Lucas 23
Ang Biblia, 2001
Si Jesus sa Harapan ni Pilato(A)
23 Tumindig ang buong karamihan at dinala si Jesus[a] sa harap ni Pilato.
2 Nagsimula silang ipagsakdal siya na sinasabi, “Natagpuan namin ang taong ito na inililigaw ang aming bansa, at pinagbabawalan kaming magbuwis kay Cesar, at sinasabi na siya mismo ang Cristo, ang hari.”
3 At tinanong siya ni Pilato, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” Sumagot siya at sinabi, “Ikaw ang nagsasabi.”
4 Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”
5 Subalit sila'y lalong nagpipilit na sinasabi, “Ginugulo niya ang sambayanan at nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.”
Si Jesus sa Harapan ni Herodes
6 Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung ang taong iyon ay taga-Galilea.
7 At nang kanyang malaman na siya'y sakop ni Herodes, kanyang ipinadala siya kay Herodes, na nang panahong iyon ay nasa Jerusalem din.
8 Nang makita ni Herodes si Jesus, siya ay tuwang-tuwa, sapagkat matagal na niyang nais na makita siya sapagkat nakabalita siya ng tungkol sa kanya; at siya'y umaasang makakita ng ilang himalang ginawa niya.
9 Kaya't kanyang tinanong siya ng matagal subalit si Jesus ay hindi sumagot ng anuman.
10 Ang mga punong pari at ang mga eskriba ay nanatili, at marahas siyang pinagbibintangan.
11 At hinamak siya at nilibak ni Herodes at ng mga kawal na kasama niya. Sinuotan siya ng maringal na damit at ibinalik kay Pilato.
12 Nang araw ding iyon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato sa isa't isa; sapagkat sila'y dating magkagalit.
Si Jesus ay Hinatulang Mamatay(B)
13 Tinipon ni Pilato ang mga punong pari, ang mga pinuno at ang mga taong-bayan,
14 at sinabi sa kanila, “Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nag-uudyok na maghimagsik ang bayan. At narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, hindi ko nakitang nagkasala ang taong ito ng alinman sa mga bagay na ibinibintang ninyo laban sa kanya.
15 Maging si Herodes man, sapagkat kanyang ibinalik siya sa atin at tingnan ninyo, wala siyang ginawang anumang nararapat sa kamatayan.
16 Kaya't siya'y aking ipapahagupit at palalayain.”[b]
18 Subalit silang lahat ay sama-samang sumigaw, “Alisin ang taong ito, palayain si Barabas para sa amin.”
19 Ito'y isang taong nabilanggo dahil sa isang paghihimagsik na nangyari sa lunsod, at dahil sa pagpatay ng tao.
20 Si Pilato'y muling nagsalita sa kanila sa kagustuhang palayain si Jesus.
21 Subalit sila'y nagsigawan, “Ipako sa krus, ipako siya sa krus.”
22 Sa ikatlong pagkakataon ay kanyang sinabi sa kanila, “Bakit, anong kasamaan ang ginawa ng taong ito? Wala akong nakitang anumang batayan para sa parusang kamatayan. Kaya't siya'y aking ipapahagupit at saka palalayain.”
23 Subalit pinipilit nilang hingin na ipinagsisigawan na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
24 At ipinasiya ni Pilato na ipagkaloob ang kanilang hinihingi.
25 Pinalaya niya ang taong kanilang hinihiling, ang taong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, subalit kanyang ibinigay si Jesus gaya ng nais nila.
Ipinako si Jesus(C)
26 Habang kanilang dinadala siyang papalayo, hinuli nila si Simon na taga-Cirene na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kanya ang krus upang dalhin kasunod ni Jesus.
27 Siya'y sinundan ng napakaraming tao, at ng mga babaing nagdadalamhati at nag-iiyakan para sa kanya.
28 Subalit humarap sa kanila si Jesus at sinabi, “Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan, kundi iyakan ninyo ang inyong mga sarili at ang inyong mga anak.
29 Sapagkat narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, ‘Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyan na kailanma'y hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailanman ay hindi nagpasuso!’
