Levitico 2
Magandang Balita Biblia
Handog na Pagkaing Butil
2 “Kung may maghahandog ng pagkaing butil kay Yahweh, ang ihahandog niya'y ang mabuting uri ng harina. Bubuhusan niya ito ng langis ng olibo at bubudburan ng insenso 2 bago dalhin sa mga pari. Ang paring namumuno sa paghahandog ay dadakot ng harina, kasama ang langis at lahat ng insenso para sunugin sa altar bilang tanda na ang lahat ng ito'y inihandog kay Yahweh. Ang usok nito'y magiging mabangong samyo kay Yahweh. 3 Ang matitira sa handog na pagkaing butil ay para kay Aaron at sa kanyang mga anak. Ito ay ganap na sagrado sapagkat ito'y bahagi ng pagkaing handog sa akin.
4 “Kung luto sa pugon ang handog na pagkaing butil, kailangang ito'y yari sa mabuting uri ng harina at walang pampaalsa. Maaari itong masahin sa langis at lutuin nang makapal o kaya'y lutuin nang maninipis at pahiran ng langis.
5 “Kung luto naman sa palapad na kawali ang handog na pagkaing butil, kailangang mabuti ring uri ng harina ang gamitin, walang pampaalsa at minasa rin sa langis. 6 Pagpipira-pirasuhin ito at bubuhusan ng langis; ito ay isang handog na pagkaing butil.
7 “Kung luto naman sa kawali ang handog na pagkaing butil, kailangang ito'y gawa din sa mabuting uri ng harina at langis ng olibo. 8 Ang mga pagkaing butil na handog kay Yahweh ay dadalhin sa pari; dadalhin naman niya ito sa altar. 9 Kukunin ng pari mula sa handog ang bahaging pang-alaala at susunugin sa ibabaw ng altar bilang handog upang ang usok nito'y maging mabangong samyo kay Yahweh. 10 Ang matitira ay para kay Aaron at sa kanyang mga anak; ito'y ganap na sagrado sapagkat kinuha sa pagkaing handog kay Yahweh.
11 “Huwag kayong maghahandog kay Yahweh ng anumang handog na pagkaing butil na may pampaalsa, sapagkat hindi kayo dapat magsunog ng pampaalsa o pulot kung ito'y ihahandog sa akin. 12 Kung unang bunga naman ng halaman ang inyong ihahandog, huwag ninyo itong susunugin sa altar. 13 Titimplahan ninyo ng asin ang lahat ng handog na pagkaing butil. Huwag ninyong kakalimutang lagyan ng asin ang inyong handog na pagkaing butil sapagkat ang asin ay tanda ng inyong kasunduan kay Yahweh. Kaya lalagyan ninyo ng asin ang lahat ng handog. 14 Kung ang handog na pagkaing butil ay trigong mula sa unang ani, kailangang gilingin ito o isangag. 15 Bubuhusan ninyo ng langis at bubudburan ng insenso. 16 Kukuha ang pari ng bahaging susunugin kasama ang langis at insenso bilang alaala. Ito ay isang handog na pagkaing butil na susunugin para kay Yahweh.”
Levitico 2
Ang Biblia (1978)
Ang batas ng handog na kakainin.
2 At (A)pagka ang sinoman ay maghahandog sa Panginoon ng alay na handog na harina, ay mainam na harina ang kaniyang iaalay; at kaniyang bubuhusan ng langis, at lalagyan ng kamangyan:
2 At dadalhin niya sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron; at siya'y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis, sangpu ng buong kamangyan niyaon. At (B)susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala, na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon:
3 (C)At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak: (D)kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
4 At pagka ikaw ay maghahandog ng alay na handog na harina na luto sa hurno, ay mga munting tinapay na walang lebadura ang iaalay mo na mainam na harina, na hinaluan ng langis, (E)o mga manipis na tinapay na walang lebadura, na hinaluan ng langis.
5 At kung ang iyong alay ay handog na harina, na luto sa kawali, ay mainam na harina ang iaalay mo na walang lebadura, na hinaluan ng langis.
6 Iyong pagpuputolputulin, at bubuhusan mo ng langis: isa ngang handog na harina.
7 At kung ang iyong alay ay handog na harina na luto sa kawaling bakal, ay yari sa mainam na harina na may langis ang iaalay mo.
8 At dadalhin mo sa Panginoon ang handog na harina na yari sa mga bagay na ito: at ihaharap sa saserdote at dadalhin niya sa dambana.
9 At kukuha ang saserdote ng handog na harina, (F)na pinakaalaala rin niyaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana: handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
10 (G)At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak; kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
11 Walang handog na harina na ihahandog kayo sa Panginoon, na (H)magkakalebadura: sapagka't huwag kayong magsusunog ng anomang lebadura ni ng anomang pulot na pinaka handog, sa Panginoon, na pinaraan sa apoy.
12 (I)Bilang pinakaalay na mga pangunang bunga ihahandog ninyo sa Panginoon: nguni't hindi sasampa sa dambana na parang masarap na amoy.
13 At titimplahan mo (J)ng asin ang lahat ng alay na iyong handog na harina, ni huwag mong titiising magkulang (K)sa iyong handog na harina (L)ng asin ng tipan ng iyong Dios: lahat ng alay mo'y ihahandog mong may asin.
