Job 3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Dumaing si Job sa Diyos
3 Pagkaraan(A) ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang.
2 Ito ang kanyang sinabi:
3 “Hindi(B) na sana ako ipinanganak pa
    at hindi na rin sana ako ipinaglihi.
4 Nabalot na sana ng dilim
at huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos.
    Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag.
5 Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman,
    at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw.
6 Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon,
    at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.
7     Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan,
8 at sumpain ng mga salamangkerong
    nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan.[a]
9 Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga,
    at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi.
10 Sumpain ang gabi ng aking pagsilang
    na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan.
11 “Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina,
    o kaya'y noong ako'y isilang niya?
12 Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan,
    at binigyan ng gatas sa dibdib niya?
13 Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, mahimbing na natutulog at nagpapahinga.
14     Katulad ng mga hari at pinunong yumao,
    na noong panahon nila'y nagtayo ng mga palasyo.
15 Tahimik na sana ako tulad ng mga pinunong nakapag-imbak
    sa kanilang bahay ng mga ginto at pilak,
16     o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak at hindi na nakakita pa ng liwanag.
17 Sa libinga'y hindi na makakapanggulo ang mga masasama,
    at doon ang mga napapagod ay makakapagpahinga.
18 Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig,
    wala nang mga sigaw at utos na mabagsik.
19 Ang mga abâ at mga dakila ay sama-sama roon,
    ang mga alipin ay malaya na sa kanilang panginoon.
20 “Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lamang?
    At bakit pa binuhay kung daranas din lang ng kahirapan?
21 Kamataya'y(C) hinahanap ngunit hindi matagpuan,
    hinuhukay at ninanais higit pa sa kayamanan.
22 Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.
23     Ano kaya ang dahilan at ang tao'y isinilang,
    kung inilihim naman ng Diyos ang kanyang patutunguhan?
24 Karaingan ang aking pagkain,
    pagtitiis ang aking inumin.
25 Ang kinatatakutan ko ang siyang nangyari sa akin, at ang pinakaaayawan ko ang dumating sa akin.
26 Hindi ako mapalagay, wala akong kapayapaan,
    kaguluhan sa buhay ko ay walang katapusan.”
Footnotes
- 8 LEVIATAN: Isang mala-alamat na dambuhalang halimaw sa karagatan na sumisimbolo sa kaguluhan at kasamaan.
约伯记 3
Chinese New Version (Simplified)
约伯咒诅自己的生日
3 后来,约伯开口咒诅自己的生日。 2 约伯说:
3 “愿我生的那日泯灭,
人说怀男胎的那夜灭没。
4 愿那日变成黑暗,
愿 神不从上面眷顾,
愿光明不照耀在其上。
5 愿黑暗与死荫索讨那日,
愿密云停留在上面,
愿白天的昏黑惊吓它。
6 愿那夜被幽暗夺去,
不让它连在平日之中,列入月数之内。
7 愿那夜没有生育,
也没有欢乐的声音。
8 那些咒诅日子、善于惹动海怪的,
愿他们咒诅那夜。
9 愿那夜黎明的星星变成黑暗,
愿那夜等候发光却不亮,见不到清晨的曙光。
10 因为那夜没有把我母胎的门关闭,
也没有把苦难隐藏,使我看不见。
切愿夭折
11 我为甚么不一离母胎就死去?
我为甚么不一出母腹就断气?
12 为甚么有膝承接我?
为甚么有乳哺养我?
13 不然,我早已躺下安息,
14 与世上那些为自己建造陵墓的君王和谋士同睡,
15 或与那些拥有黄金,房屋装满银子的王侯同眠。
16 我为甚么不像暗中流产的胎,未见天日的婴孩,归于无有呢?
17 在那里,恶人止息搅扰,
筋疲力尽的得安息;
18 被囚的同享安宁;
听不见督工的声音;
19 老少尊卑都在那里,
奴仆脱离主人的辖制。
厌恶生存
20 为甚么有光明赐给劳碌的人,
有生命赐给苦命的人呢?
21 他们想死却死不了,找死胜于找宝藏;
22 他们找到坟墓就高兴,非常欢喜快乐。
23 为甚么有生命赐给前途茫茫,又被 神四面围困的人呢?
24 我以叹息代替食物,
我唉哼的声音如水涌出。
25 我所惧怕的临到我,
我所惊恐的向我而来。
26 我不得安逸,不得安静,
也不得安息,却有搅扰来到。”
Chinese New Version (CNV). Copyright © 1976, 1992, 1999, 2001, 2005 by Worldwide Bible Society.