30 At(D) sila'y magpapasimulang magsalita sa mga bundok, ‘Bumagsak kayo sa amin,’ at sa mga burol, ‘Takpan ninyo kami.’
31 Sapagkat kung ginagawa nila ang mga bagay na ito kapag ang punungkahoy ay sariwa, anong mangyayari kapag ito ay tuyo?
32 Dinala rin upang pataying kasama niya ang dalawang kriminal.
33 Nang dumating sila sa lugar na tinatawag na Bungo, kanilang ipinako siya sa krus, kasama ng mga kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kanyang kaliwa.
34 [Sinabi(E) ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”] At sila ay nagpalabunutan upang paghatian ang kanyang damit.
35 Nakatayong(F) nanonood ang taong-bayan. Subalit tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, “Iniligtas niya ang iba, iligtas niya ang kanyang sarili kung siya ang Cristo ng Diyos, ang Pinili.”
36 Nililibak(G) din siya ng mga kawal na lumapit sa kanya, at inalok siya ng suka,
37 at sinasabi, “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili!”
38 Mayroon ding nakasulat na pamagat sa itaas niya, “Ito'y ang Hari ng mga Judio.”
39 Patuloy siyang pinagtawanan[c] ng isa sa mga kriminal na ipinako, na nagsasabi, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at kami!”
40 Subalit sinaway siya ng isa, at sa kanya'y sinabi, “Hindi ka pa ba natatakot sa Diyos, yamang ikaw ay nasa gayunding hatol ng kaparusahan?
41 Tayo ay nahatulan ng matuwid, sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa. Subalit ang taong ito'y hindi gumawa ng anumang masama.”
42 Sinabi niya, “Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.”
43 At sumagot siya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”
Ang Kamatayan ni Jesus(H)
44 Nang magtatanghaling-tapat na, nagdilim sa ibabaw ng buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon,
45 habang(I) madilim ang araw; at napunit sa gitna ang tabing ng templo.
46 Si(J) Jesus ay sumigaw ng malakas at nagsabi, “Ama, sa mga kamay mo ay inihahabilin ko ang aking espiritu.” At pagkasabi nito ay nalagot ang kanyang hininga.
47 Nang makita ng senturion ang nangyari, pinuri niya ang Diyos at sinabi, “Tunay na ito'y isang taong matuwid.”
48 At ang lahat ng mga taong nagkatipon upang makita ang panoorin, nang makita nila ang mga bagay na nangyari ay umuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
49 At(K) ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kanya'y sumunod buhat sa Galilea ay nakatayo sa malayo at nakita ang mga bagay na ito.
Ang Paglilibing kay Jesus(L)
50 Mayroong isang mabuti at matuwid na lalaking ang pangalan ay Jose, na bagaman kaanib ng sanggunian,
51 ay hindi sang-ayon sa kanilang panukala at gawa. Siya'y mula sa Arimatea, isang bayan ng mga Judio, at siya'y naghihintay sa kaharian ng Diyos.
52 Ang taong ito'y lumapit kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus.
53 At ito'y ibinaba niya, binalot ng isang telang lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang naililibing.
54 Noo'y araw ng Paghahanda, at malapit na ang Sabbath.
55 Ang mga babae na sumama sa kanya mula sa Galilea ay sumunod at tiningnan ang libingan at kung paano inilagay ang kanyang bangkay.
56 Sila'y(M) umuwi at naghanda ng mga pabango at mga panghaplos. At nang araw ng Sabbath sila'y nagpahinga ayon sa kautusan.
Footnotes
- Lucas 23:1 Sa Griyego ay siya .
- Lucas 23:16 Sa ibang mga kasulatan ay nakalagay ang talatang ito: 17 Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan .
- Lucas 23:39 o nilalapastangan .
Lucas 23
Ang Dating Biblia (1905)
23 At nagsitindig ang buong kapulungan nila, at dinala siya sa harap ni Pilato.
2 At nangagpasimula silang isumbong siya, na sinasabi, Nasumpungan namin ang taong ito na pinasasama ang aming bansa, at ipinagbabawal na bumuwis kay Cesar, at sinasabi na siya rin nga ang Cristo, ang hari.
