Lucas 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Sinugo ni Jesus ang Kanyang 72 Tagasunod
10 Pagkatapos nito, pumili pa ang Panginoon ng 72[a] tagasunod, at sinugo ang mga ito nang dala-dalawa sa mga bayan at sa iba pang mga lugar na pupuntahan niya. 2 Sinabi niya sa kanila, “Marami ang aanihin ngunit kakaunti ang tagapag-ani. Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala siya ng mga tagapag-ani. 3 Sige, lumakad na kayo. Ngunit mag-ingat kayo, dahil tulad kayo ng mga tupang isinugo ko sa mga lobo. 4 Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o sandalyas. At huwag kayong mag-aksaya ng panahon sa pakikipagbatian sa daan. 5 Pagpasok nʼyo sa alin mang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa tahanang ito.’ 6 Kung ang nakatira roon ay maibigin sa kapayapaan, mapapasakanila ang kapayapaang idinalangin ninyo. Ngunit kung hindi, hindi rin nila makakamtan iyon. 7 Manatili kayo sa bahay na tinutuluyan ninyo. Huwag kayong magpalipat-lipat ng bahay. Kainin at inumin ninyo ang anumang ihain nila sa inyo dahil ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sahod. 8 Kapag dumating kayo sa isang bayan at tinanggap kayo ng mga tao, kainin ninyo ang anumang ihain nila sa inyo. 9 Pagalingin ninyo ang mga may sakit doon, at sabihin ninyo sa kanila na malapit na[b] ang paghahari ng Dios sa kanila. 10 Ngunit kung ayaw kayong tanggapin sa isang bayan, umalis kayo, at habang naglalakad kayo sa lansangan nila ay sabihin ninyo, 11 ‘Kahit ang alikabok ng bayan ninyo na dumidikit sa mga paa namin ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit dapat ninyong malaman na malapit na ang paghahari ng Dios.’ ” 12 Sinabi pa ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Tinitiyak ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin nila kaysa sa mga taga-Sodom.”
Babala sa mga Bayang Hindi Nagsisisi(A)
13 Sinabi pa ni Jesus, “Nakakaawa kayong mga taga-Corazin! Nakakaawa rin kayong mga taga-Betsaida! Sapagkat kung sa Tyre at Sidon naganap ang mga himalang ginawa ko sa inyo, matagal na sana silang nagsuot ng sako at naglagay ng abo sa kanilang ulo[c] para ipakita ang pagsisisi nila. 14 Kaya sa Araw ng Paghuhukom, mas mabigat na parusa ang tatanggapin ninyo kaysa sa mga taga-Tyre at taga-Sidon. 15 At kayo namang mga taga-Capernaum, inaakala ninyong pupurihin kayo kahit sa langit. Pero ihuhulog kayo sa lugar ng mga patay!”
16 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa mga sinugo niya, “Ang nakikinig sa inyoʼy nakikinig sa akin, ang nagtatakwil sa inyoʼy nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”
Bumalik ang 72 Tagasunod ni Jesus
17 Masayang bumalik ang 72 tagasunod ni Jesus. Sinabi nila sa kanya, “Panginoon, kahit po ang masasamang espiritu ay sumusunod sa amin kapag inutusan namin sila sa pangalan nʼyo!” 18 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Nakita kong nahulog si Satanas mula sa langit na parang kidlat. 19 Binigyan ko kayo ng kapangyarihang daigin ang masasamang espiritu at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway nating si Satanas.[d] At walang anumang makapipinsala sa inyo. 20 Ganoon pa man, huwag kayong matuwa dahil napapasunod ninyo ang masasamang espiritu kundi matuwa kayo dahil nakasulat sa langit ang pangalan ninyo.”
Napuno si Jesus ng Kagalakang Mula sa Banal na Espiritu(B)
21 Nang oras ding iyon, napuno si Jesus ng kagalakang mula sa Banal na Espiritu. At sinabi niya, “Pinupuri kita Ama, Panginoon ng langit at ng lupa, dahil inilihim mo ang mga katotohanang ito sa mga taong ang akala sa sariliʼy mga marurunong at matatalino, at inihayag mo sa mga taong tulad ng bata na kaunti lang ang nalalaman. Oo, Ama, pinupuri kita dahil iyon ang kalooban mo.”
22 Pagkatapos, sinabi niya sa mga tao, “Ibinigay sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at walang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak at ang mga taong nais kong makakilala sa Ama.”
