Add parallel Print Page Options

Nilinlang ng mga Gibeonita si Josue

Nang mabalitaan ito ng lahat ng haring nasa kabila ng Jordan sa lupaing maburol at sa mga kapatagan, at sa lahat ng baybayin ng Malaking Dagat sa tapat ng Lebanon: ang mga Heteo, mga Amoreo, mga Cananeo, mga Perezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo—

sila ay nagkaisang magtipon upang labanan si Josue at ang Israel.

Ngunit nang mabalitaan ng mga taga-Gibeon ang ginawa ni Josue sa Jerico at sa Ai,

sila ay kumilos na may katusuhan. Sila ay umalis at naghanda ng mga baon, at nagpasan ng mga lumang sako sa kanilang mga asno at mga sisidlang balat ng alak na luma, punit at tinahi-tahi,

at mga tagpi-tagping sandalyas sa kanilang mga paa, at ng mga lumang bihisan na suot nila; at ang lahat ng tinapay na kanilang baon ay tuyo at inaamag.

Sila'y pumunta kay Josue sa kampo sa Gilgal, at sinabi sa kanya at sa mga Israelita, “Kami ay mula sa malayong lupain, ngayon nga'y makipagtipan kayo sa amin.”

Ngunit sinabi(A) ng mga Israelita sa mga Heveo, “Marahil kayo'y naninirahang kasama namin; paano kami makikipagtipan sa inyo?”

At kanilang sinabi kay Josue, “Kami ay iyong mga lingkod.” Sinabi naman ni Josue sa kanila, “Sino kayo at saan kayo galing?”

Sinabi nila sa kanya, “Mula sa napakalayong lupain ay dumating ang iyong mga lingkod dahil sa pangalan ng Panginoon mong Diyos, sapagkat aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Ehipto,

10 at(B) lahat ng kanyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amoreo, na nasa kabila ng Jordan, kay Sihon na hari ng Hesbon, at kay Og na hari ng Basan, na nasa Astarot.

11 Ang aming matatanda at ang lahat ng mamamayan sa aming lupain ay nagsalita sa amin, ‘Magbaon kayo sa inyong kamay para sa paglalakbay, at humayo kayo upang salubungin sila, at inyong sabihin sa kanila, “Kami ay inyong mga lingkod, at ngayo'y makipagtipan kayo sa amin.”’

12 Itong aming tinapay ay kinuha naming mainit pa bilang baon namin mula sa aming mga bahay nang araw na kami ay lumabas na patungo sa inyo. Ngunit ngayon, ito ay tuyo at inaamag;

13 at itong mga sisidlang balat ng alak ay bago nang aming punuin ang mga ito, Ngunit ngayon ay mga punit na, at itong aming mga bihisan at aming mga sandalyas ay naluma dahil sa napakalayong paglalakbay.

14 Kinuha ng mga tao sa Israel ang kanilang baon, at hindi humingi ng payo sa Panginoon.

15 Si Josue ay nakipagpayapaan sa kanila at nakipagtipan sa kanila, at hinayaan silang mabuhay; at ang mga pinuno ng kapulungan ay sumumpa sa kanila.

16 Sa katapusan ng tatlong araw, pagkatapos na sila'y makapagtipan sa kanila, kanilang nabalitaan na sila'y kanilang kalapit bayan, at sila'y naninirahang kasama nila.

17 Kaya't ang anak ni Israel ay naglakbay at dumating sa kanilang mga bayan sa ikatlong araw. Ang kanila ngang mga bayan ay Gibeon, Cefira, Beerot, at Kiryat-jearim.

18 Hindi sila sinaktan ng mga anak ni Israel, sapagkat ang mga pinuno ng kapulungan ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel. At ang buong kapulungan ay nagbulung-bulungan laban sa mga pinuno.

19 Ngunit sinabi ng lahat ng mga pinuno sa buong kapulungan, “Kami ay sumumpa sa kanila sa pangalan ng Panginoon, ang Diyos ng Israel; kaya't hindi natin sila magagalaw.

20 Ito ang ating gagawin sa kanila: hahayaan natin silang mabuhay upang ang poot ay huwag mapasaatin dahil sa sumpa na ating isinumpa sa kanila.”

21 Sinabi ng mga pinuno sa kanila, “Hayaan silang mabuhay.” Kaya't sila'y naging tagaputol ng kahoy at tagasalok ng tubig para sa buong kapulungan gaya nang sinabi ng mga pinuno sa kanila.

22 Ipinatawag sila ni Josue at sinabi sa kanila, “Bakit ninyo kami dinaya sa pagsasabing, ‘Kami ay napakalayo sa inyo;’ samantalang sa katotohanan ay naninirahan kayong kasama namin?

23 Ngayon nga'y sumpain kayo, at ang ilan sa inyo ay laging magiging mga alipin, mga tagaputol ng kahoy at tagasalok ng tubig para sa bahay ng aking Diyos.”

