Juan 14:5
Ang Biblia (1978)
5 (A)Sinabi sa kaniya ni Tomas, Panginoon, (B)hindi namin nalalaman kung saan ka paroroon; paano ngang malalaman namin ang daan?
Read full chapter
Juan 20:24
Ang Biblia (1978)
24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, (A)na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.
Read full chapter
Juan 20:26-29
Ang Biblia (1978)
26 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid (A)ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.
27 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.
29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: (B)mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.
Read full chapter
Juan 21:2
Ang Biblia (1978)
2 Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at (A)si Natanael na taga (B)Cana ng Galilea, at (C)ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978