Font Size
Levitico 11:13-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 11:13-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
13 “Tungkol naman sa mga ibon, ang mga ito ang huwag ninyong kakainin sapagkat marurumi: ang agila, ang buwitre at ang agilang-dagat; 14 ang lawin at ang limbas at mga kauri nito; 15 lahat ng uri ng uwak; 16 ang ostrits, panggabing lawin, lawing dagat at mga kauri nito; 17 lahat ng uri ng kuwago, ibong maninisid ng isda, 18 ang kuwagong parang may sungay, at ang pelicano; 19 ang lahat ng uri ng tagak, ang tariktik, paniki at kabag.[a]
Read full chapterFootnotes
- 13-19 Mahirap matiyak kung ano talaga ang ilang mga ibong tinutukoy sa mga talatang ito.