Font Size
Juan 1:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Juan 1:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Hindi nagkaila si Juan; sa halip ay maliwanag niyang sinabi, “Hindi ako ang Cristo.”
21 “Sino(A) ka kung gayon?” tanong nila. “Ikaw ba si Elias?”
“Hindi ako si Elias,” tugon niya.
“Ikaw ba ang Propeta?”
Sumagot siya, “Hindi rin.”
22 “Sino ka kung gayon? Sabihin mo kung sino ka upang may masabi kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” tanong nilang muli.
Read full chapter