Juan 1:32-33
Ang Biblia (1978)
32 At nagpatotoo si Juan, na nagsasabi, (A)Nakita ko ang Espiritu na bumababang tulad sa isang kalapati na buhat sa langit; at dumapo sa kaniya.
33 At siya'y hindi ko nakilala; datapuwa't ang nagsugo sa akin upang bumautismo sa tubig, ay siyang nagsabi sa akin, Ang makita mong babaan ng Espiritu, at manahan sa kaniya, ay (B)siya nga ang bumabautismo sa Espiritu Santo.
Read full chapter
Juan 3:5
Ang Biblia (1978)
5 Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak (A)ng tubig at ng (B)Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
Read full chapter
Juan 3:8
Ang Biblia (1978)
8 Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.
Read full chapter
Juan 3:34
Ang Biblia (1978)
34 Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978