Add parallel Print Page Options

Si Jesus sa Samaria

Nabalitaan ng mga Pariseo na si Jesus ay mas maraming nahihikayat na maging alagad at nababautismuhan kaysa kay Juan. Nalaman ito ng Panginoon[a] (bagaman hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo, kundi ang kanyang mga alagad), kaya umalis siya sa Judea at bumalik sa Galilea. Kailangan dumaan siya sa Samaria.

Dumating(A) siya sa isang bayan na tinatawag na Sicar. Malapit ito sa bukid na ibinigay ni Jacob sa kanyang anak na si Jose. Dito matatagpuan ang balon ni Jacob. Dahil napagod si Jesus sa paglalakbay, umupo siya sa tabi ng balon. Halos katanghalian na noon.

May isang Samaritanang dumating upang umigib, at sinabi ni Jesus sa kanya, “Maaari bang makiinom?” Wala noon ang kanyang mga alagad dahil sila'y bumibili ng pagkain sa bayan.

Sinabi(B) sa kanya ng babae, “Ikaw ay Judio at Samaritana naman ako. Bakit ka humihingi sa akin ng inumin?” Sinabi niya iyon sapagkat hindi nakikihalubilo ang mga Judio sa mga Samaritano.[b]

10 Sumagot si Jesus, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Diyos, at kung sino itong humihingi sa iyo ng inumin, ikaw ang hihingi sa kanya at bibigyan ka niya ng tubig na nagbibigay-buhay.”

11 Nagsalita ang babae, “Ginoo, malalim ang balong ito at wala ka namang pansalok. Saan ka kukuha ng tubig na nagbibigay-buhay? 12 Ang balong ito ay pamana pa sa amin ng aming ninunong si Jacob. Dito siya uminom, gayundin ang kanyang mga anak at mga hayop. Higit ka pa ba sa kanya?”

13 Sumagot si Jesus, “Ang bawat uminom ng tubig na ito'y muling mauuhaw, 14 ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.”

15 Sinabi ng babae, “Ginoo, bigyan po ninyo ako ng tubig na iyan upang hindi na ako mauhaw, ni pumarito pa upang sumalok muli.”

16 “Umuwi ka at isama mo rito ang iyong asawa,” wika ni Jesus.

17 “Wala akong asawa,” sagot ng babae.

Sinabi ni Jesus, “Tama ang sinabi mong wala kang asawa 18 sapagkat lima na ang iyong naging asawa, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa. Totoo nga ang sinabi mo.”

19 Sinabi ng babae, “Ginoo, palagay ko ay isa kang propeta. 20 Dito sa bundok na ito sumamba sa Diyos ang aming mga ninuno, ngunit sinasabi ninyong mga Judio na sa Jerusalem lamang dapat sambahin ang Diyos.”

21 Sinabi naman ni Jesus, “Maniwala ka sa akin, darating ang panahon na sasambahin ninyo ang Ama hindi na sa bundok na ito o sa Jerusalem. 22 Hindi ninyo kilala ang inyong sinasamba, ngunit kilala namin ang aming sinasamba, sapagkat ang kaligtasan ay nagmumula sa mga Judio. 23 Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan. Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang ninanais ng Ama. 24 Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.”

25 Sinabi ng babae, “Nalalaman ko pong darating ang Mesiyas, ang tinatawag na Cristo. Pagdating niya, siya ang magpapahayag sa amin ng lahat ng bagay.”

26 “Akong kausap mo ngayon ang iyong tinutukoy,” sabi ni Jesus.

27 Dumating ang kanyang mga alagad nang sandaling iyon, at nagtaka sila nang makita nilang nakikipag-usap si Jesus sa isang Samaritana. Ngunit isa man sa kanila'y walang nagtanong sa babae, “Ano ang kailangan ninyo?” Wala ring nagtanong kay Jesus, “Bakit ninyo siya kinakausap?”

28 Iniwan ng babae ang kanyang banga, bumalik sa bayan at sinabi sa mga tagaroon, 29 “Halikayo! Tingnan ninyo ang taong nagsabi sa akin ng lahat ng ginawa ko. Siya na kaya ang Cristo?”

30 Kaya't lumabas ng bayan ang mga tao at nagpunta kay Jesus.

31 Samantala, makailang ulit na sinabi ng mga alagad kay Jesus, “Rabi, kumain na kayo.”

32 Ngunit sumagot siya, “Ako'y may pagkaing hindi ninyo nalalaman.”

33 Kaya't nagtanung-tanungan ang mga alagad, “May nagdala kaya sa kanya ng pagkain?”

34 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang pagkain ko'y ang tuparin ang kalooban ng nagsugo sa akin at tapusin ang ipinapagawa niya sa akin.

