Job 13
Ang Biblia, 2001
Ipinilit ni Job na Wala Siyang Kasalanan
13 “Narito, nakita ang lahat ng ito ng aking mata,
ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa.
2 Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman:
Hindi ako mababa sa inyo.
3 Ngunit ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat,
at nais kong ipagtanggol ang aking usapin sa Diyos.
4 Ngunit kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan,
kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
5 Nawa ay tumahimik kayong lahat,
at magiging inyong karunungan!
6 Dinggin ninyo ngayon ang aking pangangatuwiran,
at ang mga pakikiusap ng aking mga labi ay inyong pakinggan.
7 Kayo ba'y magsasalita ng kabulaanan para sa Diyos,
at mangungusap na may pandaraya para sa kanya?
8 Kayo ba'y magpapakita ng pagpanig sa kanya?
Ipapakiusap ba ninyo ang usapin para sa Diyos?
9 Makakabuti ba sa inyo kapag siniyasat niya kayo?
O madadaya mo ba siya tulad ng pandaraya sa isang tao?
10 Walang pagsalang sasawayin niya kayo,
kung sa lihim ay magpapakita kayo ng pagtatangi.
11 Hindi ba kayo tatakutin ng kanyang kamahalan,
at ang sindak sa kanya ay sasainyo?
12 Ang inyong mga di-malilimot na kasabihan ay kawikaang abo,
ang inyong mga sanggalang ay mga sanggalang na putik.
13 “Bigyan ninyo ako ng katahimikan, at ako'y magsasalita,
at hayaang dumating sa akin ang anuman.
14 Bakit kakagatin ng aking mga ngipin ang aking laman,
at ilalagay ko ang aking buhay sa aking kamay?
15 Bagaman ako'y patayin niya, ako'y aasa pa rin sa kanya,
gayunma'y ipagtatanggol ko ang aking mga lakad sa harapan niya.
16 Ito ang aking magiging kaligtasan,
na ang isang masamang tao ay hindi haharap sa kanya.
17 Pakinggan ninyong mabuti ang mga salita ko,
at sumainyong mga pakinig ang pahayag ko.
18 Narito ngayon, inihanda ko ang aking usapin;
alam ko na ako'y mapapawalang sala.
19 Sino ang makikipagtalo sa akin?
Sapagkat kung gayo'y tatahimik ako at mamamatay.
20 Dalawang bagay lamang ang ipagkaloob mo sa akin,
kung magkagayo'y hindi ako magkukubli sa iyong mukha:
21 iurong mo nang malayo sa akin ang kamay mo;
at huwag akong takutin ng sindak sa iyo.
22 Kung magkagayo'y tumawag ka, at ako'y sasagot;
o papagsalitain mo ako, at sa akin ikaw ay sumagot.
23 Ilan ang aking mga kasamaan at mga kasalanan?
Ipakilala mo sa akin ang aking pagsalangsang at ang aking kasalanan.
24 Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha,
at itinuturing mo akong iyong kaaway?
25 Iyo bang tatakutin ang isang dahong pinapaspas ng hangin,
at ang tuyong ipa ay iyo bang hahabulin?
26 Sapagkat ikaw ay sumusulat laban sa akin ng mapapait na bagay,
at ipinamamana mo sa akin ang mga kasamaan ng aking kabataan.
27 Iyo(A) ring inilalagay ang aking mga paa sa kadenahan,
at minamanmanan mo ang lahat kong daan,
ikaw ay naglalagay ng hangganan sa aking talampakan.
28 Bagaman ako'y parang bagay na bulok na natutunaw,
na parang damit na kinakain ng bukbok.
Job 13
New International Version
13 “My eyes have seen all this,(A)
my ears have heard and understood it.
2 What you know, I also know;
I am not inferior to you.(B)
3 But I desire to speak to the Almighty(C)
and to argue my case with God.(D)
4 You, however, smear me with lies;(E)
you are worthless physicians,(F) all of you!(G)
5 If only you would be altogether silent!(H)
For you, that would be wisdom.(I)
6 Hear now my argument;
listen to the pleas of my lips.(J)
7 Will you speak wickedly on God’s behalf?
Will you speak deceitfully for him?(K)
8 Will you show him partiality?(L)
Will you argue the case for God?
9 Would it turn out well if he examined you?(M)
Could you deceive him as you might deceive a mortal?(N)
10 He would surely call you to account
if you secretly showed partiality.(O)
11 Would not his splendor(P) terrify you?
Would not the dread of him fall on you?(Q)
12 Your maxims are proverbs of ashes;
your defenses are defenses of clay.(R)
13 “Keep silent(S) and let me speak;(T)
then let come to me what may.(U)
14 Why do I put myself in jeopardy
and take my life in my hands?(V)
15 Though he slay me, yet will I hope(W) in him;(X)
I will surely[a] defend my ways to his face.(Y)
16 Indeed, this will turn out for my deliverance,(Z)
for no godless(AA) person would dare come before him!(AB)
17 Listen carefully to what I say;(AC)
let my words ring in your ears.
18 Now that I have prepared my case,(AD)
I know I will be vindicated.(AE)
19 Can anyone bring charges against me?(AF)
If so, I will be silent(AG) and die.(AH)
20 “Only grant me these two things, God,
and then I will not hide from you:
21 Withdraw your hand(AI) far from me,
and stop frightening me with your terrors.(AJ)
22 Then summon me and I will answer,(AK)
or let me speak, and you reply to me.(AL)
23 How many wrongs and sins have I committed?(AM)
Show me my offense and my sin.(AN)
24 Why do you hide your face(AO)
and consider me your enemy?(AP)
25 Will you torment(AQ) a windblown leaf?(AR)
Will you chase(AS) after dry chaff?(AT)
26 For you write down bitter things against me
and make me reap the sins of my youth.(AU)
27 You fasten my feet in shackles;(AV)
you keep close watch on all my paths(AW)
by putting marks on the soles of my feet.
Footnotes
- Job 13:15 Or He will surely slay me; I have no hope — / yet I will
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.