Add parallel Print Page Options

13 Biglang lumitaw kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila'y nagpupuri sa Diyos at umaawit,

14 “Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
    at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”

15 Nang makaalis na ang mga anghel pabalik sa langit, ang mga pastol ay nag-usap-usap, “Tayo na sa Bethlehem! Tingnan natin ang pangyayaring ito na ibinalita sa atin ng Panginoon.”

Read full chapter

13 At biglang nakisama sa anghel (A)ang isang karamihang hukbo ng langit, (B)na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:

14 Luwalhati sa Dios sa kataastaasan,
(C)At sa lupa'y (D)kapayapaan sa mga taong (E)kinalulugdan niya.

15 At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa (F)Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay-alam sa atin ng Panginoon.

Read full chapter