23 Humarap si Jesus sa mga tagasunod niya at sinabi sa kanila ng sarilinan, “Mapalad kayo dahil nakita mismo ninyo ang mga ginagawa ko. 24 Sinasabi ko sa inyo na maraming propeta at mga hari noon ang naghangad na makakita at makarinig ng nakikita at naririnig ninyo ngayon, pero hindi ito nangyari sa panahon nila.”
Ang Mabuting Samaritano
25 Lumapit kay Jesus ang isang tagapagturo ng Kautusan upang subukin siya. Nagtanong siya, “Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” 26 Sumagot si Jesus, “Ano ang nakasulat sa Kautusan? Ano ang nababasa mo roon?” 27 Sumagot ang lalaki, “Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong lakas, at nang buong pag-iisip.[e] At mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”[f] 28 “Tama ang sagot mo,” sabi ni Jesus. “Gawin mo iyan at magkakaroon ka ng buhay na walang hanggan.”
29 Pero ayaw mapahiya ng tagapagturo, kaya nagtanong ulit siya, “At sino naman po ang kapwa ko?” 30 Bilang sagot sa kanya, nagkwento si Jesus: “May isang taong papunta sa Jerico galing sa Jerusalem. Habang naglalakad siya, hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha nila ang mga dala niya, pati na ang suot niya. Binugbog nila siya at iniwang halos patay na sa tabi ng daan. 31 Nagkataong dumaan doon ang isang pari. Nang makita niya ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. 32 Napadaan din ang isang Levita[g] at nakita niya ang tao, pero lumihis din siya sa kabilang daan at nagpatuloy sa kanyang paglalakad. 33 Pero may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang taong nakahandusay at naawa siya. 34 Nilapitan niya ang lalaki, hinugasan ng alak ang sugat, binuhusan ng langis at saka binendahan. Pagkatapos, isinakay niya ang tao sa sinasakyan niyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan at inalagaan doon. 35 Kinabukasan, binigyan ng Samaritano ng pera[h] ang may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at kung kulang pa iyan sa magagastos mo ay babayaran kita pagbalik ko.’ ”
36 Nagtanong ngayon si Jesus sa tagapagturo ng Kautusan, “Sa palagay mo, sino sa tatlong ito ang nagpakita na siya ang tunay na kapwa-tao ng biktima ng mga tulisan?” 37 Sumagot siya, “Ang tao pong nagpakita ng awa sa kanya.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Lumakad ka at ganoon din ang gawin mo.”
Dumalaw si Jesus kina Marta at Maria
38 Nagpatuloy si Jesus at ang mga tagasunod niya sa paglalakbay at dumating sila sa isang nayon. May isang babae roon na ang pangalan ay Marta. Malugod niyang tinanggap sina Jesus sa kanyang tahanan. 39 Si Marta ay may kapatid na ang pangalan ay Maria. Naupo si Maria sa paanan ng Panginoon at nakinig sa itinuturo niya. 40 Pero si Marta ay abalang-abala sa paghahanda niya, kaya lumapit siya kay Jesus at sinabi, “Panginoon, balewala po ba sa inyo na nakaupo lang diyan ang kapatid ko at hinahayaang ako ang gumawa ng lahat? Sabihin nʼyo naman po sa kanya na tulungan niya ako.” 41 Pero sinagot siya ng Panginoon, “Marta, Marta, hindi ka mapalagay at abalang-abala ka sa maraming bagay. 42 Ngunit isang bagay lang ang kailangan, at ito ang pinili ni Maria. Mas mabuti ito at walang makakakuha nito sa kanya.”
Footnotes
- 10:1 72: Sa ibang tekstong Griego, 70.
- 10:9 malapit na: o, dumating na.
- 10:13 naglagay ng abo sa kanilang ulo: o, naupo sa abo.
- 10:19 sa literal, Binigyan ko kayo ng kapangyarihang tumapak sa mga ahas at mga alakdan, at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway.
- 10:27 Deu. 6:5.
- 10:27 Lev. 19:18.
- 10:32 Levita: Katuwang ng mga pari sa templo.
- 10:35 pera: sa Griego, dalawang denarius. Ang isang denarius ay katumbas ng isang araw na sahod.
Lucas 10
Ang Biblia (1978)
10 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng (A)pitongpu (B)pa, at sila'y (C)sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan.
