Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa Pagkukunwari(A)

12 Samantala,(B) dumaragsa ang libu-libong tao, at sa sobrang dami ay nagkakatapakan na sila. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo. Ang tinutukoy ko ay ang kanilang pagkukunwari. Walang(C) natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.

Ang Dapat Katakutan(D)

“Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga taong pumapatay ng katawan at wala nang kayang gawin higit pa rito. Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!

“Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halaga lamang ng dalawang salaping tanso? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi kinakalimutan ng Diyos. Maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya't huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Pagkilala kay Cristo(E)

“Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin naman sa harap ng mga anghel ng Diyos.

10 “Ang(F) sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay patatawarin, ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.

11 “Kapag(G) kayo'y dinala nila sa sinagoga, o sa harap ng mga pinuno at ng mga may kapangyarihan upang litisin, huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili o kung ano ang inyong sasabihin 12 sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”

Maling Pag-iipon ng Kayamanan

13 Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid ko na paghatian namin ang aming mana.”

14 Sumagot siya, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?” 15 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”

16 Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinghaga. “Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin. 17 Kaya't nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani! 18 Alam ko na! Ipagigiba ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ibang ari-arian. 19 Pagkatapos,(H) ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpakasaya!’

20 “Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’ 21 Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”

Pananalig sa Diyos(I)

22 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong buhay, sa inyong kakainin, o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. 23 Sapagkat ang buhay ay higit pa kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. 24 Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang imbakan o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! 25 Sino sa inyo ang makakapagdagdag sa kanyang buhay[a] ng kahit isang oras dahil sa pagkabalisa? 26 Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nababalisa tungkol sa ibang mga bagay? 27 Tingnan(J) ninyo ang mga bulaklak sa parang kung paano sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 28 Kung dinadamitan ng Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya! 29 Kaya't huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at iinumin. Huwag na kayong mangamba. 30 Ang mga bagay na ito ang pinagkakaabalahan ng mga taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 31 Subalit, bigyang halaga ninyo nang higit sa lahat ang kaharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang mga bagay na ito.”

Ang Kayamanang Hindi Mawawala(K)

32 “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. 33 Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag-ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nauubos. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira. 34 Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”

Mga Aliping Laging Handa

35 “Maging(L) handa kayong lagi at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan. 36 Tumulad(M) kayo sa mga aliping naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon buhat sa kasalan, upang kung ito'y dumating at kumatok ay mabuksan nila agad ang pinto. 37 Pinagpala ang mga aliping aabutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Tandaan ninyo: magbibihis siya at pauupuin sila, ipaghahanda sila ng pagkain at pagsisilbihan. 38 Pinagpala sila kung maratnan silang handa pagdating ng Panginoon, maging sa hatinggabi o sa madaling-araw man. 39 Sinasabi(N) ko sa inyo, kung alam lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang makapasok ito. 40 Kayo man ay dapat na humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo inaasahan.”

Ang Tapat at Di Tapat na Alipin(O)

41 Nagtanong si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinghagang ito para sa amin o para sa lahat?”

42 Sumagot ang Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras? 43 Pinagpala ang aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang panginoon. 44 Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. 45 Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ bubugbugin niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya'y kakain, iinom at maglalasing, 46 darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan[b] ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail.

47 “Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat. 48 Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”

Pagkabaha-bahagi ng Sambahayan(P)

49 “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana'y nagliliyab na ito! 50 May(Q) isang bautismo na dapat kong danasin, at ako'y nababagabag hangga't hindi ito nagaganap. 51 Akala ba ninyo'y naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, hindi kapayapaan ang dala ko kundi pagkabaha-bahagi. 52 Mula ngayon, ang lima sa isang sambahayan ay mahahati, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.

53 Ang(R) ama laban sa anak na lalaki,
    at ang anak na lalaki laban sa ama;
ang ina laban sa anak na babae,
    at ang anak na babae laban sa ina;
ang biyenang babae laban sa manugang na babae,
    at ang manugang na babae laban sa biyenang babae.”

Pagkilala sa mga Palatandaan(S)

54 Sinabi rin ni Jesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong kumakapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyo agad na uulan, at ganoon nga ang nangyayari. 55 At kung umiihip ang hangin mula sa katimugan ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakaganoon nga. 56 Mga mapagkunwari! Marunong kayong umunawa ng palatandaan sa lupa at sa langit, bakit hindi ninyo nauunawaan ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?”

Makipagkasundo sa Kaaway(T)

57 “Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung ano ang tamang gawin? 58 Kapag ikaw ay isinakdal, sikapin mong makipagkasundo ka sa nagsakdal sa iyo bago dumating sa hukuman; baka kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. 59 Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”

Footnotes

  1. Lucas 12:25 sa kanyang buhay: o kaya'y sa kanyang tangkad .
  2. Lucas 12:46 paparusahan: Sa Griego ay kakatayin .

警戒門徒

12 這時,成千上萬的人聚集在一起,甚至互相踐踏。耶穌先對門徒說:「你們要提防法利賽人的酵,就是他們的偽善。 掩蓋的事終會暴露出來,隱藏的秘密終會被人知道。 你們在暗處說的,將在明處被人聽見;你們在密室裡的私語,將在屋頂上被人宣揚。

「朋友們,我告訴你們,不要懼怕那些殺害人的身體後再也無計可施的人。 我告訴你們應該懼怕誰,要懼怕上帝——祂有權終結人的生命,並把人丟在地獄裡。是的,我告訴你們,要懼怕祂!

「五隻麻雀不是只賣兩個銅錢嗎?但上帝連一隻麻雀也不會遺忘。 其實就連你們的頭髮都被數過了。不要害怕,你們比許多麻雀要貴重!

