Jeremias 6-7
Ang Biblia (1978)
Ang nagbabalang pagkulong sa Jerusalem.
6 Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, (A)at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa (B)Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa (C)hilagaan, at isang malaking paglipol.
2 Ang maganda at maayos na babae, ang anak na babae ng Sion, ihihiwalay ko.
3 Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot; sila'y mangagpapasabsab bawa't isa sa kanikaniyang dako.
4 Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya; (D)kayo'y magsibangon, at (E)tayo'y magsisampa sa katanghaliang tapat. Sa aba natin! sapagka't ang araw ay kumikiling, sapagka't ang mga dilim ng gabi ay nangangalat.
5 Magsibangon, at tayo'y magsisampa sa gabi, at ating gibain ang kaniyang mga palacio.
6 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siya'y lubos na kapighatian sa gitna niya.
7 Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig, (F)gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan: (G)pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat.
8 Maturuan ka, Oh Jerusalem, (H)baka ang aking kaluluwa ay mahiwalay sa iyo; baka ikaw ay gawin kong sira, lupaing hindi tinatahanan.
Ang paglagpak ng Jerusalem ay dadating dahil sa kaniyang kasamaan.
9 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (I)Kanilang lubos na sisimutin ang (J)nalabi sa Israel na parang puno ng ubas: idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas.
10 Kanino ako magsasalita at magpapatotoo, upang kanilang marinig? narito, ang kanilang (K)pakinig ay paking, (L)at hindi mangakarinig: narito, ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila; sila'y walang kaluguran sa kaniya.
11 Kaya't ako'y puspus ng kapusukan ng Panginoon; ako'y pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagka't gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan.
12 At ang (M)kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, (N)ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagka't iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.
13 Sapagka't (O)mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at (P)mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.
14 (Q)Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.
15 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, o sila man ay nangamula: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila, sabi ng Panginoon.
16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo (R)ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at (S)kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.
17 At ako'y naglagay ng mga bantay (T)sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni't kanilang sinabi, Hindi kami makikinig.
18 Kaya't inyong pakinggan, ninyong mga bansa, at inyong talastasin, Oh kapulungan, kung ano ang nasa gitna nila.
19 (U)Iyong pakinggan, Oh lupa: (V)narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, (W)na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka't sila'y hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil.
20 (X)Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin (Y)ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? (Z)ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.
21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (AA)Narito, ako'y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay.
22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (AB)ang isang bayan ay nagmumula (AC)sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa (AD)ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.
23 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.
24 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay (AE)humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
25 Huwag kang lumabas sa parang, o lumakad man sa daan; sapagka't may tabak ng kaaway, at kakilabutan sa bawa't dako.
26 Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka (AF)ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin.
27 Iginawa kita (AG)ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at (AH)masubok ang kanilang lakad.
28 Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na (AI)nanganinirang puri; (AJ)sila'y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.
29 Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagka't ang (AK)masasama ay hindi nangaalis.
30 Tatawagin silang pilak na itinakuwil, (AL)sapagka't itinakuwil sila ng Panginoon.
Ang pagsamba sa templo ay walang kabuluhan sa hindi sumusunod sa Panginoon.
7 Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon na nagsasabi,
2 Ikaw ay tumayo sa pintuang-daan (AM)ng bahay ng Panginoon, at itanyag mo roon ang salitang ito, at iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa Juda, na nagsisipasok sa mga pintuang-daang ito upang magsisamba sa Panginoon.
3 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (AN)Inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at akin (AO)kayong patatahanin sa dakong ito.
4 Huwag kayong magsitiwala sa mga (AP)kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ay ang mga ito.
5 Sapagka't kung inyong lubos na pabubutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa; kung kayo'y lubos na (AQ)magsisigawa ng kahatulan sa isang tao at sa kaniyang kapuwa.
6 (AR)Kung hindi ninyo pipighatiin ang makikipamayan, ang ulila, at ang babaing bao, at hindi kayo magbububo ng walang salang dugo sa dakong ito, (AS)o susunod man sa ibang mga dios sa inyong sariling kapahamakan.
7 Ay patatahanin ko nga kayo (AT)sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula ng una (AU)hanggang sa walang hanggan.
8 Narito, kayo'y nagsisitiwala sa mga kabulaanang (AV)salita, na hindi mapapakinabangan.
9 Kayo baga'y mangagnanakaw, magsisipatay, at mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan, at mangagsusunog ng kamangyan kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala.
