Add parallel Print Page Options

Mula kay Santiago na lingkod[a] ng Dios at ng Panginoong Jesu-Cristo.

Mahal kong mga mananampalataya na nagsipangalat saan man sa mundo.[b]

Ang Pananampalataya at Karunungan

Mga kapatid, magalak kayo sa tuwing dumaranas kayo ng mga pagsubok. Sapagkat alam ninyong nagdudulot ito ng katatagan sa inyong pananampalataya. Kaya tiisin ninyo ang mga pagsubok upang maging ganap at walang anumang pagkukulang ang buhay nʼyo. Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo sa karunungan, humingi siya sa Dios at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat. Ngunit dapat magtiwala ang humihingi at huwag magduda, dahil ang taong nagdududa ay katulad ng alon sa dagat na tinatangay at pinapadpad ng hangin. Ang ganitong tao ay hindi dapat umasa na may matatanggap mula sa Panginoon dahil nagdadalawang-isip siya at walang katiyakan sa mga ginagawa niya.

Mga Mahihirap at Mayayaman

Dapat ikagalak ng mga mahihirap na kapatid kay Cristo ang pagpaparangal ng Dios sa kanila. 10 Ang mga mayayaman naman na kapatid kay Cristo ay dapat ding ikarangal ang pagkakababa sa kanila ng Dios, dahil lilipas sila katulad ng mga bulaklak sa parang.[c] 11 Natutuyo ang mga damo sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang mga bulaklak nito, at kumukupas ang ganda. Ganoon din naman ang isang mayaman, mamamatay siya sa kasagsagan ng paghahanapbuhay niya.

Mga Pagsubok at Tukso

12 Mapalad ang taong nananatiling matatag sa kabila ng mga pagsubok dahil pagkatapos niyang mapagtagumpayan ang mga ito, tatanggapin niya bilang gantimpala ang buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios sa mga nagmamahal sa kanya. 13 Kung dumaranas ng tukso ang isang tao, hindi niya dapat isiping galing ito sa Dios, dahil hindi maaaring matukso ang Dios sa kasamaan, at hindi rin siya nanunukso sa kahit kanino. 14 Natutukso ang isang tao kapag nahihikayat siya at nadadala ng sariling pagnanasa. 15 At kung susundin niya ang pagnanasa niya, magbubunga ito ng kasalanan; at kung magpapatuloy siya sa kasalanan, hahantong ito sa kamatayan.

16 Kaya huwag kayong magpadaya, mga minamahal kong kapatid. 17 Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Dios na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Dios ay hindi nagbabago. 18 Ayon sa kanyang kalooban, ginawa niya tayong mga anak niya sa pamamagitan ng pagkilala natin sa katotohanan,[d] upang maging higit tayo sa lahat ng nilikha niya.

Pagdinig at Pagsunod

19 Tandaan nʼyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pananalita, at huwag agad magagalit. 20 Sapagkat ang galit ay hindi nakakatulong sa tao para maging matuwid sa paningin ng Dios. 21 Kaya talikuran nʼyo na ang lahat ng kasamaan at maruruming gawain, at tanggapin nang may pagpapakumbaba ang salita ng Dios na itinanim sa inyong puso na siyang makapagliligtas sa inyo.

22 Huwag lang kayong maging tagapakinig ng salita ng Dios kundi sundin nʼyo ang sinasabi nito. Dahil kung hindi, dinadaya nʼyo lang ang sarili ninyo. 23 Dahil kung nakikinig lang ang isang tao sa salita ng Dios pero hindi naman niya tinutupad ang sinasabi nito, katulad siya ng isang taong tumitingin sa salamin 24 na pagkatapos makita ang sarili ay umaalis at agad kinakalimutan ang ayos niya. 25 Ngunit ang taong nagsasaliksik at tumutupad sa Kautusang ganap na nagpapalaya, at hindi tagapakinig lang na nakakalimot agad, ay ang taong pagpapalain ng Dios sa mga ginagawa niya.