3 At tinanong siya ni Pilato, na nagsasabi, Ikaw baga ang Hari ng mga Judio? At sumagot siya at sinabi, Ikaw ang nagsasabi.
4 At sinabi ni Pilato sa mga pangulong saserdote at sa mga karamihan, Wala akong masumpungang kasalanan sa taong ito.
5 Datapuwa't sila'y lalong nangagpipilit na sinasabi, Ginugulo niya ang bayan, na nagtuturo sa buong Judea, magbuhat sa Galilea hanggang sa dakong ito.
6 Datapuwa't nang ito'y marinig ni Pilato, ay itinanong niya kung ang taong yaon ay Galileo.
7 At nang maunawa na siya'y nasasakop ni Herodes, ay ipinadala niya siya kay Herodes, na nang mga araw na yaon ay nasa Jerusalem din naman.
8 Nang makita nga ni Herodes si Jesus, ay nagalak siyang lubha: sapagka't malaon nang hinahangad niya na makita siya, sapagka't siya'y nakabalita tungkol sa kaniya; at siya'y naghihintay na makakita ng ilang himalang gawa niya.
9 At tinanong niya siya ng maraming salita; datapuwa't siya'y hindi sumagot ng anoman.
10 At ang mga pangulong saserdote at mga eskriba ay nagsitindig, na isinusumbong siyang mainam.
11 At si Herodes na kasama ang kaniyang mga kawal ay inalimura siya, at siya'y nilibak, at sinuutan siya ng maringal na damit, at ipinabalik siya kay Pilato.
12 At nang araw ding yaon ay naging magkaibigan si Herodes at si Pilato: sapagka't dating sila'y nagkakagalit.
13 At tinipon ni Pilato ang mga pangulong saserdote, at ang mga pinuno at ang bayan,
14 At sinabi sa kanila, Dinala ninyo sa akin ang taong ito na gaya ng isang nagpapasama sa bayan: at narito, nang aking siyasatin siya sa harapan ninyo, ay wala akong nasumpungang anomang sala sa taong ito, tungkol sa mga bagay na isinusumbong ninyo laban sa kaniya;
15 Wala, kahit si Herodes man; sapagka't siya'y ipinabalik niyang muli sa atin; at narito, walang anomang karapatdapat sa kamatayan na ginawa niya.
16 Siya nga'y aking parurusahan, at siya'y pawawalan.
17 Kinakailangan nga niyang sa kanila'y magpakawala ng isang bilanggo sa kapistahan.
18 Datapuwa't silang lahat ay nagsisigawang paminsan, na nangagsabi, Alisin mo ang taong ito, at pawalan mo sa amin si Barrabas:
19 Isa na ibinilanggo dahil sa isang paghihimagsik na ginawa sa bayan, at sa pagpatay.
20 At si Pilato'y nagsalitang muli sa kanila, sa pagnanais na pawalan si Jesus;
21 Datapuwa't sila'y nagsigawan, na sinasabi, Ipako sa krus, ipako siya sa krus.
22 At kaniyang sinabi sa kanila, na bilang ikatlo, Bakit, anong masama ang ginawa ng taong ito? Wala akong nasumpungang anomang kadahilanang ipatay sa kaniya: parurusahan ko nga siya, at siya'y pawawalan.
23 Datapuwa't pinipilit nilang hingin sa malalakas na tinig, na siya'y ipako sa krus. At nanaig ang kanilang mga tinig.
24 At hinatulan ni Pilato na gawin ang kanilang hinihingi,
25 At pinawalan niya yaong ibinilanggo dahil sa paghihimagsik at sa pagpatay, na siyang kanilang hiningi; datapuwa't ibinigay si Jesus sa kalooban nila.
26 At nang siya'y kanilang dalhin ay kanilang pinigil ang isang Simong taga Cirene, na nanggaling sa bukid, at ipinasan sa kaniya ang krus, upang dalhin sa likuran ni Jesus.