14 At kung maghahandog ka sa Panginoon ng handog na harina na pangunang bunga, ay ihahandog mong pinaka handog na harina ng iyong pangunang bunga ay (M)sinangag sa apoy, mga murang butil na pinipi.
15 At (N)bubuhusan mo ng langis yaon, at lalagyan mo sa ibabaw ng kamangyan: yaon nga'y handog na harina.
16 At susunugin ng saserdote (O)na nakaalaala niyaon, ang bahagi ng butil na pinipi at ang bahagi ng langis, pati ng buong kamangyan niyaon: handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
Leviticus 2
New International Version
The Grain Offering
2 “‘When anyone brings a grain offering(A) to the Lord, their offering is to be of the finest flour.(B) They are to pour olive oil(C) on it,(D) put incense on it(E) 2 and take it to Aaron’s sons the priests. The priest shall take a handful of the flour(F) and oil, together with all the incense,(G) and burn this as a memorial[a] portion(H) on the altar, a food offering,(I) an aroma pleasing to the Lord.(J) 3 The rest of the grain offering belongs to Aaron and his sons;(K) it is a most holy(L) part of the food offerings presented to the Lord.
4 “‘If you bring a grain offering baked in an oven,(M) it is to consist of the finest flour: either thick loaves made without yeast and with olive oil mixed in or thin loaves(N) made without yeast and brushed with olive oil.(O) 5 If your grain offering is prepared on a griddle,(P) it is to be made of the finest flour mixed with oil, and without yeast. 6 Crumble it and pour oil on it; it is a grain offering. 7 If your grain offering is cooked in a pan,(Q) it is to be made of the finest flour and some olive oil. 8 Bring the grain offering made of these things to the Lord; present it to the priest, who shall take it to the altar. 9 He shall take out the memorial portion(R) from the grain offering and burn it on the altar as a food offering, an aroma pleasing to the Lord.(S) 10 The rest of the grain offering belongs to Aaron and his sons;(T) it is a most holy part of the food offerings presented to the Lord.(U)
11 “‘Every grain offering you bring to the Lord must be made without yeast,(V) for you are not to burn any yeast or honey in a food offering presented to the Lord. 12 You may bring them to the Lord as an offering of the firstfruits,(W) but they are not to be offered on the altar as a pleasing aroma. 13 Season all your grain offerings with salt.(X) Do not leave the salt of the covenant(Y) of your God out of your grain offerings; add salt to all your offerings.
14 “‘If you bring a grain offering of firstfruits(Z) to the Lord, offer crushed heads of new grain roasted in the fire. 15 Put oil and incense(AA) on it; it is a grain offering. 16 The priest shall burn the memorial portion(AB) of the crushed grain and the oil, together with all the incense,(AC) as a food offering presented to the Lord.(AD)
Footnotes
- Leviticus 2:2 Or representative; also in verses 9 and 16
Leviticus 2
King James Version
2 And when any will offer a meat offering unto the Lord, his offering shall be of fine flour; and he shall pour oil upon it, and put frankincense thereon:
2 And he shall bring it to Aaron's sons the priests: and he shall take thereout his handful of the flour thereof, and of the oil thereof, with all the frankincense thereof; and the priest shall burn the memorial of it upon the altar, to be an offering made by fire, of a sweet savour unto the Lord:
3 And the remnant of the meat offering shall be Aaron's and his sons': it is a thing most holy of the offerings of the Lord made by fire.
4 And if thou bring an oblation of a meat offering baken in the oven, it shall be unleavened cakes of fine flour mingled with oil, or unleavened wafers anointed with oil.
5 And if thy oblation be a meat offering baken in a pan, it shall be of fine flour unleavened, mingled with oil.
6 Thou shalt part it in pieces, and pour oil thereon: it is a meat offering.
7 And if thy oblation be a meat offering baken in the fryingpan, it shall be made of fine flour with oil.
8 And thou shalt bring the meat offering that is made of these things unto the Lord: and when it is presented unto the priest, he shall bring it unto the altar.
9 And the priest shall take from the meat offering a memorial thereof, and shall burn it upon the altar: it is an offering made by fire, of a sweet savour unto the Lord.
10 And that which is left of the meat offering shall be Aaron's and his sons': it is a thing most holy of the offerings of the Lord made by fire.
11 No meat offering, which ye shall bring unto the Lord, shall be made with leaven: for ye shall burn no leaven, nor any honey, in any offering of the Lord made by fire.
12 As for the oblation of the firstfruits, ye shall offer them unto the Lord: but they shall not be burnt on the altar for a sweet savour.
13 And every oblation of thy meat offering shalt thou season with salt; neither shalt thou suffer the salt of the covenant of thy God to be lacking from thy meat offering: with all thine offerings thou shalt offer salt.
14 And if thou offer a meat offering of thy firstfruits unto the Lord, thou shalt offer for the meat offering of thy firstfruits green ears of corn dried by the fire, even corn beaten out of full ears.
15 And thou shalt put oil upon it, and lay frankincense thereon: it is a meat offering.
16 And the priest shall burn the memorial of it, part of the beaten corn thereof, and part of the oil thereof, with all the frankincense thereof: it is an offering made by fire unto the Lord.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

