Add parallel Print Page Options

Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot.

Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag.

Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw.

Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto.

Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.

Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon.

Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala.

Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing.

Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas.

Read full chapter

19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.

20 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.

21 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako.

22 Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos.

23 Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat.

24 Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya.

Read full chapter