27 At siya'y sinusundan ng isang makapal na karamihan sa bayan, at ng mga babaing nagiiyakan at nananambitan dahil sa kaniya.
28 Datapuwa't paglingon sa kanila ni Jesus ay sinabi, Mga anak na babae ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.
29 Sapagka't narito, darating ang mga araw, na kanilang sasabihin, Mapapalad ang mga baog, at ang mga tiyang kailan ma'y hindi nangagdalang-tao, at ang mga dibdib na kailan man ay hindi nangagpapasuso.
30 Kung magkagayon ay magpapasimulang sabihin nila sa mga bundok, mangahulog kayo sa ibabaw namin; at sa mga burol, Takpan ninyo kami.
31 Sapagka't kung ginagawa ang mga bagay na ito sa punong kahoy na sariwa, ano kaya ang gagawin sa tuyo?
32 At dinala rin naman na kasama niya, ang dalawang tampalasan, upang patayin.
33 At nang dumating sa dakong tinatawag na Bungo, ay kanilang ipinako roon siya sa krus, at ang mga tampalasan, isa sa kanan at isa sa kaliwa.
34 At sinabi ni Jesus, Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa. At sa pagbabahabahagi nila ng kaniyang mga suot ay kanilang pinagsapalaranan.
35 At nakatayong nanonood ang bayan. At tinutuya naman siya ng mga pinuno, na sinasabi, Nagligtas siya sa mga iba; iligtas niya ang kaniyang sarili, kung ito ang Cristo ng Dios, ang hinirang niya.
36 At nililibak rin naman siya ng mga kawal, na nagsisilapit sa kaniya, na dinudulutan siya ng suka,
37 At sinabi, Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.
38 At mayroon naman sa itaas niya na isang pamagat, ITO'Y ANG HARI NG MGA JUDIO.
39 At siya'y inalipusta ng isa sa mga tampalasang nabibitin, na sinasabi, Hindi baga ikaw ang Cristo? iligtas mo ang iyong sarili at kami.
40 Datapuwa't sumagot ang isa, at pagsaway sa kaniya'y sinabi, Hindi ka pa baga natatakot sa Dios, yamang ikaw ay nasa gayon ding kaparusahan?
41 At tayo sa katotohanan ay ayon sa katuwiran; sapagka't tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa; datapuwa't ang taong ito'y hindi gumagawa ng anomang masama.
42 At sinabi niya, Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.
43 At sinabi niya sa kaniya, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita sa Paraiso.
44 At nang may oras na ikaanim na, ay nagdilim sa ibabaw ng buong lupa, hanggang sa oras na ikasiyam,
45 At nagdilim ang araw: at nahapak sa gitna ang tabing ng templo.
46 At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga.
47 At nang makita ng senturion ang nangyari, ay niluwalhati niya ang Dios na nagsasabi, Tunay na ito'y isang taong matuwid.
48 At ang lahat ng mga karamihang nangagkatipon sa panonood nito, pagkakita nila sa mga bagay na nangyari ay nangagsiuwing dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
49 At ang lahat ng mga kakilala niya at ang mga babaing sa kaniya'y nagsisunod buhat sa Galilea, at nangasa malayo na pinagmamasdan ang mga bagay na ito.
50 At narito ang isang lalaking nagngangalang Jose, na isang kasangguni, isang lalaking mabuti at matuwid:
51 (Siya'y hindi umayon sa kanilang payo at gawa), isang lalaking taga Arimatea, bayan ng mga Judio, na naghihintay ng kaharian ng Dios;
52 Ang taong ito'y naparoon kay Pilato: at hiningi ang bangkay ni Jesus.
53 At ito'y ibinababa niya, at binalot ng isang kayong lino, at inilagay sa isang libingang hinukay sa bato, na doo'y wala pang nalilibing.
54 At noo'y araw ng Paghahanda, at nalalapit na ang sabbath.
55 At ang mga babae, na nagsisama sa kaniya mula sa Galilea, ay nagsisunod, at tiningnan ang libingan, at kung paano ang pagkalagay ng kaniyang bangkay.
