Job 10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
10 “Kinasusuklaman ko ang buhay ko, kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko. Sasabihin ko ang aking sama ng loob. 2 Ito ang sasabihin ko sa Dios: ‘Huwag nʼyo akong hatulan na masama ako. Sabihin nʼyo sa akin kung ano ang kasalanan ko sa inyo. 3 Natutuwa ba kayo na pinahihirapan nʼyo ako? Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha, at sinasang-ayunan naman ang binabalak ng masama? 4 Ang paningin nʼyo baʼy tulad ng paningin ng tao? 5 Ang buhay nʼyo baʼy kasing-ikli ng buhay ng tao? 6 Bakit pilit nʼyo akong hinahanapan ng kasalanan? 7 Alam nʼyong wala akong kasalanan, pero sino ang makapagtatanggol sa akin mula sa inyong kamay?
8 “ ‘Kayo ang gumawa at humubog sa akin, at ngayon kayo rin ang sisira sa akin. 9 Alalahanin ninyong akoʼy hinubog nʼyo mula sa lupa[a] at ngayon baʼy ibabalik nʼyo na ako sa lupa? 10 Hindi baʼt kayo ang humubog sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina na parang keso na hinubog mula sa gatas? 11 Binuo nʼyo ang aking mga buto at litid, at saka binalutan ng laman at balat. 12 Pagkatapos, binigyan nʼyo ako ng buhay, pinakitaan ng kabutihan at iningatan. 13 Pero nalaman ko na ang tunay ninyong plano sa akin 14 ay ang bantayan ako kung magkakasala ako at kapag nangyari iyon, hindi nʼyo ako patatawarin. 15 Nagkasala man ako o hindi, pareho lang naman na nakakaawa ako, dahil sa labis na kahihiyan at paghihirap na dinaranas ko. 16 Pinagsisikapan kong bumangon, pero para kayong leon na nakaabang sa akin. Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan laban sa akin. 17 Patuloy nʼyo akong isinasakdal at lalo kayong nagagalit sa akin. Walang tigil nʼyo akong nilulusob.
18 “ ‘Bakit niloob nʼyo pa na isilang ako? Sanaʼy namatay na lang ako at wala nang nakakita sa akin. 19 Hindi na lang sana ako nilikha. Namatay na lang sana ako bago isinilang at itinuloy sa libingan. 20 Maikling panahon na lang ang natitira sa akin, kaya hayaan nʼyo na lang ako para kahit saglit man lang ay sumaya naman ako, 21 bago ako pumunta sa lugar na malungkot at madilim, at hindi na ako makakabalik pa rito. 22 Napakadilim sa lugar na iyon; palaging gabi at walang liwanag, at naghahari doon ang kaguluhan.’ ”
Footnotes
- 10:9 hinubog … lupa: o, hinubog mo mula sa putik.
Giobbe 10
Conferenza Episcopale Italiana
10 Stanco io sono della mia vita!
Darò libero sfogo al mio lamento,
parlerò nell'amarezza del mio cuore.
2 Dirò a Dio: Non condannarmi!
Fammi sapere perché mi sei avversario.
3 E' forse bene per te opprimermi,
disprezzare l'opera delle tue mani
e favorire i progetti dei malvagi?
4 Hai tu forse occhi di carne
o anche tu vedi come l'uomo?
5 Sono forse i tuoi giorni come i giorni di un uomo,
i tuoi anni come i giorni di un mortale,
6 perché tu debba scrutare la mia colpa
e frugare il mio peccato,
7 pur sapendo ch'io non sono colpevole
e che nessuno mi può liberare dalla tua mano?
8 Le tue mani mi hanno plasmato e mi hanno fatto
integro in ogni parte; vorresti ora distruggermi?
9 Ricordati che come argilla mi hai plasmato
e in polvere mi farai tornare.
10 Non m'hai colato forse come latte
e fatto accagliare come cacio?
11 Di pelle e di carne mi hai rivestito,
d'ossa e di nervi mi hai intessuto.
12 Vita e benevolenza tu mi hai concesso
e la tua premura ha custodito il mio spirito.
13 Eppure, questo nascondevi nel cuore,
so che questo avevi nel pensiero!
14 Tu mi sorvegli, se pecco,
e non mi lasci impunito per la mia colpa.
15 Se sono colpevole, guai a me!
Se giusto, non oso sollevare la testa,
sazio d'ignominia, come sono, ed ebbro di miseria.
16 Se la sollevo, tu come un leopardo mi dai la
caccia
e torni a compiere prodigi contro di me,
17 su di me rinnovi i tuoi attacchi,
contro di me aumenti la tua ira
e truppe sempre fresche mi assalgono.
18 Perché tu mi hai tratto dal seno materno?
Fossi morto e nessun occhio m'avesse mai visto!
19 Sarei come se non fossi mai esistito;
dal ventre sarei stato portato alla tomba!
20 E non son poca cosa i giorni della mia vita?
Lasciami, sì ch'io possa respirare un poco
21 prima che me ne vada, senza ritornare,
verso la terra delle tenebre e dell'ombra di morte,
22 terra di caligine e di disordine,
dove la luce è come le tenebre.
Job 10
King James Version
10 My soul is weary of my life; I will leave my complaint upon myself; I will speak in the bitterness of my soul.
2 I will say unto God, Do not condemn me; shew me wherefore thou contendest with me.
3 Is it good unto thee that thou shouldest oppress, that thou shouldest despise the work of thine hands, and shine upon the counsel of the wicked?
4 Hast thou eyes of flesh? or seest thou as man seeth?
5 Are thy days as the days of man? are thy years as man's days,
6 That thou enquirest after mine iniquity, and searchest after my sin?
7 Thou knowest that I am not wicked; and there is none that can deliver out of thine hand.
8 Thine hands have made me and fashioned me together round about; yet thou dost destroy me.
9 Remember, I beseech thee, that thou hast made me as the clay; and wilt thou bring me into dust again?
10 Hast thou not poured me out as milk, and curdled me like cheese?
11 Thou hast clothed me with skin and flesh, and hast fenced me with bones and sinews.
12 Thou hast granted me life and favour, and thy visitation hath preserved my spirit.
13 And these things hast thou hid in thine heart: I know that this is with thee.
14 If I sin, then thou markest me, and thou wilt not acquit me from mine iniquity.
15 If I be wicked, woe unto me; and if I be righteous, yet will I not lift up my head. I am full of confusion; therefore see thou mine affliction;
16 For it increaseth. Thou huntest me as a fierce lion: and again thou shewest thyself marvellous upon me.
17 Thou renewest thy witnesses against me, and increasest thine indignation upon me; changes and war are against me.
18 Wherefore then hast thou brought me forth out of the womb? Oh that I had given up the ghost, and no eye had seen me!
19 I should have been as though I had not been; I should have been carried from the womb to the grave.
20 Are not my days few? cease then, and let me alone, that I may take comfort a little,
21 Before I go whence I shall not return, even to the land of darkness and the shadow of death;
22 A land of darkness, as darkness itself; and of the shadow of death, without any order, and where the light is as darkness.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®