Add parallel Print Page Options

Mga Parusa sa Pagsuway(A)

14 “Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin at hindi tutuparin ang mga utos ko, 15 kung tatanggihan ninyo ang aking mga tuntunin at kautusan, kaya't ayaw ninyong sundin ang mga ito at sisirain ninyo ang ginawa kong kasunduan sa inyo, 16 padadalhan ko kayo ng mga sakuna. Makakaranas kayo ng matitinding sakit na magpapalabo ng inyong mata, at magpapahina ng inyong katawan. Hindi ninyo makakain ang pinagpagalan ninyo sapagkat ito'y kakainin ng inyong mga kaaway. 17 Hindi ko kayo gagabayan at pababayaan ko kayong malupig. Hahayaan ko kayong sakupin ng mga taong napopoot sa inyo, at kakaripas kayo ng takbo kahit walang humahabol sa inyo.

18 “Kung sa kabila nito'y hindi pa rin kayo makikinig, makapitong ibayo ang parusang igagawad ko sa inyo dahil sa inyong mga kasalanan. 19 Paparusahan ko kayo dahil sa katigasan ng inyong ulo; hindi ko pauulanin ang langit at matitigang ang lupa. 20 Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagpapagal sapagkat hindi maaanihan ang inyong lupain, at hindi mamumunga ang inyong mga bungangkahoy.

21 “Kung patuloy kayong susuway at hindi makikinig sa akin, makapitong ibayo ang parusang igagawad ko sa inyo dahil sa inyong kasalanan. 22 Pababayaan kong lapain ng mababangis na hayop ang inyong mga anak at mga alagang hayop. Kaunti lamang ang matitira sa inyo, at halos mawawalan na ng tao ang inyong mga lansangan.

23 “Kung sa kabila nito'y magmamatigas pa rin kayo at patuloy na susuway sa akin, 24 pitong ibayo pa ang parusang igagawad ko sa inyo dahil sa inyong kasalanan. 25 Ipasasalakay ko kayo sa mga kaaway ninyo kaya't marami ang mapapatay sa inyo dahil sa inyong pagsira sa kasunduang ginawa ko sa inyo. Makapagtago man kayo sa mga kuta, padadalhan ko kayo roon ng salot, kaya babagsak din kayo sa kamay ng inyong kaaway. 26 Kukulangin kayo sa pagkain kaya't iisang kalan ang paglulutuan ng sampung babae. Tatakalin ang inyong pagkain kaya't hindi kayo mabubusog.

27 “At kung sa kabila nito'y di pa rin kayo magbabago at patuloy pa ring sumuway sa akin, 28 magsisiklab na ang aking galit sa inyo, at ako na mismo ang magpaparusa sa inyo ng makapitong ibayo dahil sa inyong mga kasalanan. 29 Sa tindi ng gutom ay kakainin ninyo pati ang inyong mga anak. 30 Wawasakin ko ang inyong mga altar sa burol at ang altar na sunugan ng insenso. Itatakwil ko kayo at itatambak ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng inyong mga diyus-diyosan. 31 Wawasakin ko ang inyong mga lunsod, at iiwanan kong tiwangwang ang mga santuwaryo at hindi ko tatanggapin ang mga handog ninyo. 32 Sasalantain ko ang inyong mga lupain at magtataka ang mga kaaway ninyong sasakop niyon. 33 Uusigin ko kayo ng tabak at magkakawatak-watak kayo sa iba't ibang lupain. Maiiwang nakatiwangwang ang inyong lupain at iguguho ang inyong mga lunsod. 34 Sa gayon, mamamahinga nang mahabang panahon ang inyong lupain samantalang kayo'y bihag sa ibang bansa. 35 Makakapagpahinga ang inyong lupain, hindi tulad nang kayo'y naroon.

36 “Ang mga maiiwan doon ay paghaharian ng matinding takot kaya't may malaglag lamang na dahon ng kahoy ay magkakandarapa na sila sa pagtakbo na parang hinahabol ng tagâ kahit wala naman. 37 Magkakadaganan sila sa pagtakbo na parang hinahabol ng tagâ, gayong wala namang humahabol. Hindi ninyo maipagtatanggol ang inyong sarili sa mga kaaway. 38 Mamamatay kayo sa lupain ng inyong mga kaaway. 39 Ang malalabi naman ay mamamatay sa hirap dahil sa kasalanan ninyo at ng inyong mga ninuno.

40 “Subalit kung pagsisihan nila ang kanilang mga kasalanan at ang mga kasalanan ng kanilang ninuno, at tanggapin na naghimagsik sila laban sa akin, 41 at iyon ang dahilan kung bakit sila'y aking pinabayaan; kung sila'y magpakumbaba at pagsisihan ang kanilang mga kasalanan, 42 aalalahanin(B) ko ang aking kasunduan kay Jacob, kay Isaac, at kay Abraham. At aalalahanin kong muli ang aking pangako patungkol sa lupang pangako. 43 Subalit paaalisin ko muna sila roon. Sa gayon, makakapagpahinga nang lubusan ang lupain at madarama naman nila ang bagsik ng parusang ipapataw ko dahil sa pagsuway nila sa aking mga tuntunin at kautusan. 44 Gayunman, hindi ko sila lubos na pababayaan sa lupain ng kanilang mga kaaway, baka kung puksain ko'y mawalan ng kabuluhan ang kasunduang ginawa ko sa kanila. Ako si Yahweh na kanilang Diyos. 45 Aalalahanin ko sila alang-alang sa aking kasunduan sa kanilang mga ninunong inilabas ko mula sa Egipto. Nasaksihan ng mga bansa ang ginawa kong ito upang ako'y maging Diyos nila. Ako si Yahweh.”