2 At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami (D)ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.
3 Magsiyaon kayo sa iyong lakad; (E)narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.
4 (F)Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi, ng supot man ng pagkain, ng mga pangyapak man; (G)at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan.
5 At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, (H)Kapayapaan nawa sa bahay na ito.
6 At kung (I)mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa'y mananatili sa kaniya: datapuwa't kung wala, ay babalik ito sa inyong muli.
7 At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahay-bahay.
8 At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:
9 At pagalingin ninyo ang mga may-sakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, (J)Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios.
10 Datapuwa't sa alin mang bayan na inyong pasukin, at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin,
11 Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa, ay ipinapagpag namin laban (K)sa inyo: gayon ma'y inyong talastasin ito, na lumapit na ang kaharian ng Dios.
12 Sinasabi ko sa inyo, Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan (L)ang Sodoma kay sa bayang yaon.
13 Sa aba mo, (M)Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na dising nangagsisi, na nangauupong may kayong magaspang at abo.
14 Datapuwa't sa paghuhukom, higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon, kay sa inyo.
15 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades.
16 Ang nakikinig sa inyo, ay (N)sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.
17 At nagsipagbalik (O)ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan.
18 At sinabi niya sa kanila, (P)Nakita ko si Satanas, na (Q)nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.
19 Narito, binigyan ko (R)kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.
20 Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi (S)inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.
21 Nang (T)oras ding yaon siya'y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka't gayon ang nakalulugod sa iyong paningin.
22 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.
23 At paglingon sa mga alagad, ay sinabi niya ng bukod, (U)Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita:
24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita, at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig, at hindi nila nangarinig.
25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, (V)Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?
26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?
27 At pagsagot niya'y sinabi, (W)Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; (X)at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.
29 Datapuwa't siya, na ibig (Y)magaring-ganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao?
30 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na.
31 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay (Z)dumaan sa kabilang tabi.
32 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.
33 Datapuwa't ang (AA)isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag,
34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.
35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng (AB)dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.
36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?
37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.
38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang (AC)Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.
39 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na (AD)Maria, na (AE)naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.
40 Ngunit si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako'y tulungan niya.
41 Datapuwa't sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay:
42 Datapuwa't isang bagay ang kinakailangan: sapagka't pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.
Lucas 10
Ang Dating Biblia (1905)
10 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa, at sila'y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan.
2 At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.
3 Magsiyaon kayo sa iyong lakad; narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.
4 Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi, ng supot man ng pagkain, ng mga pangyapak man; at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan.
5 At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, Kapayapaan nawa sa bahay na ito.
6 At kung mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa'y mananatili sa kaniya: datapuwa't kung wala, ay babalik ito sa inyong muli.
7 At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahaybahay.
8 At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:
9 At pagalingin ninyo ang mga maysakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios.
10 Datapuwa't sa alin mang bayan na inyong pasukin, at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin,
11 Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa, ay ipinapagpag namin laban sa inyo: gayon ma'y inyong talastasin ito, na lumapit na ang kaharian ng Dios.
12 Sinasabi ko sa inyo, Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan ang Sodoma kay sa bayang yaon.
13 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na dising nangagsisi, na nangauupong may kayong magaspang at abo.
14 Datapuwa't sa paghuhukom, higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon, kay sa inyo.
15 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades.
16 Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.
17 At nagsipagbalik ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan.
18 At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.
19 Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.
20 Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.
21 Nang oras ding yaon siya'y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka't gayon ang nakalulugod sa iyong paningin.
22 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.
23 At paglingon sa mga alagad, ay sinabi niya ng bukod, Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita:
24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita, at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig, at hindi nila nangarinig.
25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?
26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?
27 At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.
29 Datapuwa't siya, na ibig magaringganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao?
30 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na.
31 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi.
32 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.
33 Datapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag,
34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.
35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.
36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?
37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.
38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.
39 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na Maria, na naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.
40 Nguni't si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako'y tulungan niya.
41 Datapuwa't sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay:
42 Datapuwa't isang bagay ang kinakailangan: sapagka't pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.
Lukka 10
Endagaano Enkadde nʼEndagaano Empya
Yesu Atuma Abayigirizwa Ensanvu
10 (A)Awo oluvannyuma lw’ebyo Yesu n’alonda abayigirizwa abalala nsanvu mu babiri[a], n’abatuma babiri babiri bamukulembere bagende mu buli kibuga ekinene, na buli kifo mwe yali anaatera okutuuka. 2 (B)N’abagamba nti, “Eby’okukungula bingi, naye abakozi abakungula batono. Noolwekyo musabe nannyini nnimiro, aweereze abakozi mu nnimiro ye. 3 (C)Kale, mugende. Kyokka mbatuma ng’abaana b’endiga mu misege. 4 Temugenda na nsimbi era temutwala nsawo ya kusabiriza wadde omugogo gw’engatto, ate temubaako gwe mulamusa mu kkubo.