26 Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso pero hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili. 27 Ang pagkarelihiyosong itinuturing na dalisay at walang kapintasan ng Dios Ama ay ito: Ang pagtulong sa mga ulila at mga biyuda sa kahirapan nila, at ang pagtalikod sa lahat ng kasamaan sa mundong ito.

Babala Laban sa mga May Pinapaboran

Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng dakila nating Panginoong Jesu-Cristo, dapat wala kayong pinapaboran. Halimbawa, dumating sa inyong pagtitipon ang isang mayaman na may gintong singsing at nakasuot ng mamahaling damit, at dumating din ang isang mahirap na punit-punit naman ang damit. Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at bibigyan ng upuan, samantalang ang mahirap ay patatayuin na lang ninyo o pauupuin sa sahig, hindi baʼt may pinapaboran kayo ayon sa masama ninyong pag-iisip?[e]

Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Dios ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya? Ngunit minamaliit nʼyo naman ang mga mahihirap. Hindi baʼt ang mga mayayaman ang nagpapahirap at nagpaparatang sa inyo? Hindi baʼt sila ang nanlalait sa marangal na pangalan ni Jesu-Cristo, at sa pangalang ito kayo nakilala?

Pero kung sinusunod nʼyo ang utos ng Hari sa Kasulatan, na nagsasabi, “Mahalin mo ang iyong kapwa, gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili,”[f] mabuti ang ginagawa ninyo. Ngunit kung may pinapaboran kayo, nagkakasala kayo at ayon sa Kautusan dapat kayong parusahan, dahil nilabag nʼyo ang utos na ito. 10 Ang tumutupad sa buong Kautusan pero lumabag sa isa sa mga ito ay lumabag na rin sa buong Kautusan. 11 Sapagkat ang Dios na nag-utos, “Huwag kang mangangalunya,” ay nagsabi ring, “Huwag kang papatay.”[g] Hindi ka nga nangangalunya, pero pumapatay ka naman, nilalabag mo pa rin ang Kautusan. 12 Kaya mag-ingat kayo sa pananalita at gawa nʼyo, dahil ang Kautusan na nagpalaya sa inyo ang siya ring hahatol sa inyo. 13 Walang awang hahatulan ng Dios ang hindi marunong maawa; pero ang maawain sa kapwa ay hindi kailangang matakot sa oras ng paghatol.

Ang Pananampalataya at Mabuting Gawa

14 Mga kapatid, ano bang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, pero wala naman siyang mabuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? 15 Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, 16 at sasabihan mo, “Pagpalain ka ng Dios at hindi ka sana ginawin at magutom,” pero hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? 17 Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.[h]

18 Kung talagang may magsasabi, “May pananampalataya ako, at ikaw naman ay may mabuting gawa.” Ito naman ang isasagot ko, paano ko makikita ang pananampalataya mo kung wala ka namang mabuting gawa? Ipapakita ko sa iyo na may pananampalataya ako sa pamamagitan ng mabuti kong gawa. 19 Naniniwala ka na may iisang Dios? Mabuti iyan! Pero kahit ang masasamang espiritu man ay naniniwala rin, at nanginginig pa nga sa takot. 20 Ikaw na walang pang-unawa, gusto mo bang patunayan ko na walang kabuluhan ang pananampalataya kung walang mabuting gawa? 21 Hindi baʼt itinuring na matuwid ng Dios ang ninuno nating si Abraham dahil sa mabuti niyang gawa nang ihandog niya sa altar ang anak niyang si Isaac? 22 Makikita mo na ang pananampalataya niyaʼy may kasamang mabuting gawa. Naipakita na tunay[i] ang pananampalataya niya sa pamamagitan ng mabuting gawa. 23 Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Dios.”[j] 24 Dito nʼyo makikita na itinuturing na matuwid ng Dios ang tao dahil sa mabuti nitong gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.