56 At sila'y nagsiuwi, at nangaghanda ng mga pabango at mga unguento. At nang araw ng sabbath sila'y nangagpahinga ayon sa utos.
Luke 23
King James Version
23 And the whole multitude of them arose, and led him unto Pilate.
2 And they began to accuse him, saying, We found this fellow perverting the nation, and forbidding to give tribute to Caesar, saying that he himself is Christ a King.
3 And Pilate asked him, saying, Art thou the King of the Jews? And he answered him and said, Thou sayest it.
4 Then said Pilate to the chief priests and to the people, I find no fault in this man.
5 And they were the more fierce, saying, He stirreth up the people, teaching throughout all Jewry, beginning from Galilee to this place.
6 When Pilate heard of Galilee, he asked whether the man were a Galilaean.
7 And as soon as he knew that he belonged unto Herod's jurisdiction, he sent him to Herod, who himself also was at Jerusalem at that time.
8 And when Herod saw Jesus, he was exceeding glad: for he was desirous to see him of a long season, because he had heard many things of him; and he hoped to have seen some miracle done by him.
9 Then he questioned with him in many words; but he answered him nothing.
10 And the chief priests and scribes stood and vehemently accused him.
11 And Herod with his men of war set him at nought, and mocked him, and arrayed him in a gorgeous robe, and sent him again to Pilate.
12 And the same day Pilate and Herod were made friends together: for before they were at enmity between themselves.
13 And Pilate, when he had called together the chief priests and the rulers and the people,
14 Said unto them, Ye have brought this man unto me, as one that perverteth the people: and, behold, I, having examined him before you, have found no fault in this man touching those things whereof ye accuse him:
15 No, nor yet Herod: for I sent you to him; and, lo, nothing worthy of death is done unto him.
16 I will therefore chastise him, and release him.
17 (For of necessity he must release one unto them at the feast.)
18 And they cried out all at once, saying, Away with this man, and release unto us Barabbas:
19 (Who for a certain sedition made in the city, and for murder, was cast into prison.)
20 Pilate therefore, willing to release Jesus, spake again to them.
21 But they cried, saying, Crucify him, crucify him.
22 And he said unto them the third time, Why, what evil hath he done? I have found no cause of death in him: I will therefore chastise him, and let him go.
23 And they were instant with loud voices, requiring that he might be crucified. And the voices of them and of the chief priests prevailed.
24 And Pilate gave sentence that it should be as they required.
25 And he released unto them him that for sedition and murder was cast into prison, whom they had desired; but he delivered Jesus to their will.
26 And as they led him away, they laid hold upon one Simon, a Cyrenian, coming out of the country, and on him they laid the cross, that he might bear it after Jesus.
27 And there followed him a great company of people, and of women, which also bewailed and lamented him.
28 But Jesus turning unto them said, Daughters of Jerusalem, weep not for me, but weep for yourselves, and for your children.
29 For, behold, the days are coming, in the which they shall say, Blessed are the barren, and the wombs that never bare, and the paps which never gave suck.
30 Then shall they begin to say to the mountains, Fall on us; and to the hills, Cover us.
31 For if they do these things in a green tree, what shall be done in the dry?
32 And there were also two other, malefactors, led with him to be put to death.
33 And when they were come to the place, which is called Calvary, there they crucified him, and the malefactors, one on the right hand, and the other on the left.
34 Then said Jesus, Father, forgive them; for they know not what they do. And they parted his raiment, and cast lots.
35 And the people stood beholding. And the rulers also with them derided him, saying, He saved others; let him save himself, if he be Christ, the chosen of God.
36 And the soldiers also mocked him, coming to him, and offering him vinegar,
37 And saying, If thou be the king of the Jews, save thyself.
38 And a superscription also was written over him in letters of Greek, and Latin, and Hebrew, This Is The King Of The Jews.
