na iyon. 10 Sumagot si Jesus, “Ipinagkaloob sa inyo na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Dios, ngunit sa ibaʼy ipinapahayag ito sa pamamagitan ng talinghaga, upang ‘tumingin man silaʼy hindi makakita, at makinig man silaʼy hindi makaunawa.’ ”[d]
Ang Kahulugan ng Talinghaga tungkol sa Manghahasik(C)
11 Isinalaysay ni Jesus kung ano ang kahulugan ng talinghaga na iyon: “Ang binhi ay ang salita ng Dios. 12 Ang tabi ng daan, kung saan nahulog ang ilang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios, ngunit dumating ang diyablo at kinuha iyon sa mga puso nila upang hindi sila sumampalataya at maligtas. 13 Ang mabatong lugar, kung saan nahulog ang ibang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios at masaya itong tinanggap. Ngunit hindi taimtim sa puso nila ang pagtanggap, kaya hindi tumagal ang kanilang pananampalataya. Pagdating ng mga pagsubok ay agad silang tumatalikod sa kanilang pananampalataya. 14 Ang lupang may matitinik na damo, kung saan nahulog ang iba pang binhi ay ang mga taong nakinig ng salita ng Dios. Ngunit sa katagalan, nadaig sila ng mga alalahanin sa buhay, kayamanan at kalayawan sa mundong ito. Kaya hindi sila lumago at hindi namunga. 15 Ngunit ang mabuting lupang hinasikan ng binhi ay ang mga taong nakikinig sa salita ng Dios, at iniingatan ito sa kanilang malinis at tapat na puso, at pinagsisikapang sundin hanggang sa silaʼy mamunga.”
Ang Aral Mula sa Ilaw(D)
16 Sinabi pa ni Jesus, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ng palayok o ilalagay sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng pumapasok sa bahay. 17 Ganoon din naman, walang natatagong hindi mahahayag at walang lihim na hindi malalaman at mabubunyag.[e]
18 “Kaya makinig kayong mabuti sa sinasabi ko, dahil ang taong sumusunod sa narinig niyang katotohanan ay bibigyan pa ng pang-unawa. Ngunit ang taong hindi sumusunod sa katotohanan, kahit ang inaakala niyang nauunawaan niya ay kukunin pa sa kanya.”
Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus(E)
19 Ngayon, pinuntahan si Jesus ng kanyang ina at mga kapatid, pero hindi sila makalapit sa kanya dahil sa dami ng tao. 20 Kaya may nagsabi kay Jesus, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid, at gusto kayong makita.” 21 Sumagot si Jesus, “Ang mga nakikinig at sumusunod sa salita ng Dios ang siya kong ina at mga kapatid.”
Pinatigil ni Jesus ang Malakas na Hangin at Alon(F)
22 Isang araw, sumakay ng bangka si Jesus kasama ang mga tagasunod niya. Sinabi niya sa kanila, “Tumawid tayo sa kabila ng lawa.” At ganoon nga ang ginawa nila. 23 Nang naglalayag na sila, nakatulog si Jesus. Maya-mayaʼy lumakas ang hangin at pinasok ng maraming tubig ang bangka nila, kaya nalagay sila sa panganib. 24 Nilapitan si Jesus ng mga tagasunod niya at ginising, “Guro![f] Guro! Lulubog na tayo!” Bumangon si Jesus at pinatigil ang malakas na hangin at ang malalaking alon. Tumigil ang mga ito at biglang kumalma ang panahon. 25 Pagkatapos, tinanong ni Jesus ang mga tagasunod niya, “Nasaan ang pananampalataya ninyo?” Namangha sila at natakot, at nag-usap-usap, “Sino kaya ito? Kahit ang hangin at ang alon ay inuutusan niya, at sinusunod siya!”