46 Ito ang mga tuntunin at mga utos ni Yahweh na ibinigay sa mga Israelita sa Bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.

Read full chapter

Punishment for Disobedience

14 “‘But if you will not listen to me and carry out all these commands,(A) 15 and if you reject my decrees and abhor my laws(B) and fail to carry out all my commands and so violate my covenant,(C) 16 then I will do this to you: I will bring on you sudden terror, wasting diseases and fever(D) that will destroy your sight and sap your strength.(E) You will plant seed in vain, because your enemies will eat it.(F) 17 I will set my face(G) against you so that you will be defeated(H) by your enemies;(I) those who hate you will rule over you,(J) and you will flee even when no one is pursuing you.(K)

18 “‘If after all this you will not listen to me,(L) I will punish(M) you for your sins seven times over.(N) 19 I will break down your stubborn pride(O) and make the sky above you like iron and the ground beneath you like bronze.(P) 20 Your strength will be spent in vain,(Q) because your soil will not yield its crops, nor will the trees of your land yield their fruit.(R)

21 “‘If you remain hostile(S) toward me and refuse to listen to me, I will multiply your afflictions seven times over,(T) as your sins deserve. 22 I will send wild animals(U) against you, and they will rob you of your children, destroy your cattle and make you so few(V) in number that your roads will be deserted.(W)

23 “‘If in spite of these things you do not accept my correction(X) but continue to be hostile toward me, 24 I myself will be hostile(Y) toward you and will afflict you for your sins seven times over. 25 And I will bring the sword(Z) on you to avenge(AA) the breaking of the covenant. When you withdraw into your cities, I will send a plague(AB) among you, and you will be given into enemy hands. 26 When I cut off your supply of bread,(AC) ten women will be able to bake your bread in one oven, and they will dole out the bread by weight. You will eat, but you will not be satisfied.

27 “‘If in spite of this you still do not listen to me(AD) but continue to be hostile toward me, 28 then in my anger(AE) I will be hostile(AF) toward you, and I myself will punish you for your sins seven times over.(AG) 29 You will eat(AH) the flesh of your sons and the flesh of your daughters.(AI) 30 I will destroy your high places,(AJ) cut down your incense altars(AK) and pile your dead bodies[a] on the lifeless forms of your idols,(AL) and I will abhor(AM) you. 31 I will turn your cities into ruins(AN) and lay waste(AO) your sanctuaries,(AP) and I will take no delight in the pleasing aroma of your offerings.(AQ) 32 I myself will lay waste the land,(AR) so that your enemies who live there will be appalled.(AS) 33 I will scatter(AT) you among the nations(AU) and will draw out my sword(AV) and pursue you. Your land will be laid waste,(AW) and your cities will lie in ruins.(AX) 34 Then the land will enjoy its sabbath years all the time that it lies desolate(AY) and you are in the country of your enemies;(AZ) then the land will rest and enjoy its sabbaths. 35 All the time that it lies desolate, the land will have the rest(BA) it did not have during the sabbaths you lived in it.

36 “‘As for those of you who are left, I will make their hearts so fearful in the lands of their enemies that the sound of a windblown leaf(BB) will put them to flight.(BC) They will run as though fleeing from the sword, and they will fall, even though no one is pursuing them.(BD) 37 They will stumble over one another(BE) as though fleeing from the sword, even though no one is pursuing them. So you will not be able to stand before your enemies.(BF) 38 You will perish(BG) among the nations; the land of your enemies will devour you.(BH) 39 Those of you who are left will waste away in the lands of their enemies because of their sins; also because of their ancestors’(BI) sins they will waste away.(BJ)

40 “‘But if they will confess(BK) their sins(BL) and the sins of their ancestors(BM)—their unfaithfulness and their hostility toward me, 41 which made me hostile(BN) toward them so that I sent them into the land of their enemies—then when their uncircumcised hearts(BO) are humbled(BP) and they pay(BQ) for their sin, 42 I will remember my covenant with Jacob(BR) and my covenant with Isaac(BS) and my covenant with Abraham,(BT) and I will remember the land. 43 For the land will be deserted(BU) by them and will enjoy its sabbaths while it lies desolate without them. They will pay for their sins because they rejected(BV) my laws and abhorred my decrees.(BW) 44 Yet in spite of this, when they are in the land of their enemies,(BX) I will not reject them or abhor(BY) them so as to destroy them completely,(BZ) breaking my covenant(CA) with them. I am the Lord their God. 45 But for their sake I will remember(CB) the covenant with their ancestors whom I brought out of Egypt(CC) in the sight of the nations to be their God. I am the Lord.’”

46 These are the decrees, the laws and the regulations that the Lord established at Mount Sinai(CD) between himself and the Israelites through Moses.(CE)

Read full chapter

Footnotes

  1. Leviticus 26:30 Or your funeral offerings