Job 29
New Living Translation
Job Speaks of His Former Blessings
29 Job continued speaking:
2 “I long for the years gone by
    when God took care of me,
3 when he lit up the way before me
    and I walked safely through the darkness.
4 When I was in my prime,
    God’s friendship was felt in my home.
5 The Almighty was still with me,
    and my children were around me.
6 My steps were awash in cream,
    and the rocks gushed olive oil for me.
7 “Those were the days when I went to the city gate
    and took my place among the honored leaders.
8 The young stepped aside when they saw me,
    and even the aged rose in respect at my coming.
9 The princes stood in silence
    and put their hands over their mouths.
10 The highest officials of the city stood quietly,
    holding their tongues in respect.
11 “All who heard me praised me.
    All who saw me spoke well of me.
12 For I assisted the poor in their need
    and the orphans who required help.
13 I helped those without hope, and they blessed me.
    And I caused the widows’ hearts to sing for joy.
14 Everything I did was honest.
    Righteousness covered me like a robe,
    and I wore justice like a turban.
15 I served as eyes for the blind
    and feet for the lame.
16 I was a father to the poor
    and assisted strangers who needed help.
17 I broke the jaws of godless oppressors
    and plucked their victims from their teeth.
18 “I thought, ‘Surely I will die surrounded by my family
    after a long, good life.[a]
19 For I am like a tree whose roots reach the water,
    whose branches are refreshed with the dew.
20 New honors are constantly bestowed on me,
    and my strength is continually renewed.’
21 “Everyone listened to my advice.
    They were silent as they waited for me to speak.
22 And after I spoke, they had nothing to add,
    for my counsel satisfied them.
23 They longed for me to speak as people long for rain.
    They drank my words like a refreshing spring rain.
24 When they were discouraged, I smiled at them.
    My look of approval was precious to them.
25 Like a chief, I told them what to do.
    I lived like a king among his troops
    and comforted those who mourned.
Footnotes
- 29:18 Hebrew after I have counted my days like sand.
Job 29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Pagpapalang Tinanggap Noon ni Job
29 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job, 2 “Kung maibabalik ko lang sana ang mga nagdaang araw noong kinakalinga pa ako ng Dios, 3 noong tinatanglawan pa niya ang aking daan habang lumalakad ako sa dilim. 4 Noong akoʼy nasa mabuti pang kalagayan, ang Dios ay matalik kong kaibigan, at pinagpapala niya ang sambahayan ko. 5 Pinapatnubayan pa ako noon ng Dios na Makapangyarihan, at magkakasama pa kami ng mga anak ko. 6 Ang mga baka ko nooʼy nagbibigay sa akin ng maraming gatas at mula sa mga tanim kong olibo ay umaani ako ng napakaraming langis. 7 Kapag pumupunta ako sa pintuang bayan at sumasama sa mga pinuno ng lungsod sa tuwing may pagpupulong sila, 8 tumatabi ang mga kabataang lalaki kapag nakita nila ako, at ang matatandaʼy tumatayo para magbigay galang sa akin. 9 Tumatahimik kahit ang mga pinuno 10 at ang mararangal na tao kapag nakikita nila ako. 11 Pinupuri ako ng mga taong nanonood o nakikinig sa aking pagsasalita. 12 Sapagkat tinutulungan ko ang mga dukhang humihingi ng tulong at mga ulilang walang malapitan. 13 Binabasbasan ako ng mga taong nag-aagaw buhay na aking tinulungan, at umaawit sa galak ang mga biyuda na aking natulungan din. 14 Palagi kong ginagawa ang tama at matuwid; para itong damit at turban na aking isinusuot. 15 Naging parang mata ako sa taong bulag at paa sa pilay. 16 Naging parang ama ako sa mga dukha, at kahit ang mga dayuhan ay tinulungan ko sa kanilang mga suliranin. 17 Winasak ko ang kapangyarihan ng masasamang tao at iniligtas ko ang mga biktima nila.
18 “Ang akala koʼy hahaba pa ang buhay ko, at mamamatay na kasama ang aking sambahayan. 19 Sapagkat ang katulad ko nooʼy matibay na punongkahoy na umaabot ang mga ugat sa tubig at laging nahahamugan ang mga sanga. 20 Palagi akong malakas at pinupuri ng mga tao. 21 Kapag nagpapayo ako, tumatahimik ang mga tao at nakikinig nang mabuti. 22 Pagkatapos kong magsalita, hindi na sila nagsasalita dahil nasisiyahan na sila sa mga sinabi ko. 23 Pinanabikan nila ang mga sasabihin ko tulad ng pagkasabik nila sa pagdating ng ulan. Gusto talaga nila akong mapakinggan. 24 Halos hindi sila makapaniwala kapag ngumiti ako, dahil ang masayang mukha koʼy nagpapalakas sa kanila. 25 Tulad ng isang pinuno, tinuturuan ko sila kung ano ang dapat gawin. Pinamumunuan ko sila tulad ng haring namumuno sa kanyang mga kawal. At inaaliw ko sila kapag silaʼy nalulungkot.
Holy Bible, New Living Translation, copyright © 1996, 2004, 2015 by Tyndale House Foundation. Used by permission of Tyndale House Publishers, Inc., Carol Stream, Illinois 60188. All rights reserved.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
.png)