25 Ganoon din si Rahab, ang babaeng bayaran. Itinuring siyang matuwid dahil itinago niya ang mga espiya ng mga Israelita at itinuro ang ibang daan para makatakas sila.

26 Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang mabuting gawa.

Ang Dila

Mga kapatid, huwag basta-bastang maghangad na maging tagapagturo ang marami sa inyo, dahil alam ninyong mas mabigat ang paghatol sa aming mga nagtuturo. Lahat tayo ay madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilin ang kanyang sarili. Nirerendahan natin ang mga kabayo para sumunod saan man natin gustong papuntahin. Isipin nʼyo rin ang mga barko na kahit napakalaki at itinutulak ng malakas na hangin ay napapabaling ng maliit na timon at napapapunta ng kapitan saan man niya gustuhin. Ganoon din naman ang dila natin; kahit na maliit na bahagi ng katawan, nakakagawa ng malaking kayabangan. Isipin nʼyo kung gaano kalawak na gubat ang masusunog na galing lang sa maliit na apoy. Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impyerno, at sumisira sa buong buhay natin. Lahat ng uri ng hayop na lumalakad, lumilipad, gumagapang o nakatira sa tubig ay napapaamo ng tao. Pero walang taong nakakagawa nito sa dila. Wala itong tigil sa kasamaan at puno ng lasong nakamamatay. Sa pamamagitan ng dila, pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, pero sa pamamagitan din nito ay isinusumpa natin ang ating kapwa na nilikhang kalarawan ng Dios. 10 Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan. 11 Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi! 12 Mga kapatid, hindi rin maaaring mamunga ng olibo ang puno ng igos o ng igos ang ubas. Hindi rin maaaring makakuha ng tubig-tabang sa tubig-alat.

Ang Karunungang Mula sa Dios

13 Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba. 14 Kung pagkainggit at pagkamakasarili naman ang umiiral sa inyong puso, huwag ninyong ipagyabang na may karunungan kayo, dahil pinasisinungalingan nʼyo ang katotohanan. 15 Ang ganitong karunungan ay hindi nagmumula sa Dios kundi sa mundo. Mula ito sa diyablo at hindi sa Banal na Espiritu. 16 Sapagkat kung saan umiiral ang pagkainggit at pagkamakasarili, naroon din ang kaguluhan at lahat ng uri ng kasamaan. 17 Ngunit ang taong may karunungang mula sa Dios, una sa lahat ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari. 18 Ang taong maibigin sa kapayapaan at nagpapalaganap nito ay nagdudulot ng maayos na relasyon sa iba.

Footnotes

  1. 1:1 lingkod: sa literal, alipin.
  2. 1:1 mga mananampalataya … mundo: sa literal, 12 lahi na nagsipangalat.
  3. 1:10 bulaklak sa parang: o, bulaklak ng damo.
  4. 1:18 pagkilala natin sa katotohanan: sa literal, salita ng katotohanan.
  5. 2:4 masama ninyong pag-iisip: o, masamang hangarin.
  6. 2:8 Lev. 19:18.
  7. 2:11 Exo. 20:13-14; Deu. 5:17-18.
  8. 2:17 wala itong kabuluhan: sa literal, patay.
  9. 2:22 tunay: o, ganap.
  10. 2:23 Gen. 15:6.

James,(A) a servant of God(B) and of the Lord Jesus Christ,

To the twelve tribes(C) scattered(D) among the nations:

Greetings.(E)

Trials and Temptations

Consider it pure joy, my brothers and sisters,[a] whenever you face trials of many kinds,(F) because you know that the testing of your faith(G) produces perseverance.(H) Let perseverance finish its work so that you may be mature(I) and complete, not lacking anything. If any of you lacks wisdom, you should ask God,(J) who gives generously to all without finding fault, and it will be given to you.(K) But when you ask, you must believe and not doubt,(L) because the one who doubts is like a wave of the sea, blown and tossed by the wind. That person should not expect to receive anything from the Lord. Such a person is double-minded(M) and unstable(N) in all they do.

