Add parallel Print Page Options

Sinariwa ni Job ang Maliligaya Niyang Araw

29 At muling ipinagpatuloy ni Job ang kanyang pagsasalita, at nagsabi:

“O, ako sana'y tulad nang nakaraang mga buwan,
    gaya noong mga araw na ang Diyos ang sa akin ay nagbabantay,
nang sa ibabaw ng aking ulo ay sumisikat ang kanyang ilawan,
    at sa pamamagitan ng kanyang ilaw ay lumalakad ako sa kadiliman;
gaya noong ako'y namumukadkad pa,
    noong ang pakikipagkaibigan ng Diyos ay nasa aking tolda;
nang kasama ko pa ang Makapangyarihan sa lahat,
    nang nasa palibot ko ang aking mga anak;
noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas,
    at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng langis na tumatagas!
Noong ako'y lumabas sa pintuan ng bayan,
    noong ihanda ko ang aking upuan sa liwasan,
nakita ako ng mga kabataang lalaki, at sila'y umalis,
    at ang matatanda ay tumayo;
ang mga pinuno ay nagtimpi sa pagsasalita,
    at inilagay ang kanilang kamay sa bibig nila.
10 Ang tinig ng mga maharlika ay pinatahimik,
    nang sa ngalangala ng kanilang bibig, ang dila nila ay dumikit.
11 Nang marinig ng tainga, tinawag nito akong mapalad,
    at nang makita ito ng mata, iyon ay pumayag.
12 Sapagkat aking iniligtas ang dumaraing na dukha,
    maging sa mga ulila na walang tumutulong.
13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay sa akin ay dumating,
    at ang puso ng babaing balo ay pinaawit ko sa kagalakan.
14 Ako'y nagbihis ng katuwiran, at ako'y dinamitan;
    parang isang balabal at isang turbante ang aking katarungan.
15 Sa bulag ako'y naging mga mata,
    at sa pilay ako'y naging mga paa.
16 Sa dukha ako'y naging isang ama,
    at siniyasat ko ang usapin niyaong hindi ko nakikilala.
17 Aking binali ang mga pangil ng masama,
    at ipinalaglag ko ang kanyang biktima sa mga ngipin niya.
18 Nang magkagayo'y sinabi ko, ‘Sa aking pugad ako mamamatay,
    at gaya ng buhangin aking pararamihin ang aking mga araw.
19 Kumalat hanggang sa tubig ang aking mga ugat,
    at may hamog sa aking sanga sa buong magdamag,
20 sariwa sa akin ang aking kaluwalhatian,
    at ang aking busog ay laging bago sa aking kamay!’

21 “Sa akin ay nakikinig at naghihintay ang mga tao,
    at tumatahimik para sa aking payo.
22 Pagkatapos ng aking pagsasalita, ay hindi na sila muling nagsalita,
    at ang aking salita ay bumagsak sa kanila.
23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan,
    at kanilang ibinuka ang kanilang bibig na gaya sa huling ulan.
24 Kapag sila'y hindi nagtitiwala, ako sa kanila'y ngumingiti,
    at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila pinababa.
25 Pinili ko ang kanilang daan, at umupo bilang puno,
    at namuhay gaya ng hari sa gitna ng kanyang hukbo,
    gaya ng isang umaaliw sa mga nagdadalamhati.

29 At muling ipinagbadya ni Job ang kaniyang talinghaga, at nagsabi,

Oh ako nawa'y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios;

Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman;

Gaya noong ako'y nasa kabutihan ng aking mga kaarawan, noong ang pagkasi ng Dios ay nasa aking tolda;

Noong ang Makapangyarihan sa lahat ay sumasaakin pa, at ang aking mga anak ay nangasa palibot ko;

Noong ang aking mga hakbang ay naliligo sa gatas, at ang bato ay nagbubuhos para sa akin ng mga ilog ng langis!

Noong ako'y lumalabas sa pintuang-bayan hanggang sa bayan, noong aking inihahanda ang aking upuan sa lansangan,

Nakikita ako ng mga binata, at nagsisipagkubli, at ang mga matanda ay nagsisitindig at nagsisitayo:

Ang mga pangulo ay nagpipigil ng pangungusap, at inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig;

10 Ang tinig ng mga mahal na tao ay tumatahimik, at ang kanilang dila ay dumidikit sa ngalangala ng kanilang bibig.

11 Sapagka't pagka naririnig ako ng pakinig, ay pinagpapala nga ako; at pagka nakikita ako ng mata, ay sumasaksi sa akin:

12 Sapagka't aking iniligtas ang dukha na dumadaing, ang ulila rin naman na walang tumutulong sa kaniya.

13 Ang basbas ng malapit nang mamamatay ay sumaakin: at aking pinaawit sa kagalakan ang puso ng babaing bao.

14 Ako'y nagbibihis ng katuwiran, at sinusuutan niya ako: ang aking kaganapan ay parang isang balabal at isang diadema.

15 Ako'y naging mga mata sa bulag, at naging mga paa ako sa pilay.

16 Ako'y naging ama sa mapagkailangan; at ang usap niyaong hindi ko nakikilala ay aking sinisiyasat.

17 At aking binali ang mga pangil ng liko, at inagaw ko ang huli sa kaniyang mga ngipin.

18 Nang magkagayo'y sinabi ko, mamamatay ako sa aking pugad, at aking pararamihin ang aking mga kaarawan na gaya ng buhangin:

19 Ang aking ugat ay nakalat sa tubig, at ang hamog ay lumalapag buong gabi sa aking sanga:

20 Ang aking kaluwalhatian ay sariwa sa akin, at ang aking busog ay nababago sa aking kamay.

21 Sa akin ay nangakikinig ang mga tao, at nangaghihintay, at nagsisitahimik sa aking payo.

22 Pagkatapos ng aking mga salita ay hindi na sila nagsasalita pa uli; at ang aking pananalita ay tumutulo sa kanila.

23 At kanilang hinihintay ako, na gaya ng paghihintay sa ulan, at kanilang ibinubuka ang kanilang bibig na maluwang na gaya sa huling ulan.

24 Ako'y ngumingiti sa kanila pagka sila'y hindi nanganiniwala: at ang liwanag ng aking mukha ay hindi nila hinahamak.

25 Ako'y namimili sa kanilang daan, at nauupong gaya ng puno, at tumatahang gaya ng hari sa hukbo, gaya ng nangaaliw sa nananangis.

Job’s Final Defense

29 Job continued his discourse:(A)

“How I long for the months gone by,(B)
    for the days when God watched over me,(C)
when his lamp shone on my head
    and by his light I walked through darkness!(D)
Oh, for the days when I was in my prime,
    when God’s intimate friendship(E) blessed my house,(F)
when the Almighty was still with me
    and my children(G) were around me,(H)
when my path was drenched with cream(I)
    and the rock(J) poured out for me streams of olive oil.(K)

“When I went to the gate(L) of the city
    and took my seat in the public square,
the young men saw me and stepped aside(M)
    and the old men rose to their feet;(N)
the chief men refrained from speaking(O)
    and covered their mouths with their hands;(P)
10 the voices of the nobles were hushed,(Q)
    and their tongues stuck to the roof of their mouths.(R)
11 Whoever heard me spoke well of me,
    and those who saw me commended me,(S)
12 because I rescued the poor(T) who cried for help,
    and the fatherless(U) who had none to assist them.(V)
13 The one who was dying blessed me;(W)
    I made the widow’s(X) heart sing.
14 I put on righteousness(Y) as my clothing;
    justice was my robe and my turban.(Z)
15 I was eyes(AA) to the blind
    and feet to the lame.(AB)
16 I was a father to the needy;(AC)
    I took up the case(AD) of the stranger.(AE)
17 I broke the fangs of the wicked
    and snatched the victims(AF) from their teeth.(AG)

18 “I thought, ‘I will die in my own house,
    my days as numerous as the grains of sand.(AH)
19 My roots will reach to the water,(AI)
    and the dew will lie all night on my branches.(AJ)
20 My glory will not fade;(AK)
    the bow(AL) will be ever new in my hand.’(AM)

21 “People listened to me expectantly,
    waiting in silence for my counsel.(AN)
22 After I had spoken, they spoke no more;(AO)
    my words fell gently on their ears.(AP)
23 They waited for me as for showers
    and drank in my words as the spring rain.(AQ)
24 When I smiled at them, they scarcely believed it;
    the light of my face(AR) was precious to them.[a](AS)
25 I chose the way for them and sat as their chief;(AT)
    I dwelt as a king(AU) among his troops;
    I was like one who comforts mourners.(AV)

Footnotes

  1. Job 29:24 The meaning of the Hebrew for this clause is uncertain.

29 Moreover Job continued his parable, and said,

Oh that I were as in months past, as in the days when God preserved me;

When his candle shined upon my head, and when by his light I walked through darkness;

As I was in the days of my youth, when the secret of God was upon my tabernacle;

When the Almighty was yet with me, when my children were about me;

When I washed my steps with butter, and the rock poured me out rivers of oil;

When I went out to the gate through the city, when I prepared my seat in the street!

The young men saw me, and hid themselves: and the aged arose, and stood up.

The princes refrained talking, and laid their hand on their mouth.

10 The nobles held their peace, and their tongue cleaved to the roof of their mouth.

11 When the ear heard me, then it blessed me; and when the eye saw me, it gave witness to me:

12 Because I delivered the poor that cried, and the fatherless, and him that had none to help him.

13 The blessing of him that was ready to perish came upon me: and I caused the widow's heart to sing for joy.

14 I put on righteousness, and it clothed me: my judgment was as a robe and a diadem.

15 I was eyes to the blind, and feet was I to the lame.

16 I was a father to the poor: and the cause which I knew not I searched out.

17 And I brake the jaws of the wicked, and plucked the spoil out of his teeth.

18 Then I said, I shall die in my nest, and I shall multiply my days as the sand.

19 My root was spread out by the waters, and the dew lay all night upon my branch.

20 My glory was fresh in me, and my bow was renewed in my hand.

21 Unto me men gave ear, and waited, and kept silence at my counsel.

22 After my words they spake not again; and my speech dropped upon them.

23 And they waited for me as for the rain; and they opened their mouth wide as for the latter rain.

24 If I laughed on them, they believed it not; and the light of my countenance they cast not down.

25 I chose out their way, and sat chief, and dwelt as a king in the army, as one that comforteth the mourners.