Add parallel Print Page Options

Mula kay Judas na alipin ni Jesu-Cristo at kapatid ni Santiago.

Mahal kong mga pinili ng Dios Ama na maging kanya, na minamahal niya at iniingatan ni Jesu-Cristo:

Sumainyo nawa ang higit pang awa, kapayapaan, at pag-ibig mula sa Dios.

Mga Huwad at Sinungaling na Guro

Mga minamahal, gustong-gusto ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, pero naisip ko na mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang manindigan sa mga aral ng ating pananampalataya. Ang mga aral na ito ay ipinagkatiwala ng Dios sa mga pinabanal[a] niya, at hindi dapat baguhin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:3 pinabanal: sa Griego, hagios, na ang ibig sabihin ay itinuring ng Dios na sa kanya.