39 And one of the malefactors which were hanged railed on him, saying, If thou be Christ, save thyself and us.
40 But the other answering rebuked him, saying, Dost not thou fear God, seeing thou art in the same condemnation?
41 And we indeed justly; for we receive the due reward of our deeds: but this man hath done nothing amiss.
42 And he said unto Jesus, Lord, remember me when thou comest into thy kingdom.
43 And Jesus said unto him, Verily I say unto thee, Today shalt thou be with me in paradise.
44 And it was about the sixth hour, and there was a darkness over all the earth until the ninth hour.
45 And the sun was darkened, and the veil of the temple was rent in the midst.
46 And when Jesus had cried with a loud voice, he said, Father, into thy hands I commend my spirit: and having said thus, he gave up the ghost.
47 Now when the centurion saw what was done, he glorified God, saying, Certainly this was a righteous man.
48 And all the people that came together to that sight, beholding the things which were done, smote their breasts, and returned.
49 And all his acquaintance, and the women that followed him from Galilee, stood afar off, beholding these things.
50 And, behold, there was a man named Joseph, a counsellor; and he was a good man, and a just:
51 (The same had not consented to the counsel and deed of them;) he was of Arimathaea, a city of the Jews: who also himself waited for the kingdom of God.
52 This man went unto Pilate, and begged the body of Jesus.
53 And he took it down, and wrapped it in linen, and laid it in a sepulchre that was hewn in stone, wherein never man before was laid.
54 And that day was the preparation, and the sabbath drew on.
55 And the women also, which came with him from Galilee, followed after, and beheld the sepulchre, and how his body was laid.
56 And they returned, and prepared spices and ointments; and rested the sabbath day according to the commandment.
Лука 23
New Serbian Translation
Исус пред Пилатом
23 Затим су сви устали и одвели Исуса пред Пилата. 2 Тада су почели да га оптужују, говорећи: „Ухватили смо овога да заводи наш народ. Он нам забрањује да дајемо порез цару, и тврди за себе да је Христос, Цар.“
3 Пилат га упита: „Јеси ли ти Цар јудејски?“
Исус му одговори: „Ти то кажеш.“
4 Пилат рече водећим свештеницима и мноштву: „Не налазим никакву кривицу на овом човеку.“ 5 Али они су наваљивали говорећи: „Он својим учењем диже на буну наш народ по свој Јудеји. Почео је у Галилеји, а сада је дошао и овде!“
Исус пред Иродом
6 Када је Пилат то чуо, упитао је: „Да ли је овај човек Галилејац?“ 7 Када је сазнао да је Исус из подручја Иродове управе, послао га је к њему, јер је Ирод у то време био у Јерусалиму.
8 Ирод се веома обрадовао кад је видео Исуса, јер је слушао о њему. Већ дуже време је желео да га види, надајући се да ће Исус начинити неки знак. 9 Постављао му је многа питања, али Исус није одговарао. 10 Водећи свештеници и зналци Светог писма су стајали тамо и жестоко га оптуживали. 11 Ирод и његови војници су се ругали Исусу и понашали се према њему с презиром. Затим су му обукли свечану одећу и послали га натраг Пилату. 12 Тог дана су се Пилат и Ирод спријатељили; пре тога су били непријатељи.
Исуса осуђују на смрт
13 Пилат је онда сазвао водеће свештенике, главаре и народ, 14 па рекао: „Довели сте ми овог човека и рекли да заводи народ. А ево, ја сам га у вашем присуству испитао и нисам нашао ниједну кривицу за коју га ви оптужујете. 15 Па ни Ирод није ништа нашао, него га је послао натраг к нама. Он није учинио ништа што заслужује смрт. 16 Даћу га на шибање, а онда ћу га ослободити.“ 17 Наиме, сваког празника је требало да им Пилат ослободи једног заробљеника.
18 Они сви сложно повикаше: „Узми овог, а ослободи нам Вараву!“ 19 Варава је био утамничен због некакве буне у граду и због убиства.
