Add parallel Print Page Options

“Sumigaw ka, Job, kung may sasagot sa iyo.
    Mayroon bang anghel na sa iyo'y sasaklolo?
Ang sama ng loob ay pumapatay sa mga taong hangal.
    Ang pagkainggit ay kumikitil sa mga taong mangmang.
Nakakita na ako ng mga hangal na panatag kung titingnan,
    ngunit bigla kong sinusumpa ang kanilang mga tahanan.
Walang matakbuhan ang kanilang mga anak,
    walang sinuman ang sa kanila'y magligtas.
Ang kanilang ani'y kinakain ng mga gutom,
    kahit ang nasa tinikan, inaagaw sa kanila.
    Ninanasa ng mga uhaw ang kayamanan nila.
Ang kahirapa'y hindi sa alabok nagmula,
    at ang kaguluha'y hindi tumutubo sa lupa.
Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao,
    kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan.

“Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos,
    at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog.
Mga(A) dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan,
    mga kababalaghan niya ay walang katapusan.
10 Ang lupa'y pinadadalhan niya ng ulan,
    mga bukiri'y kanyang pinatutubigan.
11 Ang nagpapakumbaba ay kanyang itinataas,
    ang mga nalulungkot, kanyang inililigtas.
12 Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira,
    kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala.
13 Ang(B) mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag,
    kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas.
14     Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian.
15 Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila,
    iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha.
16 Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama.

17 “Mapalad(C) ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan,
    ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam.
18 Ginagamot(D) niya ang kanyang nasugatan,
    pinapagaling niya ang kanyang nasaktan.
19 Sa tuwi-tuwina, paningin niya'y nasa iyo, upang ikaw ay ingatan, laging handang sumaklolo.
20     Sa panahon ng taggutom, di ka niya pababayaan,
    at kung sa digmaan ay hindi ka niya iiwan.
21 Ililigtas ka niya sa dilang mapanira,
    at di ka matatakot sa kapahamakan.
22 Kaguluhan at taggutom, iyo lamang tatawanan,
    at mababangis na hayop, hindi mo katatakutan.
23 Walang mga bato sa bukid na iyong sasakahin,
    maiilap na hayop, di ka lalapain.
24 Magiging ligtas ang iyong tahanan,
    at ang iyong mga kawan ay hindi mababawasan.
25 Ang lahi mo ay di mapipigil sa paglaki;
    tulad ng damo, ang mga supling mo ay darami.
26 Tatamasahin mo ang mahabang buhay,
    katulad ng bungang nahinog sa panahon ng anihan.
27 Ang mga ito'y aming matagal na pinag-aralan,
    pakinggan mo't alamin pagkat ito'y katotohanan.”

¶ Call now, if there shall be anyone to answer thee; and if there shall be any of the saints for thee to look unto?

It is certain that wrath kills the foolish man, and envy consumes the covetous one.

I have seen the foolish taking root, but at the same time I cursed his habitation.

His sons are far from saving health, and they shall be crushed in the gate, and there shall be no one to deliver them.

The hungry shall eat up his harvest, and even take it out from among the thorns, and the thirsty shall drink up their substance.

¶ For the iniquity does not come forth out of the dust; neither does chastisement spring up out of the ground;

yet man is born unto trouble, as the sparks fly upward.

I would certainly seek God, and unto God would I commit my affairs;

who does great things that no one can understand, and marvels that have no explanation;

10 who gives rain upon the earth and sends waters abroad;

11 who sets up the humble on high, that those who mourn may be lifted up with saving health.

12 He frustrates the devices of the crafty, so that their hands cannot perform their enterprise.

13 He takes the wise in their own prudence, and the counsel of his adversaries is turned to folly.

14 They meet with darkness in the daytime and grope in the noonday as in the night.

15 But he saves the poor from the sword, from the mouth of the wicked, and from the hand of the violent.

16 Who is the hope of the poor, and iniquity closes her mouth.

17 ¶ Behold, blessed is the man whom God chastens; therefore, do not despise not the correction of the Almighty.

18 For he makes sore, and binds up; he wounds, and his hands make whole.

19 He shall deliver thee in six tribulations, and in the seventh no evil shall touch thee.

20 In famine he shall ransom thee from death, and in war from the power of the sword.

21 Thou shalt be hid from the scourge of the tongue; neither shalt thou be afraid of destruction when it comes.

22 At destruction and famine thou shalt laugh; neither shalt thou be afraid of the beasts of the earth;

23 for thou shalt be in league with the stones of the field; and the beasts of the field shall be at peace with thee.

24 And thou shalt know that there is peace in thy tent, and thou shalt visit thy habitation and shalt not sin.

25 Thou shalt know that thy seed is great and thine offspring as the grass of the earth.

26 Thou shalt come to thy grave in a full age, like a shock of wheat that is gathered in its season.

27 Behold that which we have searched out, so it is; hear it and judge it for thyself.