Believers in humble circumstances ought to take pride in their high position.(O) 10 But the rich should take pride in their humiliation—since they will pass away like a wild flower.(P) 11 For the sun rises with scorching heat(Q) and withers(R) the plant; its blossom falls and its beauty is destroyed.(S) In the same way, the rich will fade away even while they go about their business.

12 Blessed is the one who perseveres under trial(T) because, having stood the test, that person will receive the crown of life(U) that the Lord has promised to those who love him.(V)

13 When tempted, no one should say, “God is tempting me.” For God cannot be tempted by evil, nor does he tempt anyone; 14 but each person is tempted when they are dragged away by their own(W) evil desire and enticed. 15 Then, after desire has conceived, it gives birth to sin;(X) and sin, when it is full-grown, gives birth to death.(Y)

16 Don’t be deceived,(Z) my dear brothers and sisters.(AA) 17 Every good and perfect gift is from above,(AB) coming down from the Father of the heavenly lights,(AC) who does not change(AD) like shifting shadows. 18 He chose to give us birth(AE) through the word of truth,(AF) that we might be a kind of firstfruits(AG) of all he created.

Listening and Doing

19 My dear brothers and sisters,(AH) take note of this: Everyone should be quick to listen, slow to speak(AI) and slow to become angry, 20 because human anger(AJ) does not produce the righteousness that God desires. 21 Therefore, get rid of(AK) all moral filth and the evil that is so prevalent and humbly accept the word planted in you,(AL) which can save you.

22 Do not merely listen to the word, and so deceive yourselves. Do what it says.(AM) 23 Anyone who listens to the word but does not do what it says is like someone who looks at his face in a mirror 24 and, after looking at himself, goes away and immediately forgets what he looks like. 25 But whoever looks intently into the perfect law that gives freedom,(AN) and continues in it—not forgetting what they have heard, but doing it—they will be blessed in what they do.(AO)

26 Those who consider themselves religious and yet do not keep a tight rein on their tongues(AP) deceive themselves, and their religion is worthless. 27 Religion that God our Father accepts as pure and faultless is this: to look after(AQ) orphans and widows(AR) in their distress and to keep oneself from being polluted by the world.(AS)

Favoritism Forbidden

My brothers and sisters, believers in our glorious(AT) Lord Jesus Christ must not show favoritism.(AU) Suppose a man comes into your meeting wearing a gold ring and fine clothes, and a poor man in filthy old clothes also comes in. If you show special attention to the man wearing fine clothes and say, “Here’s a good seat for you,” but say to the poor man, “You stand there” or “Sit on the floor by my feet,” have you not discriminated among yourselves and become judges(AV) with evil thoughts?

Listen, my dear brothers and sisters:(AW) Has not God chosen those who are poor in the eyes of the world(AX) to be rich in faith(AY) and to inherit the kingdom(AZ) he promised those who love him?(BA) But you have dishonored the poor.(BB) Is it not the rich who are exploiting you? Are they not the ones who are dragging you into court?(BC) Are they not the ones who are blaspheming the noble name of him to whom you belong?

If you really keep the royal law found in Scripture, “Love your neighbor as yourself,”[b](BD) you are doing right. But if you show favoritism,(BE) you sin and are convicted by the law as lawbreakers.(BF) 10 For whoever keeps the whole law and yet stumbles(BG) at just one point is guilty of breaking all of it.(BH) 11 For he who said, “You shall not commit adultery,”[c](BI) also said, “You shall not murder.”[d](BJ) If you do not commit adultery but do commit murder, you have become a lawbreaker.

12 Speak and act as those who are going to be judged(BK) by the law that gives freedom,(BL) 13 because judgment without mercy will be shown to anyone who has not been merciful.(BM) Mercy triumphs over judgment.