35 “Hindi ba sinasabi ninyo, ‘Apat na buwan pa at anihan na’? Sinasabi ko naman sa inyo, masdan ninyo ang mga bukid, hinog na ang trigo at handa nang anihin. 36 Ang umaani ay tumatanggap ng kabayaran at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan. Kaya't magkasamang magagalak ang nagtatanim at ang umaani. 37 Dito nagkakatotoo ang kasabihang, ‘Iba ang nagtatanim at iba naman ang umaani.’ 38 Isinugo ko kayo upang anihin ang hindi ninyo itinanim. Iba ang naghirap dito at kayo naman ang umani ng kanilang pinaghirapan.”

39 Maraming Samaritano sa bayang iyon ang naniwala kay Jesus dahil sa patotoo ng babae, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking ginawa.” 40 Kaya't pumunta sila kay Jesus at nakiusap na tumigil muna siya roon, at tumigil nga siya roon sa loob ng dalawang araw.

41 At marami pang sumampalataya nang mapakinggan siya. 42 Pagkatapos, sinabi nila sa babae, “Naniniwala kami ngayon, hindi na dahil sa sinabi mo kundi dahil sa narinig namin siya. Alam na naming siya nga ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.”

Pinagaling ni Jesus ang Anak ng Isang Pinuno ng Pamahalaan

43 Pagkaraan ng dalawang araw, bumalik si Jesus sa Galilea. 44 (Si(C) Jesus na rin ang nagpatotoo na ang isang propeta'y hindi iginagalang sa sarili nitong bayan.) 45 Pagdating(D) niya sa Galilea ay mabuti ang pagtanggap sa kanya ng mga tagaroon, sapagkat nasa Jerusalem din sila noong Pista ng Paskwa at nakita nila ang lahat ng kanyang ginawa roon.

46 Nagpunta(E) muli si Jesus sa Cana sa Galilea, kung saan ginawa niyang alak ang tubig. Sa bayan naman ng Capernaum ay may isang pinuno ng pamahalaan. Ang anak niyang lalaki ay may sakit 47 at naghihingalo na. Nang mabalitaan niyang bumalik si Jesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito at pinakiusapang pumunta sa Capernaum upang pagalingin ang kanyang anak. 48 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Hangga't hindi kayo nakakakita ng mga himala at mga kababalaghan, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.”

49 Ngunit sinabi ng pinuno, “Tayo na po, Panginoon, bago mamatay ang aking anak.”

50 Sumagot si Jesus, “Umuwi ka na, hindi mamamatay ang iyong anak.” Naniwala ang lalaki sa sinabi ni Jesus, at umuwi na nga siya. 51 Sa daan pa lamang ay sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing gumaling na ang kanyang anak.

52 Tinanong niya ang mga iyon, “Anong oras nang bumuti ang kalagayan niya?”

“Ala-una po kahapon nang siya'y mawalan ng lagnat,” tugon nila.

53 Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, “Hindi mamamatay ang iyong anak.” Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.

54 Ito ang pangalawang himalang ginawa ni Jesus sa Galilea pagkagaling mula sa Judea.

Footnotes

  1. Juan 4:1 ng Panginoon: Sa ibang manuskrito'y ni Jesus .
  2. Juan 4:9 hindi nakikihalubilo ang mga Judio sa mga Samaritano: o kaya'y hindi gumagamit ang mga Judio ng pinggan o tasa ng mga Samaritano .

Now when the Lord knew (learned, became aware) that the Pharisees had been told that Jesus was winning and baptizing more disciples than John—

Though Jesus Himself did not baptize, but His disciples—

He left Judea and returned to Galilee.

It was necessary for Him to go through Samaria.

And in doing so, He arrived at a Samaritan town called Sychar, near the tract of land that Jacob gave to his son Joseph.

And Jacob’s well was there. So Jesus, tired as He was from His journey, sat down [to rest] by the well. It was then about the sixth hour (about noon).

Presently, when a woman of Samaria came along to draw water, Jesus said to her, Give Me a drink—

For His disciples had gone off into the town to buy food—

The Samaritan woman said to Him, How is it that [a]You, being a Jew, ask me, a Samaritan [and a] woman, for a drink?—For the Jews have nothing to do with the Samaritans—

10 Jesus answered her, If you had only known and had recognized God’s gift and Who this is that is saying to you, Give Me a drink, you would have asked Him [instead] and He would have given you living water.

11 She said to Him, Sir, You have nothing to draw with [no drawing bucket] and the well is deep; how then can You provide living water? [Where do You get Your living water?]

12 Are You greater than and superior to our ancestor Jacob, who gave us this well and who used to drink from it himself, and his sons and his cattle also?

13 Jesus answered her, All who drink of this water will be thirsty again.

14 But whoever takes a drink of the water that I will give him shall never, no never, be thirsty any more. But the water that I will give him shall become a spring of water welling up (flowing, bubbling) [continually] within him unto (into, for) eternal life.

