Add parallel Print Page Options

Tinawag ni Jesus ang mga Unang Alagad(A)

Samantalang(B) sinisiksik si Jesus[a] ng napakaraming tao upang makinig ng salita ng Diyos, siya'y nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret.

Nakakita siya ng dalawang bangka na nasa tabi ng lawa; wala na roon ang mga mangingisda at naghuhugas na ng kanilang mga lambat.

Lumulan siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon at hiniling sa kanya na ilayo ito nang kaunti sa lupa. Siya'y umupo at mula sa bangka ay nagturo sa mga tao.

Nang matapos na siya sa pagsasalita ay sinabi niya kay Simon, “Pumunta ka sa malalim at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang makahuli.”

Sumagot(C) si Simon, “Guro, sa buong magdamag ay nagpakapagod kami at wala kaming nahuli. Subalit dahil sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.”

Nang(D) magawa nila ito, nakahuli sila ng napakaraming isda, at halos masira ang kanilang mga lambat,

kaya't kinawayan nila ang mga kasamahan nilang nasa ibang bangka upang lumapit at tulungan sila. Sila'y lumapit at pinuno ng isda ang dalawang bangka, anupa't sila'y nagpasimulang lumubog.

Ngunit nang makita ito ni Simon Pedro, lumuhod siya sa paanan ni Jesus, na nagsasabi, “Lumayo ka sa akin, sapagkat ako'y taong makasalanan, O Panginoon.”

Sapagkat siya at ang lahat ng kanyang kasama ay namangha dahil sa mga isdang kanilang nahuli,

10 gayundin si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasamahan ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, “Huwag kang matakot, mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.”

11 Nang maitabi na nila sa lupa ang kanilang mga bangka ay iniwan nila ang lahat, at sumunod sa kanya.

Pinagaling ni Jesus ang Isang Ketongin(E)

12 Samantalang siya'y nasa isa sa mga lunsod, may dumating na isang lalaki na punô ng ketong.[b] Nang makita niya si Jesus, lumuhod siya at nakiusap sa kanya, “Panginoon, kung nais mo ay maaari mo akong linisin.”

13 Iniunat niya ang kanyang kamay at siya'y hinawakan at sinabi, “Nais ko, maging malinis ka.” At agad nawala ang kanyang ketong.

14 Ipinagbilin(F) niya sa kanya na huwag sabihin kaninuman. “Humayo ka, magpakita ka sa pari, at maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises dahil ikaw ay naging malinis, bilang patotoo sa kanila.”

15 Subalit lalo niyang ikinalat ang balita tungkol kay Jesus. Nagtipon ang napakaraming tao upang makinig sa kanya at upang mapagaling sa kanilang mga sakit.

16 Subalit umaalis si Jesus patungo sa ilang at nananalangin.

Pinagaling ni Jesus ang Isang Lalaking Lumpo(G)

17 Isang araw, habang siya'y nagtuturo, may nakaupong mga Fariseo at mga guro ng kautusan, na nagmula sa bawat nayon ng Galilea, Judea at Jerusalem; at ang kapangyarihan ng Panginoon ay nasa kanya upang magpagaling.

18 At may dumating na mga lalaking may dalang isang lalaking lumpo na nasa isang higaan at sinikap nilang maipasok ang lumpo sa bahay at mailagay sa harap ni Jesus.[c]

19 Subalit dahil wala silang makitang daan dahil sa dami ng tao, umakyat sila sa bubungan ng bahay at ibinaba siya pati na ang kanyang higaan mula sa binutas nilang bubungan sa gawing gitna, sa harapan ni Jesus.

20 Nang makita niya ang kanilang pananampalataya ay sinabi niya, “Lalaki, pinatatawad ka na sa iyong mga kasalanan.”

21 Ang mga eskriba at mga Fariseo ay nagsimulang magtanong, “Sino ba ito na nagsasalita ng mga kalapastanganan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Diyos lamang?”

22 Subalit batid ni Jesus ang kanilang mga iniisip at sinabi sa kanila, “Bakit ninyo ito pinag-aalinlanganan sa inyong mga puso?