Pinagaling ni Jesus ang Taong Sinaniban ng Masamang Espiritu(G)
26 Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makarating sila sa lupain ng mga Geraseno[g] na katapat ng Galilea. 27 Pagkababa ni Jesus sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking taga-roon na sinasaniban ng masasamang espiritu. Matagal na itong walang suot na damit at ayaw tumira sa bahay kundi sa mga kwebang libingan. 28 Nang makita niya si Jesus, sumigaw siya at lumuhod sa harapan ni Jesus. At sinabi niya nang malakas, “Ano ang pakialam mo sa akin, Jesus na Anak ng Kataas-taasang Dios? Nakikiusap ako sa iyo, huwag mo akong pahirapan!” 29 Sinabi niya ito dahil inutusan ni Jesus na lumabas ang masamang espiritu sa kanya. Matagal na siyang sinasaniban nito. At kahit tinatalian siya ng kadena sa kamay at paa at binabantayan, nilalagot niya ang kadena, at pinapapunta siya ng demonyo sa ilang. 30 Tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” Sagot niya, “Kawan,” dahil maraming masamang espiritu ang pumasok sa kanya. 31 Nagmakaawa ang masasamang espiritu kay Jesus na huwag silang papuntahin sa kailaliman at parusahan doon. 32 Sa di-kalayuan ay may malaking kawan ng mga baboy na nanginginain sa gilid ng burol. Nagmakaawa ang masasamang espiritu kay Jesus na payagan silang pumasok sa mga baboy, at pinayagan naman sila ni Jesus. 33 Kaya lumabas ang masasamang espiritu sa lalaki at pumasok sa mga baboy. Nagtakbuhan ang mga baboy pababa ng burol, nagtuloy-tuloy sa lawa at nalunod.
34 Nang makita iyon ng mga tagapag-alaga ng mga baboy, tumakbo sila patungo sa bayan at sa mga karatig nayon at ipinamalita ang nangyari. 35 Kaya pumunta roon ang mga tao para tingnan ang nangyari. Pagdating nila kay Jesus, nakita nila ang taong sinaniban dati ng masasamang espiritu na nakaupo sa paanan ni Jesus, nakadamit at matino na ang pag-iisip. At natakot ang mga tao. 36 Ikinuwento sa kanila ng mga nakakita kung paano gumaling ang lalaking sinaniban ng masasamang espiritu. 37 Nakiusap ang lahat ng Geraseno[h] kay Jesus na umalis sa kanilang bayan dahil takot na takot sila. Kaya muling sumakay si Jesus sa bangka upang bumalik sa pinanggalingan niya. 38 Nakiusap sa kanya ang lalaking gumaling na isama siya. Pero hindi pumayag si Jesus. Sinabi niya, 39 “Umuwi ka na sa inyo at sabihin mo sa kanila ang ginawa sa iyo ng Dios.” Umuwi nga ang lalaki at ipinamalita sa buong bayan ang ginawa sa kanya ni Jesus.
Ang Anak ni Jairus at ang Babaeng Dinudugo(H)
40 Pagdating ni Jesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat. 41 Dumating naman ang isang lalaking namumuno sa sambahan ng mga Judio, na ang pangalan ay Jairus. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya, 42 dahil naghihingalo ang kaisa-isa niyang anak na babae na 12 taong gulang.
Habang papunta si Jesus sa bahay ni Jairus, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao. 43 May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. [Naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot.] 44 Nang makalapit siya sa likuran ni Jesus, hinipo niya ang laylayan[i] ng damit ni Jesus, at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo. 45 Nagtanong si Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam nʼyo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.” 46 Pero sinabi ni Jesus, “May humipo sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.” 47 Nang malaman ng babae na hindi pala lihim kay Jesus ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paanong gumaling siya kaagad. 48 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling[j] ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”
49 Habang kausap pa ni Jesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairus. Sinabi niya kay Jairus, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag nʼyo nang abalahin ang guro.” 50 Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya kay Jairus, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.” 51 Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at ang mga magulang ng bata. 52 Nag-iiyakan ang mga taong naroroon, kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” 53 Pinagtawanan nila si Jesus dahil alam nilang patay na ang bata. 54 Pero hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Nene, bumangon ka.” 55 At noon din ay bumalik ang kanyang espiritu at bumangon siya agad. At iniutos ni Jesus na pakainin ang bata. 56 Labis na namangha ang mga magulang ng bata. Pero pinagbilinan sila ni Jesus na huwag sabihin kaninuman ang nangyari.