5 “Buli nnyumba gye muyingirangamu musookanga kugamba nti, ‘Emirembe gibeere mu nnyumba eno.’ 6 Ennyumba eyo bw’eneebangamu omuntu ow’emirembe, emirembe gyammwe ginaabeeranga ku ye, bwe kitaabenga bwe kityo, emirembe gyammwe ginaabaddiranga. 7 (D)Mu nnyumba omwo, mwe musookedde, munaalyanga era ne munywa nabo, kubanga omukozi asaanira empeera ye. Temuvanga mu nnyumba emu ne mudda mu ndala.
8 (E)“Buli kibuga kye mutuukangamu ne babaaniriza, mulyenga ebyo bye babawadde okulya. 9 (F)Muwonyenga abalwadde abalimu, era mugambenga abantu abo nti, ‘Obwakabaka bwa Katonda bubasemberedde.’ 10 Naye bwe muyingiranga mu kibuga kyonna ne batabaaniriza, mulaganga mu nguudo zaakyo ne mugamba nti, 11 (G)‘N’enfuufu ekwatidde ku bigere byaffe tugibakunkumulira. Naye mumanye kino nti obwakabaka bwa Katonda busembedde.’ 12 (H)Mbategeeza nti ku lunaku luli, Sodomu kigenda kugumiikirizika okusinga ekibuga ekyo.
13 (I)“Zikusanze, ggwe Kolaziini! Naawe zikusanze, Besusayida! Kubanga ebyamagero ekyakolerwa mu mmwe, singa byakolerwa mu Ttuulo ne mu Sidoni, abantu baamu bandibadde beenenya dda, nga bambadde n’ebibukutu nga batudde mu vvu okulaga nti beenenyezza. 14 Naye Ttuulo ne Sidoni birisaasirwa okusinga mmwe ku lunaku olw’okusalirako omusango. 15 (J)Ate ggwe Kaperunawumu, oligulumizibwa okutuuka mu ggulu? Nedda, ogenda kuserengesebwa wansi emagombe.
16 (K)“Buli abawuliriza mmwe aba awulirizza Nze, na buli abanyooma aba anyoomye Nze, n’oyo anyooma Nze aba anyoomye eyantuma.”
17 (L)Awo abayigirizwa ensavu mu ababiri bwe baakomawo, nga basanyuka ne bategeeza Yesu nti, “Mukama waffe, ne baddayimooni baatugondera mu linnya lyo.”
18 (M)Yesu n’abagamba nti, “Nalaba Setaani ng’agwa okuva mu ggulu ng’okumyansa kw’eraddu! 19 (N)Laba mbawadde obuyinza okulinnya ku misota ne ku njaba ez’obusagwa n’okuwangula amaanyi gonna ag’omulabe. Era tewali kigenda kubakola kabi. 20 (O)Naye temusanyuka nnyo kubanga baddayimooni babagondera, wabula mujaguze nti amannya gammwe gawandiikiddwa mu ggulu.”
21 (P)Mu kiseera ekyo Yesu n’ajjula essanyu ku bwa Mwoyo Mutukuvu n’agamba nti, “Nkutendereza Kitange, Mukama w’eggulu n’ensi, kubanga wakweka ebintu bino abagezi n’abayivu, naye n’obibikkulira abaana abato. Weewaawo Kitange, bw’otyo bwe wasiima.
22 (Q)“Kitange yankwasa ebintu byonna. Tewali amanyi Mwana wabula Kitange, era tewali amanyi Kitange wabula Omwana awamu n’abo Omwana b’asiima okubamubikkulira.”
23 Awo n’akyukira abayigirizwa be n’abagamba mu kyama nti, “Mulina omukisa mmwe okulaba bino bye mulaba. 24 (R)Kubanga mbagamba nti, bannabbi bangi ne bakabaka bangi abaayagala okulaba bye mulaba n’okuwulira bye muwulira naye tekyasoboka.”