23 Alin ba ang mas madali, ang sabihing, ‘Pinatatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihing, ‘Tumindig ka at lumakad?’

24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may awtoridad sa ibabaw ng lupa na magpatawad ng mga kasalanan,”—sinabi niya ito sa lumpo, “Sinasabi ko sa iyo, tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.”

25 Kaagad siyang tumindig sa harapan nila, binuhat ang kanyang hinigaan, at umuwi sa kanyang bahay na niluluwalhati ang Diyos.

26 Labis na namangha ang lahat at niluwalhati nila ang Diyos. Napuno sila ng takot, na nagsasabi, “Nakakita kami ngayon ng mga bagay na kataka-taka.”

Tinawag ni Jesus si Levi(H)

27 Pagkatapos nito ay umalis si Jesus[d] at nakita ang isang maniningil ng buwis, na ang pangalan ay Levi, na nakaupo sa tanggapan ng buwis. At sinabi niya sa kanya, “Sumunod ka sa akin.”

28 Iniwan niya ang lahat, tumayo, at sumunod sa kanya.

29 Ipinaghanda siya ni Levi ng isang malaking piging sa kanyang bahay at napakaraming maniningil ng buwis at iba pa na nakaupong kasalo nila.

30 Nagbulung-bulungan(I) ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kanyang mga alagad na sinasabi, “Bakit kayo'y kumakain at umiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?”

31 Sumagot si Jesus sa kanila, “Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit.

32 Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan tungo sa pagsisisi.”

Ang Katanungan tungkol sa Pag-aayuno(J)

33 At sinabi nila sa kanya, “Ang mga alagad ni Juan ay malimit mag-ayuno at mag-alay ng mga panalangin, gayundin ang mga alagad ng mga Fariseo, subalit ang sa iyo ay kumakain at umiinom.”

34 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Maaari bang pag-ayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang lalaking ikakasal ay kasama pa nila?

35 Subalit darating ang mga araw kapag kinuha sa kanila ang lalaking ikakasal, saka pa lamang sila mag-aayuno sa mga araw na iyon.”

36 Sinabi rin niya sa kanila ang isang talinghaga: “Walang taong pumipilas sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kapag gayon, mapupunit ang bago at ang tagping mula sa bago ay di bagay sa luma.

37 At walang taong naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlang balat. Kung gayon, papuputukin ng bagong alak ang mga balat, at matatapon, at masisira ang mga balat.

38 Sa halip, ang bagong alak ay dapat ilagay sa mga bagong sisidlang balat.

39 At walang sinumang matapos uminom ng alak na laon ay magnanais ng bago, sapagkat sinasabi niya, ‘Masarap ang laon.’”

Footnotes

  1. Lucas 5:1 Sa Griyego ay siya .
  2. Lucas 5:12 Ang ketong ay maaaring tumukoy sa ilang uri ng sakit.
  3. Lucas 5:18 Sa Griyego ay niya .
  4. Lucas 5:27 Sa Griyego ay siya .

Tinawag ni Jesus ang Unang mga Alagad

Nangyari nga, habang nagkakatipun-tipon ang mga tao sa kaniya upang makinig ng salita ng Diyos, siya ay nakatayo sa tabi ng lawa ng Genesaret.

Nakakita siya ng dalawang bangka na nasa tabi ng lawa. Ang mga mangingisda ay nakababa na sa bangka at naghuhugas ng mga lambat. Sumakay siya sa isa sa mga bangka na pag-aari ni Simon. Ipinakiusap niya kay Simon na ilayo ng kaunti sa baybayin ang bangka. Pagkaupo niya, siya ay nagturo sa mga tao mula sa bangka.

Pagkatapos niyang magsalita, nagsabi siya kay Simon: Pumalaot kayo. Ihulog ninyo ang mga lambat upang makahuli ng mga isda.

Sumagot si Simon na sinabi: Guro, magdamag kaming nagpagal at wala kaming nahuli. Gayunman kahit wala kaming nahuli, sa iyong salita ay ihuhulog ko ang lambat.