Footnotes
- 8:2 Maria na taga-Magdala: Sa ibang salin ng Biblia, Maria Magdalena.
- 8:8 nang napakarami: sa literal, isang daang ulit ang dami.
- 8:8 Kayong mga nakikinig, dapat nʼyo itong pag-isipan: sa literal, Ang may taingang nakakarinig ay dapat makinig.
- 8:10 Isa. 6:9.
- 8:17 Maaaring ang lihim na tinutukoy dito ay ang tungkol sa paghahari ng Dios na kailangang ihayag.
- 8:24 Guro: sa literal, Amo.
- 8:26 Geraseno: Sa ibang tekstong Griego, Gergeseno o, Gadareno. Ganito rin sa talatang 37.
- 8:37 Geraseno: Tingnan ang footnote sa talatang 26.
- 8:44 laylayan: o, borlas; sa Ingles, tassel. Tingnan sa Bil. 15:37-39 at Deu. 22:12.
- 8:48 pinagaling: o, iniligtas.
Luke 8
Evangelical Heritage Version
Preaching the Gospel
8 Soon afterward Jesus was traveling from one town and village to another, preaching and proclaiming the good news of the kingdom of God. The Twelve were with him 2 and also some women who had been healed of evil spirits and diseases: Mary, called Magdalene, from whom seven demons had gone out; 3 Joanna, the wife of Cuza, Herod’s household manager; Susanna; and many others who provided support for them[a] out of their own possessions.
The Parable of the Sower
4 As a large crowd was gathering and people from one town after another were making their way to him, he spoke using a parable. 5 “A sower went out to sow his seed. As he sowed, some fell along the path. It was trampled, and the birds of the sky devoured it. 6 Other seed fell on rocky ground. As soon as it grew, it withered away, because it had no moisture. 7 Other seed fell among thorns. The thorns grew up with it and choked it. 8 Other seed fell into good soil. It grew and produced fruit—one hundred times as much as was sown.” As he said these things, he called out, “Whoever has ears to hear, let him hear!”
9 His disciples asked him, “What does this parable mean?”
10 He said, “To you it has been given to know the mysteries of the kingdom of God, but to the rest I speak in parables so that ‘even though they see, they may not see, and even though they hear, they may not understand.’[b] 11 This is the meaning of the parable: The seed is the word of God. 12 Those along the path are the ones who hear it, but then the Devil comes and takes away the word from their hearts to keep them from believing and being saved. 13 Those on the rocky ground are the ones who, when they hear, receive the word with joy, but they have no root. So they believe for a while, but then fall away in a time of testing. 14 The seeds that fell into the thorns are the ones who hear the word, but as they go on their way they are choked by the worries, riches, and pleasures of life, so they do not mature. 15 And the seeds in the good ground are the ones who hear the word with an honest and good heart, hold on to it tightly, and produce fruit as they patiently endure.
16 “No one lights a lamp and then hides it under a jar or puts it under a bed. Instead, he puts it on a stand so that those who enter may see the light. 17 For nothing is hidden that will not be revealed, and nothing is secret that will not be made known and come to light. 18 So listen carefully, because whoever has will be given more, and whoever does not have, even what he thinks he has will be taken away from him.”
Jesus’ Mother and Brothers
19 Jesus’ mother and brothers came to him, but they could not get near him because of the crowd. 20 Someone told him, “Your mother and brothers are standing outside, wanting to see you.”
21 But he answered them, “My mother and brothers are those who are hearing and doing the word of God.”
Jesus Calms the Storm
22 One day Jesus got into a boat with his disciples and told them, “Let’s go over to the other side of the lake.” So they set out. 23 As they were sailing, he fell asleep. A powerful windstorm came down on the lake, the boat was filling up with water, and they were in danger.
