Font Size
Levitico 15:4-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Levitico 15:4-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Ang alinmang higaan at upuang gamitin niya ay ituturing na marumi. 5 Sinumang makahipo sa higaan nito ay dapat maligo at magbihis. Lalabhan niya ang kanyang damit at ituturing siyang marumi hanggang gabi. 6 Gayon din ang dapat gawin ng umupo sa inupuan ng may tulo; lalabhan din ang damit, maliligo at magbibihis at ituturing na marumi hanggang gabi. 7 Ang humawak sa may sakit na tulo ay dapat maligo at magbihis; lalabhan niya ang kanyang damit, at ituturing siyang marumi hanggang gabi. 8 Sinumang maduraan ng may ganitong sakit ay dapat ding maligo at magbihis; lalabhan niya ang kanyang damit at siya'y ituturing na marumi hanggang gabi.
Read full chapter