24 At sila'y sumagot kay Josue, “Sapagkat tunay na naisalaysay sa iyong mga lingkod, kung paanong iniutos ng Panginoon ninyong Diyos kay Moises na kanyang lingkod na ibibigay sa inyo ang buong lupain, at inyong pupuksain ang lahat ng naninirahan sa lupain sa harapan ninyo; kaya't natakot kaming mainam para sa aming buhay dahil sa inyo, at aming ginawa ang bagay na ito.

25 Kami ay nasa iyong kamay; kung ano ang inaakala mong mabuti at matuwid na gawin sa amin ay gawin mo.”

26 Gayon ang ginawa niya sa kanila at kanyang iniligtas sila sa kamay ng mga anak ni Israel, at sila'y hindi nila pinatay.

27 Ngunit nang araw na iyon ay ginawa sila ni Josue na mga tagaputol ng kahoy at mga tagasalok ng tubig para sa kapulungan at sa dambana ng Panginoon sa dakong kanyang pipiliin hanggang sa araw na ito.

The Gibeonite Deception

Now when all the kings west of the Jordan heard about these things—the kings in the hill country,(A) in the western foothills, and along the entire coast of the Mediterranean Sea(B) as far as Lebanon(C) (the kings of the Hittites, Amorites, Canaanites, Perizzites,(D) Hivites(E) and Jebusites)(F) they came together to wage war against Joshua and Israel.

However, when the people of Gibeon(G) heard what Joshua had done to Jericho and Ai,(H) they resorted to a ruse: They went as a delegation whose donkeys were loaded[a] with worn-out sacks and old wineskins, cracked and mended. They put worn and patched sandals on their feet and wore old clothes. All the bread of their food supply was dry and moldy. Then they went to Joshua in the camp at Gilgal(I) and said to him and the Israelites, “We have come from a distant country;(J) make a treaty(K) with us.”

The Israelites said to the Hivites,(L) “But perhaps you live near us, so how can we make a treaty(M) with you?”

“We are your servants,(N)” they said to Joshua.

But Joshua asked, “Who are you and where do you come from?”

They answered: “Your servants have come from a very distant country(O) because of the fame of the Lord your God. For we have heard reports(P) of him: all that he did in Egypt,(Q) 10 and all that he did to the two kings of the Amorites east of the Jordan—Sihon king of Heshbon,(R) and Og king of Bashan,(S) who reigned in Ashtaroth.(T) 11 And our elders and all those living in our country said to us, ‘Take provisions for your journey; go and meet them and say to them, “We are your servants; make a treaty with us.”’ 12 This bread of ours was warm when we packed it at home on the day we left to come to you. But now see how dry and moldy it is. 13 And these wineskins that we filled were new, but see how cracked they are. And our clothes and sandals are worn out by the very long journey.”

14 The Israelites sampled their provisions but did not inquire(U) of the Lord. 15 Then Joshua made a treaty of peace(V) with them to let them live,(W) and the leaders of the assembly ratified it by oath.

16 Three days after they made the treaty with the Gibeonites, the Israelites heard that they were neighbors, living near(X) them. 17 So the Israelites set out and on the third day came to their cities: Gibeon, Kephirah, Beeroth(Y) and Kiriath Jearim.(Z) 18 But the Israelites did not attack them, because the leaders of the assembly had sworn an oath(AA) to them by the Lord, the God of Israel.

The whole assembly grumbled(AB) against the leaders, 19 but all the leaders answered, “We have given them our oath by the Lord, the God of Israel, and we cannot touch them now. 20 This is what we will do to them: We will let them live, so that God’s wrath will not fall on us for breaking the oath(AC) we swore to them.” 21 They continued, “Let them live,(AD) but let them be woodcutters and water carriers(AE) in the service of the whole assembly.” So the leaders’ promise to them was kept.

22 Then Joshua summoned the Gibeonites and said, “Why did you deceive us by saying, ‘We live a long way(AF) from you,’ while actually you live near(AG) us? 23 You are now under a curse:(AH) You will never be released from service as woodcutters and water carriers for the house of my God.”

24 They answered Joshua, “Your servants were clearly told(AI) how the Lord your God had commanded his servant Moses to give you the whole land and to wipe out all its inhabitants from before you. So we feared for our lives because of you, and that is why we did this. 25 We are now in your hands.(AJ) Do to us whatever seems good and right(AK) to you.”

26 So Joshua saved them from the Israelites, and they did not kill them. 27 That day he made the Gibeonites(AL) woodcutters and water carriers(AM) for the assembly, to provide for the needs of the altar of the Lord at the place the Lord would choose.(AN) And that is what they are to this day.

Footnotes

  1. Joshua 9:4 Most Hebrew manuscripts; some Hebrew manuscripts, Vulgate and Syriac (see also Septuagint) They prepared provisions and loaded their donkeys