Pagkagawa nila ng gayon, nakahuli sila ng napakaraming isda at ang lambat ay napupunit. Kinawayan nila ang kanilang kapwa mangingisda na nasa ibang bangka upang lumapit at tulungan sila. Lumapit sila at pinuno ang dalawang bangka kaya sila ay papalubog.

Nang makita iyon ni Simon Pedro, nagpatirapa siya sa mga tuhod ni Jesus. Sinabi niya: Panginoon, lumayo ka sa akin sapagkat ako ay isang taong makasalanan. Sinabi niya ito sapagkat siya ay namangha, gayundin ang kaniyang mga kasamahan dahil sa napakaraming huli. 10 Namangha rin ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan, na mga katuwang ni Simon. Sinabi ni Jesus kay Simon: Huwag kang matakot. Mula ngayon ay mamalakaya ka na ng tao. 11 Pagkadaong nila ng mga bangka, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Jesus.

Nilinis ni Jesus ang Lalaking Ketongin

12 Nangyari, nang siya ay nasa isang lungsod, narito, may isang lalaking puno ng ketong. Pagkakita niya kay Jesus, nagpatirapa siya. Ipinamanhik niya sa kaniya na sinasabi: Panginoon, kung ibig mo, malilinis mo ako.

13 Sa pag-unat ni Jesus ng kaniyang kamay, siya ay kaniyang hinipo, na sinasabi: Ibig ko, luminis ka. Kapagdaka ay nawala ang kaniyang ketong.

14 Iniutos ni Jesus sa kaniya: Huwag mo itong sabihin sa kaninuman. Iniutos niya: Yumaon ka at ipakita mo ang iyong sarili sa saserdote at maghandog ka para sa pagkalinis mo. Maghain ka ayon sa iniutos ni Moises bilang pagpapatotoo sa kanila.

15 Lalo pang kumalat ang balita patungkol kay Jesus. Nagdatingan ang napakaraming mga tao upang makinig at upang mapagaling niya sa kanilang mga sakit. 16 Ngunit pumunta siya sa ilang at nanalangin.

Pinagaling ni Jesus ang Paralitiko

17 Nangyari, isang araw sa kaniyang pagtuturo mayroon doong nakaupong mga Fariseo at mga guro ng kautusan. Sila ay galing sa bawat nayon ng Galilea, Judea at Jerusalem. Naroroon ang kapangyarihan ng Panginoon upang pagalingin sila.

18 Narito, may mga lalaking nagdala ng isang paralitiko na nasa isang higaan. Naghahanap sila ng paraan kung papaano siya maipapasok sa loob ng bahay at mailagay sa harapan ni Jesus. 19 Dahil sa napakaraming tao, hindi sila makahanap ng paraan kung papaano siya maipapasok. Dahil dito, umakyat sila sa bubungan at doon nila siya ibinaba na nasa kaniyang maliit na higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.

20 Nakita ni Jesus ang kanilang pananampalataya. Sinabi niya sa kaniya: Lalaki, pinatawad ka na sa iyong mga kasalanan.

21 Nagsimulang mangatwiran ang mga guro ng kautusan at mga Fariseo. Kanilang sinabi: Sino ito na nagsasalita ng pamumusong? Sino angmakakapagpatawad ng mga kasa­lanan? Hindi ba ang Diyos lamang?

22 Nalaman ni Jesus ang kanilang pangangatwiran. Sumagot siya sa kanila at sinabi: Bakit kayo nangangatwiran sa inyong mga puso? 23 Ano ang higit na madali, ang magsabing: Pinatawad ka sa iyong mga kasalanan, o ang magsabing:Bumangon ka at lumakad. 24 Ito ang gagawin ko upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan. Sinabi niya sa paralitiko: Sinasabi ko sa iyo, bumangon ka. Buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay. 25 Pagdaka, tumayo siya sa harapan nila. Pagkabuhat niya ng kaniyang higaan, umuwi siya sa kaniyang bahay na niluluwalhati ang Diyos. 26 Ang lahat ay namangha at nagbigay kaluwalhatian sa Diyos. Napuspos sila ng takot. Sinabi nila: Sa araw na ito ay nakakita kami ng kamangha-manghang bagay.