「我告訴你們,凡在人面前承認我的,人子在上帝的天使面前也必承認他。 凡在人面前否認我的,人子在上帝的天使面前也要否認他。 10 說話得罪人子的,還可以得到赦免,但褻瀆聖靈的,必得不到赦免! 11 當人押你們到會堂,或到官員和當權者面前時,不要顧慮如何辯解,或說什麼話, 12 因為到時候聖靈必指示你們當說的話。」

無知富翁的比喻

13 這時,人群中有人對耶穌說:「老師,請你勸勸我的兄長跟我分家產吧。」

14 耶穌答道:「朋友,誰派我作你們的審判官或仲裁,為你們分家產呢?」 15 接著,祂對眾人說:「你們要小心防範一切的貪心,因為人的生命並不在於家道富足。」

16 耶穌又講了一個比喻,說:「有一個富翁,他的田裡大豐收, 17 於是心裡盤算,『我儲藏農產的地方不夠了,怎麼辦呢?』 18 於是他說,『不如把原有的倉庫拆掉,建幾座更大的,好儲藏我所有的糧食和財物! 19 那時,我就可以對自己說,「你積存這麼多財產,一生享用不盡,現在大可高枕無憂、盡情地吃喝玩樂吧!」』 20 但上帝對他說,『無知的人啊!今晚就要取走你的命!你所預備的一切留給誰享用呢?』」

21 耶穌說:「這就是那些只顧為自己積財、在上帝面前卻不富足之人的寫照。」

不要為衣食憂慮

22 耶穌繼續對門徒說:「所以,我告訴你們,不要為生活憂慮,如吃什麼,也不要為身體憂慮,如穿什麼。 23 因為生命比飲食重要,身體比穿著重要。 24 你們看,烏鴉不種也不收,沒倉也沒庫,上帝尚且養活牠們,你們比飛鳥不知要貴重多少!

25 「你們誰能用憂慮使自己多活片刻呢? 26 既然你們連這樣的小事都無能為力,又何必為其餘的事憂慮呢? 27 看看百合花如何生長吧,它們既不勞苦,也不紡織,但我告訴你們,就連所羅門王最顯赫時的穿戴還不如一朵百合花!

28 「野地的草今天還在,明天就要被丟在爐中,上帝還這樣裝扮它們,何況你們呢?你們的信心太小了! 29 你們不要為吃什麼喝什麼憂慮, 30 因為這些都是外族人的追求,你們的天父知道你們需要這些。 31 你們要尋求祂的國,祂必供給你們的需要。

32 「你們這一小群人啊,不要怕!因為你們的天父樂意把祂的國賜給你們。 33 要變賣你們的家產去賙濟窮人,要為自己預備永不破損的錢袋,在天上積攢取之不盡的財寶,那裡沒有賊偷,也沒有蟲蛀。 34 因為你們的財寶在哪裡,你們的心也在哪裡。

警醒預備

35 「你們要束上腰帶,準備服侍,要點亮燈, 36 像奴僕們等候主人從婚宴回來。主人回來一叩門,奴僕就可以立即給他開門。 37 主人回來,看見奴僕警醒等候,奴僕就有福了!我實在告訴你們,主人必束上腰帶請他們坐席,並親自服侍他們。 38 無論主人在深夜或黎明回家,若發現奴僕警醒等候,奴僕就有福了。

39 「你們都知道,一家的主人若預先知道賊什麼時候來,一定不會讓賊入屋偷竊。 40 同樣,你們也要做好準備,因為在你們意想不到的時候,人子就來了。」

忠僕和惡僕

41 彼得問:「主啊!你這比喻是講給我們聽的,還是講給眾人聽的呢?」

42 主說:「誰是那個受主人委託管理家中大小僕役、按時分糧食給他們、又忠心又精明的管家呢? 43 主人回家時,看見他盡忠職守,他就有福了。 44 我實在告訴你們,主人一定會把所有產業都交給他管理。 45 但如果他以為主人不會那麼快回來,就毆打僕婢、吃喝醉酒, 46 主人會在他想不到的日子、不知道的時辰回來,嚴厲地懲罰[a]他,使他和不忠不信的人同受嚴刑。 47 明知主人的意思卻不準備,也不遵行主人吩咐的僕人,必受更重的責打。 48 但因不知道而做了該受懲罰之事的僕人,必少受責打。多給誰,就向誰多取;多託付誰,就向誰多要。

家庭分裂

49 「我來是要把火丟在地上,我多麼希望這火已經燃燒起來。 50 我有要受的『洗禮』,我何等迫切地想完成這『洗禮』啊! 51 你們以為我來是要使天下太平嗎?不,我告訴你們,我來是要使地上起紛爭。 52 從今以後,一家五口會彼此相爭,三個人反對兩個人,或是兩個人反對三個人, 53 父子相爭,母女對立,婆媳反目。」

明辨是非

54 然後,祂又對眾人說:「你們看見雲從西方升起,就說,『快下雨了!』果然如此。 55 南風一起,你們就說,『天必燥熱』,你們也說對了。 56 你們這些偽善的人!既然知道觀察天色、預測天氣,為什麼不知道觀察這個世代呢? 57 你們為什麼不自己明辨是非呢? 58 如果你和控告你的人要去對簿公堂,要盡量在路上跟對方和解,以免被拉到審判官面前,審判官派差役把你關進監牢。 59 我告訴你,除非你付清所欠的每一分錢,否則休想出監牢。」

Footnotes

  1. 12·46 嚴厲地懲罰」或作「腰斬」。