24 They went to him and woke him, saying, “Master, master, we’re going to die!”
He woke up, rebuked the wind and the raging waves, and they stopped. Then it was calm.
25 He said to them, “Where is your faith?”
They were afraid and amazed and said to one another, “Who, then, is this, that he commands even the winds and the water, and they obey him?”
A Demon-Possessed Man and a Herd of Pigs
26 They sailed down to the region of the Gerasenes,[c] which is across from Galilee. 27 When Jesus stepped ashore, a man from the town met him. He was possessed by demons and for a long time had not worn any clothes. He did not live in a house but in the tombs. 28 When he saw Jesus, he cried out, fell down before him, and said with a loud voice, “What do I have to do with you, Jesus, Son of the Most High God? I beg you, don’t torment me!” 29 For Jesus had commanded the unclean spirit to come out of the man. In fact, the unclean spirit had seized him many times. He was kept under guard, and although he was bound with chains and shackles, he would break the restraints and was driven by the demon into deserted places.
30 Jesus asked him, “What is your name?”
He said, “Legion,” because many demons had gone into him. 31 They were begging Jesus that he would not order them to go into the abyss. 32 A herd of many pigs was feeding there on the mountain. The demons begged Jesus to let them go into the pigs, and he gave them permission. 33 The demons went out of the man and entered the pigs, and the herd rushed down the steep bank into the lake and drowned.
34 When those who were feeding the pigs saw what happened, they ran away and reported it in the town and in the countryside. 35 People went out to see what had happened. They came to Jesus and found the man from whom the demons had gone out, sitting at Jesus’ feet. He was clothed and in his right mind, and the people were afraid. 36 Those who saw it told them how the demon-possessed man was saved. 37 The whole crowd of people from the surrounding country of the Gerasenes[d] asked Jesus to leave them, because they were gripped with great fear.
As Jesus got into the boat and started back, 38 the man from whom the demons had gone out begged to be with him. But Jesus sent him away, saying, 39 “Return to your home and tell how much God has done for you.” Then he went through the whole town proclaiming what Jesus had done for him.
The Daughter of Jairus
40 When Jesus returned, the crowd welcomed him, because they were all waiting for him. 41 Just then a man named Jairus arrived. He was a ruler of the synagogue. He fell down at Jesus’ feet and begged him to come to his house, 42 because he had an only daughter who was about twelve years old and she was dying.
As he went, the crowds pressed tightly against him. 43 There was a woman who had a flow of blood for twelve years, yet although she had paid physicians all she had to live on, she could not be healed by anyone. 44 She approached Jesus from behind and touched the fringe of his garment. Immediately her flow of blood stopped. 45 And Jesus said, “Who touched me?”
As everyone was denying it, Peter and those with him said, “Master, the crowds are pressing in and crowding you, yet you say, ‘Who touched me?’”
46 But Jesus said, “Someone touched me, because I know that power has gone out from me.” 47 When the woman saw that she did not escape his notice, she came trembling and fell down before Jesus. In the presence of all the people she told him why she had touched him and how she was healed immediately. 48 And he said to her, “Daughter, your faith has saved you. Go in peace.”
49 While he was still speaking, someone came from the synagogue ruler’s house, saying, “Your daughter has died. Don’t trouble the Teacher anymore.”
50 But when Jesus heard it, he told Jairus, “Do not be afraid. Only believe, and she will be saved.”
51 When he came to the house, he did not let anyone enter, except Peter, John, James, and the child’s father and mother. 52 All the people were weeping and mourning for her, but he said, “Stop weeping, because she is not dead, but sleeping.”
53 They laughed at him, knowing that she was dead. 54 But he[e] took her by the hand and called out, “Child, get up!” 55 Her spirit returned, and she immediately got up. He ordered that something be given to her to eat. 56 Her parents were amazed, but he instructed them not to tell anyone what had happened.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
The Holy Bible, Evangelical Heritage Version®, EHV®, © 2019 Wartburg Project, Inc. All rights reserved.