Tinawag ni Jesus si Levi

27 Pagkatapos ng mga bagay na ito, si Jesus ay umalis. Nakita niya ang isang maniningil ng buwis na nagngangalang Levi. Siya ay nakaupo sa tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sumunod ka sa akin.

28 Sa pagtindig ni Levi iniwanan niya ang lahat at sumunod sa kaniya.

29 Si Levi ay naghanda ng isang malaking piging sa kaniyang bahay para kay Jesus. Naroroon ang napakaraming mga maniningil ng buwis at mga iba pang kasalo nila. 30 Nagbulong-bulungan ang mga guro ng kautusan at ang mga Fariseo laban sa kaniyang mga alagad. Sinabi nila: Bakit kayo kumakain at umiinom kasama ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?

31 Sumagot si Jesus sa kanila: Sila na malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot kundi ang mga maysakit. 32 Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid. Ako ay naparito upang tawagin ang mga makasalanan sa pagsisisi.

Nagtanong ang mga Fariseo Patungkol sa Pag-aayuno

33 Sinabi nila sa kaniya: Madalas mag-ayuno at manalangin ang mga alagad ni Juan. Ang mga alagad ng mga Fariseo ay gayundin ang ginagawa. Ngunit bakit ang iyong mga alagad ay kumakain at umiinom?

34 Sinabi niya sa kanila: Mapag-aayuno ba ninyo ang mga abay sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? 35 Darating ang mga araw na ang lalaking ikakasal ay aalisin sa kanila. Sa mga araw na iyon, sila ay mag-aayuno.

36 Siya ay nagsabi rin ng isang talinghaga sa kanila. Walang sinumang nagtatagpi ng kaputol ng bagong damit na hindi pa umuurong sa lumang damit. Kapag ginawa ng sinuman ang gayon, pupunitin ito ng bago at gayundin, hindi ito aayon sa lumang kaputol. 37 Walang sinumang nagsasalin ng bagong alak sa lumang sisidlang-balat. Kapag ginawa ng sinuman ang gayon, papuputukin ng bagong alak ang sisidlang-balat at mabubuhos ang alak. Ang mga sisidlang balat ay mawawasak. 38 Subalit ang bagong alak ay dapat ilagay sa mga bagong sisidlang-balat at ang dalawa ay magkasamang mapapanatili. 39 Walang sinumang nakainom ng lumang alak ang agad-agad ay magnanais ng bago sapagkat kaniyang sinasabi: Ang luma ay higit na masarap.

Nangyari nga, na samantalang siya'y sinisiksik ng karamihan na pinakikinggan ang salita ng Dios, na siya'y nakatayo sa tabi ng dagatdagatan ng Genezaret;

At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa't nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.

At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya'y naupo at nagturo sa mga karamihan buhat sa daong.

At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya.

At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa't sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.

At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat;

At kinawayan nila ang mga kasamahan sa isang daong upang magsilapit at sila'y tulungan. At sila'y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa't sila'y nagpasimulang lulubog.

Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon.

Sapagka't siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli:

10 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.

11 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya.

12 At nangyari, samantalang siya'y nasa isa sa mga bayan, narito, may isang lalake na lipos ng ketong: at nang makita niya si Jesus, ay nagpatirapa siya, at namanhik sa kaniya, na sinasabi, Panginoon, kung ibig mo, ay maaaring linisin mo ako.

13 At iniunat niya ang kaniyang kamay at siya'y hinipo, na sinasabi, Ibig ko; luminis ka. At pagdaka'y nilisan siya ng ketong.

14 At ipinagbilin niya sa kaniya na huwag sabihin kanino man: kundi yumaon ka ng iyong lakad, at pakita ka sa saserdote, at maghandog ka sa pagkalinis sa iyo, alinsunod sa iniutos ni Moises, na pinakapatotoo sa kanila.

15 Datapuwa't lalo nang kumakalat ang balita tungkol sa kaniya: at nangagkatipon ang lubhang maraming tao upang makinig, at upang pagalingin sa kanilang mga sakit.

