Font Size
Levitico 6:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 6:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Handog na Sinusunog nang Buo
8 Sinabi pa ni Yahweh kay Moises, 9 “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak, ‘Ito ang tuntunin tungkol sa handog na sinusunog. Kailangang ilagay sa altar ang handog na sinusunog at doo'y hayaang magdamag na may apoy na nagniningas. 10 Magsusuot ng damit na lino at salawal na lino ang pari, at aalisin niya ang abo ng sinunog na handog at ilalagay sa tabi ng altar.
Read full chapter