Add parallel Print Page Options

Ang Panalangin ni Jonas

Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito:

“Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo,
    at sinagot ninyo ako.
Mula sa daigdig ng mga patay
    ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako.
Itinapon ninyo ako sa kalaliman;
    sa pusod ng karagatan.
    Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig,
    at malalaking alon ang sa akin ay tumabon.
Akala ko'y malayo na ako sa inyo,
    at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo.
Hinigop ako ng kalaliman,
    hanggang sa tuluyang lumubog;
    napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat.
Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok,
    sa libingan ng mga patay.
Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.
Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga,
    naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin,
    at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.
Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan
    ay hindi naging tapat sa inyo.
Ngunit aawit ako ng pasasalamat
    at sa inyo'y maghahandog;
    tutuparin ko ang aking mga pangako,
O Yahweh na aking Tagapagligtas!”

10 Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.

Ang panalangin ni Jonas.

Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda.

At kaniyang sinabi,
Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati,
At siya'y sumagot sa akin;
Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw,
At iyong dininig ang aking tinig.
Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat,
At ang tubig ay nasa palibot ko;
(A)Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin.
At (B)aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata;
Gayon ma'y titingin ako uli sa (C)iyong banal na templo.
Kinukulong (D)ako ng tubig sa palibot (E)hanggang sa kaluluwa;
Ang kalaliman ay nasa palibot ko;
Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo.
Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok;
Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man:
Gayon ma'y isinampa mo ang aking buhay (F)mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios.
Nang ang (G)aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon;
(H)At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo.
Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya
Binabayaan ang (I)kanilang sariling kaawaan.
Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng (J)pasasalamat;
Aking tutuparin yaong aking ipinanata.
Kaligtasa'y sa Panginoon.

10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.