16 Datapuwa't siya'y lumigpit sa mga ilang, at nananalangin.

17 At nangyari nang isa sa mga araw na yaon, na siya'y nagtuturo; at may nangakaupo doong mga Fariseo at mga guro sa kautusan, na nagsipanggaling sa bawa't nayon ng Galilea at Judea at Jerusalem: at ang kapangyarihan ng Panginoon ay sumasa kaniya upang magpagaling.

18 At narito, dinala ng mga tao na nasa isang higaan ang isang lalaking lumpo: at pinagpipilitan niyang maipasok siya, at ilagay siya sa harap nila.

19 At sa hindi pagkasumpong ng mapagpapasukan, dahil sa karamihan, ay nagsiakyat sila sa bubungan ng bahay, at siya'y inihugos mula sa butas ng bubungan pati ng kaniyang higaan, sa gitna, sa harapan ni Jesus.

20 At pagkakita sa kanilang pananampalataya, ay kaniyang sinabi, Lalake, ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan.

21 At ang mga eskriba at mga Fariseo ay nangagpasimulang mangagkatuwiranan, na nangagsasabi, Sino ito na nagsasalita ng mga kapusungan? Sino ang makapagpapatawad ng mga kasalanan, kundi ang Dios lamang?

22 Datapuwa't si Jesus, na nakatatanto ng kanilang mga iniisip, ay sumagot at sinabi sa kanila, Bakit pinagbubulaybulay ninyo sa inyong mga puso?

23 Alin baga ang lalong magaang sabihin, Ipinatatawad sa iyo ang iyong mga kasalanan; o sabihin, Magtindig ka at lumakad ka?

24 Datapuwa't upang maalaman ninyo na ang Anak ng tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan (sinabi niya sa lumpo), Sa iyo ko sinasabi, Magtindig ka, at buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo.

25 At pagdaka'y nagtindig siya sa harap nila, at binuhat ang kaniyang hinigan, at napasa kaniyang bahay, na niluluwalhati ang Dios.

26 At nagsipanggilalas ang lahat at niluwalhati nila ang Dios; at nangapuspos sila ng takot, na nangagsasabi, Nakakita kami ngayon ng mga bagay na katakataka.

27 At pagkatapos ng mga bagay na ito, siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin.

28 At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya.

29 At siya'y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay: at lubhang maraming maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang.

30 At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit kayo'y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?

31 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit.

32 Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.

33 At sinabi nila sa kaniya, Ang mga alagad ni Juan ay nangagaayunong madalas, at nagsisigawa ng mga pagdaing; gayon din ang mga alagad ng mga Fariseo; datapuwa't ang mga iyo'y nagsisikain at nagsisiinom.

34 At sinabi ni Jesus sa kanila, Mangyayari bagang papagayunuhin ninyo ang mga abay sa kasalan samantalang ang kasintahang lalake ay kasama nila?

35 Datapuwa't darating ang mga araw; at pagka inalis sa kanila ang kasintahang lalake, kung magkagayo'y mangagaayuno sila sa mga araw na yaon.

36 At sinalita rin naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Walang taong pumilas sa bagong damit at itinagpi sa damit na luma; sa ibang paraa'y sisirain ang bago, at sa luma naman ay hindi bagay ang tagping mula sa bago.

37 At walang taong nagsisilid ng alak na bago sa mga balat na luma; sa ibang paraa'y papuputukin ng alak na bago ang mga balat, at mabububo, masisira ang mga balat.

38 Kundi dapat isilid ang alak na bago sa mga bagong balat.

39 At walang taong nakainom ng alak na laon, ay iibig sa alak na bago; sapagka't sasabihin niya, Mabuti ang laon.

Jesus calls disciples

One day Jesus was standing beside Lake Gennesaret when the crowd pressed in around him to hear God’s word. Jesus saw two boats sitting by the lake. The fishermen had gone ashore and were washing their nets. Jesus boarded one of the boats, the one that belonged to Simon, then asked him to row out a little distance from the shore. Jesus sat down and taught the crowds from the boat. When he finished speaking to the crowds, he said to Simon, “Row out farther, into the deep water, and drop your nets for a catch.”

