Job 19:25
Ang Biblia (1978)
25 Nguni't talastas ko na (A)manunubos sa akin ay buháy,
At siya'y tatayo sa lupa sa kahulihulihan:
Job 19:27
Ang Biblia (1978)
27 Siyang makikita ko ng sarili,
At mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba.
Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko.
Mga Awit 23:4
Ang Biblia (1978)
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(A)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
Mga Awit 37:37
Ang Biblia (1978)
37 Tandaan mo ang sakdal na tao, at masdan mo ang matuwid:
Sapagka't may isang maligayang wakas sa taong may (A)kapayapaan.
2 Corinto 1:9
Ang Biblia (1978)
9 Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios (A)na bumubuhay na maguli ng mga patay:
Read full chapter
2 Corinto 5:8
Ang Biblia (1978)
8 Na malakas ang loob namin, ang sabi ko, at (A)ibig pa nga namin ang mawala sa katawan, at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.
Read full chapter
2 Timoteo 4:18
Ang Biblia (1978)
18 Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978