Faith and Deeds

14 What good is it, my brothers and sisters, if someone claims to have faith but has no deeds?(BN) Can such faith save them? 15 Suppose a brother or a sister is without clothes and daily food.(BO) 16 If one of you says to them, “Go in peace; keep warm and well fed,” but does nothing about their physical needs, what good is it?(BP) 17 In the same way, faith by itself, if it is not accompanied by action, is dead.(BQ)

18 But someone will say, “You have faith; I have deeds.”

Show me your faith without deeds,(BR) and I will show you my faith(BS) by my deeds.(BT) 19 You believe that there is one God.(BU) Good! Even the demons believe that(BV)—and shudder.

20 You foolish person, do you want evidence that faith without deeds is useless[e]?(BW) 21 Was not our father Abraham considered righteous for what he did when he offered his son Isaac on the altar?(BX) 22 You see that his faith and his actions were working together,(BY) and his faith was made complete by what he did.(BZ) 23 And the scripture was fulfilled that says, “Abraham believed God, and it was credited to him as righteousness,”[f](CA) and he was called God’s friend.(CB) 24 You see that a person is considered righteous by what they do and not by faith alone.

25 In the same way, was not even Rahab the prostitute considered righteous for what she did when she gave lodging to the spies and sent them off in a different direction?(CC) 26 As the body without the spirit is dead, so faith without deeds is dead.(CD)

Taming the Tongue

Not many of you should become teachers,(CE) my fellow believers, because you know that we who teach will be judged(CF) more strictly.(CG) We all stumble(CH) in many ways. Anyone who is never at fault in what they say(CI) is perfect,(CJ) able to keep their whole body in check.(CK)

When we put bits into the mouths of horses to make them obey us, we can turn the whole animal.(CL) Or take ships as an example. Although they are so large and are driven by strong winds, they are steered by a very small rudder wherever the pilot wants to go. Likewise, the tongue is a small part of the body, but it makes great boasts.(CM) Consider what a great forest is set on fire by a small spark. The tongue also is a fire,(CN) a world of evil among the parts of the body. It corrupts the whole body,(CO) sets the whole course of one’s life on fire, and is itself set on fire by hell.(CP)

All kinds of animals, birds, reptiles and sea creatures are being tamed and have been tamed by mankind, but no human being can tame the tongue. It is a restless evil, full of deadly poison.(CQ)

With the tongue we praise our Lord and Father, and with it we curse human beings, who have been made in God’s likeness.(CR) 10 Out of the same mouth come praise and cursing. My brothers and sisters, this should not be. 11 Can both fresh water and salt water flow from the same spring? 12 My brothers and sisters, can a fig tree bear olives, or a grapevine bear figs?(CS) Neither can a salt spring produce fresh water.

Two Kinds of Wisdom

13 Who is wise and understanding among you? Let them show it(CT) by their good life, by deeds(CU) done in the humility that comes from wisdom. 14 But if you harbor bitter envy and selfish ambition(CV) in your hearts, do not boast about it or deny the truth.(CW) 15 Such “wisdom” does not come down from heaven(CX) but is earthly, unspiritual, demonic.(CY) 16 For where you have envy and selfish ambition,(CZ) there you find disorder and every evil practice.

17 But the wisdom that comes from heaven(DA) is first of all pure; then peace-loving,(DB) considerate, submissive, full of mercy(DC) and good fruit, impartial and sincere.(DD) 18 Peacemakers(DE) who sow in peace reap a harvest of righteousness.(DF)

Footnotes

  1. James 1:2 The Greek word for brothers and sisters (adelphoi) refers here to believers, both men and women, as part of God’s family; also in verses 16 and 19; and in 2:1, 5, 14; 3:10, 12; 4:11; 5:7, 9, 10, 12, 19.
  2. James 2:8 Lev. 19:18
  3. James 2:11 Exodus 20:14; Deut. 5:18
  4. James 2:11 Exodus 20:13; Deut. 5:17
  5. James 2:20 Some early manuscripts dead
  6. James 2:23 Gen. 15:6