Job 29
King James Version
29 Moreover Job continued his parable, and said,
2 Oh that I were as in months past, as in the days when God preserved me;
3 When his candle shined upon my head, and when by his light I walked through darkness;
4 As I was in the days of my youth, when the secret of God was upon my tabernacle;
5 When the Almighty was yet with me, when my children were about me;
6 When I washed my steps with butter, and the rock poured me out rivers of oil;
7 When I went out to the gate through the city, when I prepared my seat in the street!
8 The young men saw me, and hid themselves: and the aged arose, and stood up.
9 The princes refrained talking, and laid their hand on their mouth.
10 The nobles held their peace, and their tongue cleaved to the roof of their mouth.
11 When the ear heard me, then it blessed me; and when the eye saw me, it gave witness to me:
12 Because I delivered the poor that cried, and the fatherless, and him that had none to help him.
13 The blessing of him that was ready to perish came upon me: and I caused the widow's heart to sing for joy.
14 I put on righteousness, and it clothed me: my judgment was as a robe and a diadem.
15 I was eyes to the blind, and feet was I to the lame.
16 I was a father to the poor: and the cause which I knew not I searched out.
17 And I brake the jaws of the wicked, and plucked the spoil out of his teeth.
18 Then I said, I shall die in my nest, and I shall multiply my days as the sand.
19 My root was spread out by the waters, and the dew lay all night upon my branch.
20 My glory was fresh in me, and my bow was renewed in my hand.
21 Unto me men gave ear, and waited, and kept silence at my counsel.
22 After my words they spake not again; and my speech dropped upon them.
23 And they waited for me as for the rain; and they opened their mouth wide as for the latter rain.
24 If I laughed on them, they believed it not; and the light of my countenance they cast not down.
25 I chose out their way, and sat chief, and dwelt as a king in the army, as one that comforteth the mourners.
Job 29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang mga Pagpapalang Tinanggap Noon ni Job
29 Nagpatuloy sa pagsasalita si Job, 2 “Kung maibabalik ko lang sana ang mga nagdaang araw noong kinakalinga pa ako ng Dios, 3 noong tinatanglawan pa niya ang aking daan habang lumalakad ako sa dilim. 4 Noong akoʼy nasa mabuti pang kalagayan, ang Dios ay matalik kong kaibigan, at pinagpapala niya ang sambahayan ko. 5 Pinapatnubayan pa ako noon ng Dios na Makapangyarihan, at magkakasama pa kami ng mga anak ko. 6 Ang mga baka ko nooʼy nagbibigay sa akin ng maraming gatas at mula sa mga tanim kong olibo ay umaani ako ng napakaraming langis. 7 Kapag pumupunta ako sa pintuang bayan at sumasama sa mga pinuno ng lungsod sa tuwing may pagpupulong sila, 8 tumatabi ang mga kabataang lalaki kapag nakita nila ako, at ang matatandaʼy tumatayo para magbigay galang sa akin. 9 Tumatahimik kahit ang mga pinuno 10 at ang mararangal na tao kapag nakikita nila ako. 11 Pinupuri ako ng mga taong nanonood o nakikinig sa aking pagsasalita. 12 Sapagkat tinutulungan ko ang mga dukhang humihingi ng tulong at mga ulilang walang malapitan. 13 Binabasbasan ako ng mga taong nag-aagaw buhay na aking tinulungan, at umaawit sa galak ang mga biyuda na aking natulungan din. 14 Palagi kong ginagawa ang tama at matuwid; para itong damit at turban na aking isinusuot. 15 Naging parang mata ako sa taong bulag at paa sa pilay. 16 Naging parang ama ako sa mga dukha, at kahit ang mga dayuhan ay tinulungan ko sa kanilang mga suliranin. 17 Winasak ko ang kapangyarihan ng masasamang tao at iniligtas ko ang mga biktima nila.
18 “Ang akala koʼy hahaba pa ang buhay ko, at mamamatay na kasama ang aking sambahayan. 19 Sapagkat ang katulad ko nooʼy matibay na punongkahoy na umaabot ang mga ugat sa tubig at laging nahahamugan ang mga sanga. 20 Palagi akong malakas at pinupuri ng mga tao. 21 Kapag nagpapayo ako, tumatahimik ang mga tao at nakikinig nang mabuti. 22 Pagkatapos kong magsalita, hindi na sila nagsasalita dahil nasisiyahan na sila sa mga sinabi ko. 23 Pinanabikan nila ang mga sasabihin ko tulad ng pagkasabik nila sa pagdating ng ulan. Gusto talaga nila akong mapakinggan. 24 Halos hindi sila makapaniwala kapag ngumiti ako, dahil ang masayang mukha koʼy nagpapalakas sa kanila. 25 Tulad ng isang pinuno, tinuturuan ko sila kung ano ang dapat gawin. Pinamumunuan ko sila tulad ng haring namumuno sa kanyang mga kawal. At inaaliw ko sila kapag silaʼy nalulungkot.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®