15 The woman said to Him, Sir, give me this water, so that I may never get thirsty nor have to come [continually all the way] here to draw.

16 At this, Jesus said to her, Go, call your husband and come back here.

17 The woman answered, I have no husband. Jesus said to her, You have spoken truly in saying, I have no husband.

18 For you have had five husbands, and the man you are now living with is not your husband. In this you have spoken truly.

19 The woman said to Him, Sir, I see and understand that You are a prophet.

20 Our forefathers worshiped on this mountain, but you [Jews] say that Jerusalem is the place where it is necessary and proper to worship.

21 Jesus said to her, Woman, believe Me, a time is coming when you will worship the Father neither [merely] in this mountain nor [merely] in Jerusalem.

22 You [Samaritans] do not know what you are worshiping [you worship what you do not comprehend]. We do know what we are worshiping [we worship what we have knowledge of and understand], for [after all] salvation comes from [among] the Jews.

23 A time will come, however, indeed it is already here, when the true (genuine) worshipers will worship the Father in spirit and in truth (reality); for the Father is seeking just such people as these as His worshipers.

24 God is a Spirit (a spiritual Being) and those who worship Him must worship Him in spirit and in truth (reality).

25 The woman said to Him, I know that Messiah is coming, He Who is called the Christ (the Anointed One); and when He arrives, He will tell us everything we need to know and make it clear to us.

26 Jesus said to her, I Who now speak with you am He.

27 Just then His disciples came and they wondered (were surprised, astonished) to find Him talking with a woman [a married woman]. However, not one of them asked Him, What are You inquiring about? or What do You want? or, Why do You speak with her?

28 Then the woman left her water jar and went away to the town. And she began telling the people,

29 Come, see a Man Who has told me everything that I ever did! Can this be [is not this] the Christ? [Must not this be the Messiah, the Anointed One?]

30 So the people left the town and set out to go to Him.

31 Meanwhile, the disciples urged Him saying, Rabbi, eat something.

32 But He assured them, I have food (nourishment) to eat of which you know nothing and have no idea.

33 So the disciples said one to another, Has someone brought Him something to eat?

34 Jesus said to them, My food (nourishment) is to do the will (pleasure) of Him Who sent Me and to accomplish and completely finish His work.

35 Do you not say, It is still four months until harvest time comes? Look! I tell you, raise your eyes and observe the fields and see how they are already white for harvesting.

36 Already the reaper is getting his wages [he who does the cutting now has his reward], for he is gathering fruit (crop) unto life eternal, so that he who does the planting and he who does the reaping may rejoice together.

37 For in this the saying holds true, One sows and another reaps.

38 I sent you to reap a crop for which you have not toiled. Other men have labored and you have stepped in to reap the results of their work.

39 Now numerous Samaritans from that town believed in and trusted in Him because of what the woman said when she declared and testified, He told me everything that I ever did.

40 So when the Samaritans arrived, they asked Him to remain with them, and He did stay there two days.

41 Then many more believed in and adhered to and relied on Him because of His personal message [what He Himself said].

42 And they told the woman, Now we no longer believe (trust, have faith) just because of what you said; for we have heard Him ourselves [personally], and we know that He truly is the Savior of the world, the Christ.

43 But after these two days Jesus went on from there into Galilee—

44 Although He Himself declared that a prophet has no honor in his own country.

45 However, when He came into Galilee, the Galileans also welcomed Him and took Him to their hearts eagerly, for they had seen everything that He did in Jerusalem during the Feast; for they too had attended the Feast.

46 So Jesus came again to Cana of Galilee, where He had turned the water into wine. And there was a certain royal official whose son was lying ill in Capernaum.

47 Having heard that Jesus had come back from Judea into Galilee, he went away to meet Him and began to beg Him to come down and cure his son, for he was lying at the point of death.

48 Then Jesus said to him, Unless you see signs and miracles happen, you [people] never will believe (trust, have faith) at all.

49 The king’s officer pleaded with Him, Sir, do come down at once before my little child is dead!

50 Jesus answered him, Go in peace; your son will live! And the man put his trust in what Jesus said and started home.

51 But even as he was on the road going down, his servants met him and reported, saying, Your son lives!

52 So he asked them at what time he had begun to get better. They said, Yesterday during the seventh hour (about one o’clock in the afternoon) the fever left him.

53 Then the father knew that it was at that very hour when Jesus had said to him, Your son will live. And he and his entire household believed (adhered to, trusted in, and relied on Jesus).

54 This is the second sign (wonderwork, miracle) that Jesus performed after He had come out of Judea into Galilee.

Footnotes

  1. John 4:9 Capitalized because of what He is, the spotless Son of God, not what the speaker may have thought He was.