10 At magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito, na tinatawag sa aking pangalan, na mangagsasabi, Kami ay laya; upang inyong gawin ang lahat na kasuklamsuklam na ito?
11 Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan, naging (AW)yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata? Narito, ako, ako nga ang nakakita, sabi ng Panginoon.
12 Nguni't magsiparoon kayo ngayon (AX)sa aking dako na nasa (AY)Silo, na siyang aking pinagpatahanan ng aking pangalan nang una, at inyong tingnan (AZ)kung ano ang aking ginawa dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel.
13 At ngayon, sapagka't inyong ginawa ang lahat ng gawang ito, sabi ng Panginoon, at nagsalita ako sa inyo, na ako'y bumabangong maaga at nagsasalita, nguni't hindi ninyo dininig: at aking tinawag kayo, nguni't hindi kayo sumagot:
14 Kaya't gagawin ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, na inyong tinitiwalaan, at sa dakong ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, ang gaya ng aking ginawa sa Silo.
15 At akin kayong itatakuwil sa aking paningin, gaya (BA)ng pagkatakuwil ko sa lahat ninyong mga kapatid, (BB)sa buong binhi ni Ephraim.
Ang sumusunod sa idolatria ay parurusahan.
16 Kaya't (BC)huwag mong idalangin ang bayang ito, ni palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man, o mamagitan man ikaw sa akin; sapagka't hindi kita didinggin.
17 Hindi mo ba nakikita kung ano ang kanilang ginagawa sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?
18 Ang mga anak ay nangamumulot ng kahoy, at ang mga ama ay nangagpapaningas ng apoy, at ang mga babae ay nangagmamasa ng masa, upang igawa ng mga tinapay ang reina ng langit, at upang magbuhos ng mga handog na inumin sa ibang mga dios, upang kanilang mungkahiin ako sa galit.
19 Kanila baga akong minumungkahi sa galit? sabi ng Panginoon; hindi baga sila namumungkahi sa kanilang sarili (BD)sa ikalilito ng kanila ring mukha?
20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking galit at ang aking kapusukan ay mabubuhos sa dakong ito, sa tao, at (BE)sa hayop, at sa mga punong kahoy sa parang, at sa bunga ng lupa: at masusupok, at hindi mapapatay.
21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (BF)Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at (BG)magsikain kayo ng laman.
22 (BH)Sapagka't hindi ako nagsalita sa inyong mga magulang, o nagutos man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, tungkol sa mga handog na susunugin, o sa mga hain:
23 Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, (BI)Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, (BJ)sa ikabubuti ninyo.
24 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong.
25 Mula nang araw na ang inyong mga magulang ay magsilabas sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito, aking (BK)sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila:
26 Gayon ma'y hindi sila nangakinig sa akin, (BL)o nangagkiling man ng kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg: sila'y nagsigawa ng lalong masama kay sa kanilang mga magulang.
Ang kasuklamsuklam ng Topheth at ang kanilang kaparusahan.
27 At iyong sasalitain ang lahat na salitang ito sa kanila; nguni't hindi sila mangakikinig sa iyo: iyo namang tatawagin sila; nguni't hindi sila magsisisagot sa iyo.
28 At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang bansang hindi nakinig sa tinig ng Panginoon nilang Dios, o tumanggap man ng aral: katotohanan ay (BM)nawala, at nahiwalay sa kanilang bibig.
29 Iyong gupitin ang iyong buhok, Oh Jerusalem, (BN)at ihagis mo, at maglakas ka ng panaghoy sa (BO)mga luwal na kaitaasan; sapagka't itinakuwil ng Panginoon at nilimot ang lahat ng kaniyang poot.
30 Sapagka't nagsigawa ang mga anak ni Juda ng masama sa aking paningin, sabi ng Panginoon: (BP)kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay (BQ)na tinatawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.
31 At kanilang itinayo (BR)ang mga mataas na dako ng Topheth, na nasa (BS)libis ng anak ni Hinnom, (BT)upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy; na hindi ko iniuutos, o pumasok man sa aking pagiisip.
32 Kaya't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na siya tatawaging Topheth, o ang libis ng anak ni Hinnom man, kundi Ang libis ng Patayan: (BU)sapagka't sila'y mangaglilibing sa Topheth, hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.
33 At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang bubugaw sa mga yaon.
34 Kung magkagayo'y (BV)aking ipatitigil sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae: (BW)sapagka't ang lupain ay masisira.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