20 Пилат се поново обрати народу, желећи да ослободи Исуса. 21 Али народ је викао: „Разапни га, разапни га!“
22 Он им по трећи пут рече: „Какво је зло учинио? Нисам нашао ништа што заслужује смрт. Даћу га на шибање, а затим ћу га ослободити.“
23 Међутим, светина је галамила и наваљивала, тражећи да се Исус разапне. Њихова вика је постајала све јача. 24 Тако Пилат одлучи да удовољи њиховом захтеву. 25 Ослободио је човека којег су тражили, онога што је био утамничен због буне и убиства, а Исуса је предао њима да чине с њим што им је по вољи.
Исуса спроводе до места погубљења
26 Тако су Исуса одвели. Успут су ухватили неког Симона из Кирине који се враћао са поља и натоварили му крст да га носи за Исусом. 27 За њим је ишло много народа и жене које су га жалиле и оплакивале. 28 Исус се окренуо према њима и рекао: „Ћерке јерусалимске, не плачите нада мном, већ плачите над собом и над својом децом. 29 Јер, ево, долазе дани када ће се говорити: ’Благо нероткињама, које никад нису рађале, и које никад нису дојиле.’ 30 Тада
ће почети да говоре горама: ’Падните на нас’,
и бреговима: ’Прекријте нас.’
31 Јер кад овако раде са зеленим дрветом, шта ће тек радити када дрво постане суво?“
32 Уз њега су водили и два злочинца да их погубе са њим. 33 Када су дошли на место које се зове „Лобања“, разапели су њега и злочинце, једног с његове десне, другог с леве стране. 34 Исус је говорио: „Оче, опрости им, јер не знају шта чине.“ Затим су војници бацали коцку за његову одећу да би је поделили међу собом.
35 А народ је стајао и посматрао. Главари су му се ругали и говорили: „Ако је он Христос Божији, Изабраник, нека спасе себе као што је спасао друге!“
36 Подсмевали су му се и војници, који су му прилазили и нудили му кисело вино. 37 Говорили су: „Ако си ти Цар јудејски, спаси самога себе!“
38 Изнад његове главе било је написано: „Ово је Цар јудејски.“
39 Један од злочинаца који су висили на крсту, вређао га је и говорио: „Ниси ли ти Христос? Спаси себе и нас!“
40 Други му одговори корећи га: „Зар се не бојиш Бога, будући да си примио исту казну као и он? 41 Ми смо праведно осуђени и добијамо што смо заслужили, али он није учинио ништа недолично.“
42 Онда рече Исусу: „Исусе, сети ме се кад дођеш у своје царство!“
43 Исус му рече: „Заиста ти кажем, још данас ћеш бити са мном у рају.“
Исусова смрт
44 Око подне наста тама по свој земљи све до три сата. 45 Сунце је престало да сија, а завеса у храму расцепала се напола. 46 Исус веома гласно повика и рече: „Оче, у твоје руке предајем свој дух!“ – те издахну.
47 Када је римски капетан видео шта се догодило, славио је Бога, говорећи: „Овај човек је заиста био праведник!“ 48 Када је сав окупљени народ видео шта се догодило, почео је да одлази одатле, ударајући се у прса. 49 Сви они који су га познавали, као и жене из Галилеје које су га следиле, стајали су издалека и гледали.
Исусова сахрана
50 А један човек по имену Јосиф, члан Великог већа, добар и праведан човек, 51 није се слагао са одлуком Великог већа и са оним што су учинили. Он је био из Ариматеје, Јудиног града, и очекивао је Царство Божије. 52 Он дође к Пилату и затражи Исусово тело. 53 Скинувши га с крста, повио га је у платно и положио у гробницу усечену у стену, у коју још нико није био сахрањен. 54 Било је то дан Припреме[a], баш уочи суботе.
55 Жене које су пратиле Исуса од Галилеје, отишле су са Јосифом и виделе где је гроб у који је било положено његово тело. 56 Затим су се вратиле и припремиле мирисно биље и уље да помажу његово тело. У суботу су мировале по заповести.
Footnotes
- 23,54 Дан пре суботе.
The Holy Bible, New Serbian Translation Copyright © 2005, 2017 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide. Свето писмо, Нови српски превод Copyright © 2005, 2017 Biblica, Inc.® Користи се уз допуштење. Сва права задржана.