Simon replied, “Master, we’ve worked hard all night and caught nothing. But because you say so, I’ll drop the nets.”

So they dropped the nets and their catch was so huge that their nets were splitting. They signaled for their partners in the other boat to come and help them. They filled both boats so full that they were about to sink. When Simon Peter saw the catch, he fell at Jesus’ knees and said, “Leave me, Lord, for I’m a sinner!” Peter and those with him were overcome with amazement because of the number of fish they caught. 10 James and John, Zebedee’s sons, were Simon’s partners and they were amazed too.

Jesus said to Simon, “Don’t be afraid. From now on, you will be fishing for people.” 11 As soon as they brought the boats to the shore, they left everything and followed Jesus.

A man with a skin disease

12 Jesus was in one of the towns where there was also a man covered with a skin disease. When he saw Jesus, he fell on his face and begged, “Lord, if you want, you can make me clean.”

13 Jesus reached out his hand, touched him, and said, “I do want to. Be clean.” Instantly, the skin disease left him. 14 Jesus ordered him not to tell anyone. “Instead,” Jesus said, “go and show yourself to the priest and make an offering for your cleansing, as Moses instructed. This will be a testimony to them.” 15 News of him spread even more and huge crowds gathered to listen and to be healed from their illnesses. 16 But Jesus would withdraw to deserted places for prayer.

Jesus heals a paralyzed man

17 One day when Jesus was teaching, Pharisees and legal experts were sitting nearby. They had come from every village in Galilee and Judea, and from Jerusalem. Now the power of the Lord was with Jesus to heal. 18 Some men were bringing a man who was paralyzed, lying on a cot. They wanted to carry him in and place him before Jesus, 19 but they couldn’t reach him because of the crowd. So they took him up on the roof and lowered him—cot and all—through the roof tiles into the crowded room in front of Jesus. 20 When Jesus saw their faith, he said, “Friend, your sins are forgiven.”

21 The legal experts and Pharisees began to mutter among themselves, “Who is this who insults God? Only God can forgive sins!”

22 Jesus recognized what they were discussing and responded, “Why do you fill your minds with these questions? 23 Which is easier—to say, ‘Your sins are forgiven,’ or to say, ‘Get up and walk’? 24 But so that you will know that the Human One[a] has authority on the earth to forgive sins” —Jesus now spoke to the man who was paralyzed, “I say to you, get up, take your cot, and go home.” 25 Right away, the man stood before them, picked up his cot, and went home, praising God.

26 All the people were beside themselves with wonder. Filled with awe, they glorified God, saying, “We’ve seen unimaginable things today.”

Jesus calls a tax collector

27 Afterward, Jesus went out and saw a tax collector named Levi sitting at a kiosk for collecting taxes. Jesus said to him, “Follow me.”

28 Levi got up, left everything behind, and followed him. 29 Then Levi threw a great banquet for Jesus in his home. A large number of tax collectors and others sat down to eat with them. 30 The Pharisees and their legal experts grumbled against his disciples. They said, “Why do you eat and drink with tax collectors and sinners?”

31 Jesus answered, “Healthy people don’t need a doctor, but sick people do. 32 I didn’t come to call righteous people but sinners to change their hearts and lives.”

The old and the new

33 Some people said to Jesus, “The disciples of John fast often and pray frequently. The disciples of the Pharisees do the same, but your disciples are always eating and drinking.”

34 Jesus replied, “You can’t make the wedding guests fast while the groom is with them, can you? 35 The days will come when the groom will be taken from them, and then they will fast.”

36 Then he told them a parable. “No one tears a patch from a new garment to patch an old garment. Otherwise, the new garment would be ruined, and the new patch wouldn’t match the old garment. 37 Nobody pours new wine into old wineskins. If they did, the new wine would burst the wineskins, the wine would spill, and the wineskins would be ruined. 38 Instead, new wine must be put into new wineskins. 39 No one who drinks a well-aged wine wants new wine, but says, ‘The well-aged wine is better.’”

Footnotes

  1. Luke 5:24 Or Son of Man