Omusamaliya Omulungi
25 (S)Kale laba omunnyonnyozi w’amateeka n’asituka, ng’ayagala okugezesa Yesu, n’amubuuza nti, “Omuyigiriza, nsaana nkole ki okusikira obulamu obutaggwaawo?”
26 Yesu n’amuddamu nti, “Kyawandiikibwa kitya mu mateeka? Gagamba gatya?”
27 (T)Omunnyonnyozi w’amateeka n’addamu nti, “ ‘Yagalanga Mukama Katonda wo n’omutima gwo gwonna, n’emmeeme yo yonna, n’amaanyi go gonna, n’amagezi go gonna.’ Era ‘yagalanga muliraanwa wo nga naawe bwe weeyagala.’ ”
28 (U)Yesu n’amugamba nti, “Ozzeemu bulungi. Kale kolanga bw’otyo oliba mulamu.”
29 (V)Naye omunnyonnyozi w’amateeka okwagala okulaga nga bw’ali omutuufu n’agamba Yesu nti, “Muliraanwa wange ye ani?”
30 Yesu n’amuddamu nti, “Waaliwo omuntu eyali ava e Yerusaalemi ng’aserengeta e Yeriko, n’agwa mu banyazi, ne bamukwata ne bamwambulamu engoye ze ne bazimutwalako, ne bamukuba nnyo, ne bamuleka awo ku kkubo ng’abulako katono okufa. 31 (W)Awo kabona eyali tategedde n’ajjira mu kkubo eryo, naye bwe yatuuka ku musajja ng’agudde awo ku kkubo n’amwebalama bwebalami n’amuyitako. 32 Omuleevi naye yamutuukako n’amulaba, n’adda ku ludda olulala olw’oluguudo, n’amuyitako buyisi 33 (X)Naye Omusamaliya bwe yali ng’ali ku lugendo lwe mu kkubo eryo, n’atuuka omusajja we yali; bwe yamulaba n’amukwatirwa ekisa, 34 n’ajja w’ali, n’amunyiga ebiwundu ng’ayiwako amafuta, ne wayini ebiwundu n’abisibako ebiwero. Awo n’ateeka omusajja ku nsolo ye n’amutwala mu nnyumba esulwamu abatambuze, n’amujjanjaba. 35 Enkeera Omusamaliya n’addira ddinaali bbiri n’aziwa nannyini nnyumba. N’amugamba nti, ‘Nkusaba omujjanjabe, era ensimbi ezizo zonna z’olikozesa nga zino ze nkulekedde ziweddewo, ndizikuddizaawo nga nkomyewo.’ ”
36 “Kale olowooza, ku bantu abo abasatu aluwa eyali muliraanwa w’omusajja oli eyagwa mu banyazi?”
37 Omunnyonnyozi w’amateeka n’addamu nti, “Oyo eyamukolera ebyekisa.”
Yesu n’amugamba nti, “Naawe genda okole bw’otyo.”
Yesu Akyalira Maliza ne Maliyamu
38 (Y)Awo Yesu n’abayigirizwa be nga bali ku lugendo lwabwe, ne batuuka mu kabuga akamu, omukazi erinnya lye Maliza n’asembeza Yesu mu maka ge. 39 (Z)Yalina muganda we erinnya lye Maliyamu. N’atuula awo wansi ku bigere bya Yesu, ng’awuliriza ebigambo Yesu bye yali ayogera. 40 (AA)Naye Maliza yali yeetawula mu mirimu ng’ategekera abagenyi, n’ajja awali Yesu n’amugamba nti, “Mukama wange, tofaayo ng’olaba muganda wange andekedde emirimu nzekka?”
41 (AB)Naye Mukama waffe n’amuddamu nti, “Maliza, Maliza, ebintu ebikutawaanya bingi, 42 (AC)naye waliwo ekintu kimu kyokka ekyetaagibwa, Maliyamu alonze omugabo omulungi ogutagenda kumuggyibwako.”
Footnotes
- 10:1 ne mu lunny 17
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Bayibuli Entukuvu, Endagaano Enkadde nʼEndagaano Empya Copyright © 1984, 1986, 1993, 2014 by Biblica, Inc.® Tuweereddwa olukusa okuva mu Biblica, Inc.® Olukusa lwonna mu nsi yonna lusigalidde mu Biblica, Inc. Luganda Contemporary Bible Copyright © 1984, 1986, 1993, 2014 by Biblica, Inc.® Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.
